Sabado, Oktubre 4, 2008

Dimasupil - salin ng tulang Invictus

DIMASUPIL
ni William Ernest Henley
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod

Doon sa karimlang sa akin nakalukob
Na sing-itim ng hukay sa magkabilanin
Sa gawa ng bathala’y salamat ng taos
Sa hindi pasusupil na diwa kong angkin

Sa biglang lagapak niyaring kalagayan
Di ako kumislot o kaya’y nagngangawa
Sa ilalim nitong biglaang kapalaran
Di ako yumukod duguan man ang mukha

Higit sa pook na ito ng luha't poot
Ay nababanaag yaong lagim ng tabing
Gayunman anumang banta ng mga taon
Ay di nagpasagila ng takot sa akin.

Balewala makipot man ang tarangkahan
Sa kalatas man mga parusa’y natala
Ako ang maestro ng aking kapalaran
Ako ang kapitan ng aking buong diwa.

Sampaloc, Manila
Mayo 6, 2008



INVICTUS
William Ernest Henley 

Out of the night that covers me
Black as the pit from pole to pole
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.

In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody but unbowed.

Beyond this place of wrath and tears
Looms but the horror of the shade
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.

It matters not how strait the gate
How charged with punishments the scroll
I am the master of my fate
I am the captain of my soul.

England, 1875