Huwebes, Hunyo 10, 2021

May araw din pala ang tangan kong panulat

MAY ARAW DIN PALA ANG TANGAN KONG PANULAT
(EVERY JUNE 9 IS NATIONAL BALLPOINT PEN DAY)

aba'y may araw din palang tinalaga sa bolpen
sa manunulat tulad ko'y dapat ipagdiwang din
lalo na't araw-gabi'y tangan ang bolpen kong angkin
upang magamit sa bawat akda kong susulatin

tinalaga sa nagdaang pitumpu't walong taon
ibig sabihin, noong digma, panahon ng Hapon
at naungusan na ang fountain pen at lapis ngayon
dahil dito'y kayraming akda ang nasulat noon

halimbawa'y liham ng pag-ibig sa sinisinta
sa mga nanliligaw pa lang ay liham-pagdiga
sa mga manunulat ay pag-akda ng nobela
sa mga makatang kinakatha'y tula tuwina

noon, tinta ng pluma'y di raw pantay na totoo
kaya maraming imbentor, ito'y inasikaso
salamat sa magkapatid na Laszlo't Gyorgy Biro
at itong bolpen ay naimbento't naging produkto

milyon-milyong bolpen na ngayon yaong nalilikha
at nakakarating na rin sa iba't ibang bansa
upang mabiling mura ng masa, kahit ng dukha
gamit sa komunikasyon at pagsulat ng madla

- gregoriovbituinjr.
06.09.2021
National Ballpoint Pen Day

Pinaghalawan:

NATIONAL BALLPOINT PEN DAY

Grab your ballpoint pen and write this on your calendar. June 10th of each year, National Ballpoint Pen Day recognizes the useful writing utensil and commemorates the anniversary of the patent filing on June 10, 1943. 

Before 1943, anyone who wanted to write a letter or scribble some notes on a piece of paper used a fountain pen or pencil. Now the dominant writing instrument, the ballpoint pen was originally conceived and developed as a cleaner and more reliable alternative to the quill and fountain pens. In earlier years, many attempts by inventors led to failed patents as their inventions did not deliver the ink evenly. They also had overflow and clogging issues. However, in June of 1943, the brothers Laszlo and Gyorgy Biro obtained their patent for the ballpoint pen, revolutionizing how many write letters and conduct business. 

Today, manufacturers produce ballpoint pens by the millions and sell them worldwide. As a promotional tool, ballpoint pens find their way into our hands from advertisers of all sorts assuring that we always have a ballpoint pen handy, too.

Pag may suloy na ang itinanim

PAG MAY SULOY NA ANG ITINANIM

patuloy pa rin akong nagtatanim ng pag-asa
lalo sa panahong ito'y apektado ang masa
sa lupit ng pandemyang dinulot ay pagdurusa
sa marami't di matingkalang pag-asa'y wala na

sa panahon ng pandemya'y natuto nang magtanim
sa mga walang lamang boteng plastik na nakimkim
sa puso't diwang ang kawalan ay di na maatim
naging magsasaka sa lungsod, huwag lang manimdim

buti't may mga suloy na ang mga tanim kong halaman
na tanda ng tiyaga at pag-asang inaasam
sana'y patuloy silang makarating sa tagpuan
hanggang biyayang mula sa tiyaga'y masumpungan

tara, tayo rin ay maging magsasaka sa lungsod
magtanim-tanim at urban farming ay itaguyod
tinitiyak kong ang inyong pamilya'y malulugod
lalo na't mamunga ang inyong pagpapakapagod

- gregoriovbituinjr.
06.10.2021
National Ballpoint Pen Day

Ang tungkulin ng makata sa salita

ANG TUNGKULIN NG MAKATA SA SALITA

may samutsaring salitang kayganda ngang aralin
lalo't mga ito'y nasa talatinigan natin
tungkulin ng mga makatang ito'y paunlarin
gawing popular sa madla't maunawaan man din

may salita ring minsan ay ayaw nating pakinggan
dahil tumutukoy sa tagong ari sa katawan
may salitang animo'y may bahid ng kabastusan
o maging katatawanan pag napapag-usapan

ngunit makatang tulad ko'y may tungkulin sa wika
sa saliksik, may katumbas ang maraming salita
katumbas na katutubo sa salitang banyaga
maganda ring aralin ang salitang makaluma

lambiyan, lambiyaw, ang lambitong ay alitaptap
pukot panulingan, pukot panggilid, pukot dalag
hanging balaklaot, timugan, amihan, habagat
kayrami pa nating di alam, dapat ding mamulat

makata'y may tungkulin sa akda nila't diskurso
at mabasa't maunawa ang ibang diyalekto
magamit sa sanaysay o tula o kuro-kuro
muling paggamit ng salita't lumaganap ito

- gregoriovbituinjr.
06.10.2021
National Ballpoint Pen Day

* kuhang litrato ng makatang gala mula sa UP Diksiyonaryong Filipino, p. 155