Sabado, Oktubre 11, 2008

Pagninilay, ni John Lennon

PAGNINILAY
ni John Lennon
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Isipin mong walang langit
Madali lang kung susubukan mo
Walang impyerno sa ilalim natin
Sa ibabaw nati’y alapaap lang
Isipin mong ang lahat ng tao
Nabubuhay para sa kasalukuyan...ah

Isipin mong walang bansa
Hindi ito mahirap gawin
Walang dahilan para pumatay at mamatay
At wala ring relihiyon
Isipin mong ang lahat ng tao
Nabubuhay sa kapayapaan... yuhu ooh

REFRAIN:
Maaaring sabihin mong
ako’y nangangarap lang
Ngunit hindi lamang ako
Sana’y makasama ka namin
At ang mundo’y magiging isa

Isiping walang pag-aari
Naiisip ko’y kung kaya mo
Di na kailangang maging sakim o gutom
Pagkakapatiran ng mamamayan
Isipin mong ang lahat ng tao
Nagbibigayan sa buong mundo ... yuhu ooh

(Ulitin ang Refrain)


IMAGINE
by John Lennon (1940-1980)

Imagine there's no Heaven
It's easy if you try
No hell below us
Above us only sky
Imagine all the people
Living for today

Imagine there's no countries
It isn't hard to do
Nothing to kill or die for
And no religion too
Imagine all the people
Living life in peace

You may say that I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will be as one

Imagine no possessions
I wonder if you can
No need for greed or hunger
A brotherhood of man
Imagine all the people
Sharing all the world

You may say that I'm a dreamer
But I'm not the only one
I hope someday you'll join us
And the world will live as one

Impossible Dream, tinagalog

ANG PANGARAPIN ANG DI-MANGYAYARING PANGARAP
- isang klasikong awitin
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang pangarapin ang di mangyayaring pangarap
ang kalabanin ang wala pang talong kalaban
ang kayanin ang matinding kalungkutan
ang pumunta sa di pinupuntahan ng magigiting
ang itama ang di-maitamang pagkakamali
ang umibig ng tunay at wagas mul sa malayo
ang sumubok kahit pagod na ang mga bisig
ang marating ang di-marating na bituin.

Ito ang layunin ko
ang sundan yaong bituin
kahit wala nang pag-asa
kahit gaano kalayo
para ipaglaban ang tama
nang walang anumang pag-aatubili
kahit na magmartsa patungong impyerno
para sa makalangit na mithiin.

At ang alam kong, kung magiging tapat ako
sa dakilang layuning ito
na ang aking puso’y hihimlay ng payapa
kung ako’y dinala na sa huling hantungan.

At ang daigdig ay magiging maayos dahil dito
na ang isang taong inapi’t maraming pilat
ay nagsumikap sa huling tapang niya
maabot lamang ang minimithing bituin.


TO DREAM THE IMPOSSIBLE DREAM
- a classic song

To dream the impossible dream
to fight the unbeatable foe
to bear with unbearable sorrow
to run where the brave dare not go
to right the unrightable wrong
to love pure and chaste from afar
to try when your arms are too weary
to reach the unreachable star.

This is my quest
to follow that star
no matter how hopeless
no matter how far
to fight for the right
without question or pause
to be willing to march into hell
for a heavenly cause.

And I know, if I’ll only be true
to this glorious quest
that my heart will lie peaceful and clam
when I’m laid to my rest.

And the world will be better for this
that one man, scorned and covered with scars
still strove with his last ounce of courage
to reach the unreachable star.

Sa Libingan, tulang salin

SA LIBINGAN
ng Di-Nakilalang May-akda
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Huwag kang tumayo sa aking libingan at lumuha.
Wala ako roon.
Hindi ako natutulog.
Ako’y sanlibong hanging umiihip.
Ako ang dyamanteng kumikinang sa niyebe.
Ako ang sinag ng araw sa nahihinog na butil.
Ako ang ulan sa taglagas.
Kung magigising ka sa payapang umaga.
Ako ang matuling hibik ng damdamin
ng mga ibong nakapalibot sa ere.
Ako ang mga bituing nagniningning sa magdamag.
Huwag kang tumayo sa aking libingan at lumuha.
Wala ako roon.
Hindi ako natutulog.


THE GRAVE
Author Unknown

Do not stand at my grave and weep.
I am not there.
I do not sleep.
I am a thousand winds that blow.
I am the diamond glint on the snow.
I am the sunlight on ripened grain.
I am the autumn rain.
When you awake in the morning hush.
I am the swift uplifting rush.
of birds circling in flight
I am the stars that shine at night.
Do not stand on my grave and weep.
I am not there.
I do not sleep.

Isang Puting Rosas, ni John Boyle O'Reilly

ISANG PUTING ROSAS
ni John Boyle O’Reilly (1844-1890)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ibinubulong ng pulang rosas ang masimbuyong damdamin
At inihihinga ng puting rosas ang pag-ibig
Ay, ang pulang rosas ay halkon
At ang puting rosas ay kalapati.

Ngunit pinadalhan kita ng maubod na rosal
Na hinahamog ang tuktok ng talulot nito
Para sa pag-ibig na sadyang dalisay at napakatamis
Na may halik ng pagnanasa sa labi.


A WHITE ROSE
by John Boyle O’Reilly (1844-1890)

The red rose whispers of passion
And the white rose breaches of love;
O, the red rose is a falcon,
And the white rose is a dove.

But I send you a cream-white rosebud
With a flush on its petal tips
For the love that is purest and sweetest
Has a kiss of desire on the lips.

Ang Marikit Kong Puno ng Rosas, ni William Blake

ANG MARIKIT KONG PUNO NG ROSAS
ni William Blake (1757-1827)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Inalayan ako ng isang bulaklak
Bulaklak na di isinilang sa Mayo,
Ngunit sabi ko, “May marikit akong puno ng rosas”
At ipinasa ko roon ang matamis na bulaklak

At ako’y nagtungo sa aking marikit na puno ng rosas
Upang alagaan siya maghapo’t magdamag,
Ngunit lumisan sa paninibughoang aking rosas
At ang kanyang mga tinik ang tangi kong ligaya.


MY PRETTY ROSE TREE
by William Blake (1757-1827)

A flower was offered to me,
Such a flower as May never bore;
But I said ‘I’ve a pretty rose-tree,’
And I passed the sweet flower o’er.

Then I went to my pretty rose-tree,
To tend her by day and night.
But my rose turned away with jealousy,
And her thornes were my only delight.

Kung Tayo'y Magkakawalay, ni Lord Byron

KUNG TAYO’Y MAGKAKAWALAY
ni Lord Byron (1788-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kung tayo’y magkakawalay
Sa katahimikan at pagluha,
Duguan ang puso
Na dadamhin ng ilang taon
Namumutla na ang leeg ko’t nanlalamig
Mas malamig pa sa iyong halik
Tunay ngang nang mga panahong yaon
Ay kalungkutan sa akin.

Ang hamog sa umaga
nadudurog sa ginaw ang aking noo
Tila ito isang babala
Ng aking nadarama ngayon
Nabasag ang lahat nating sinumpaan
At ang liwanag ang iyong kasikatan;
Narinig kong tinawag ang ‘yong ngalan
At nadama ko rin ang kahihiyan.

Itinulad ka sa pangalan ko,
Na nakakakiliti sa’king pandinig
Pagkayanig ang dumaratal sa akin
Bakit ba mahal na mahal kita?
Di nila alam na kilala kita
Na kilala kita ng lubusan
Matagal-tagal pa bago ako malungkot
Napakalalim para aking turan.

Sa lihim tayo’y nagkikita –
Sa katahimikan ako’y lumuluha
Pagkat nakalimot ang puso mo
Mandaraya ang iyong diwa.
Kung magkikita pa tayong muli
Pagkalipas ng ilan pang mga taon
Paano kita babatiin? –
Sa katahimikan at pagluha.


WHEN WE TWO PARTED
by Lord Byron (1788-1822)

When we two parted
In silence and tears,
Half broken-hearted
To sever for years,
Pale grew thy cheek and cold,
Colder thy kiss;
Truly that hour foretold
Sorrow to this.

The dew of the morning
Sunk chill on my brow –
It felt like the warning
Of what I feel now.
Thy vows are all broken,
And light is thy fame;
I hear thy name spoken,
And share in its shame.

They name thee before me,
A knell to mine ear
A shudder comes o’er me –
Why wert you so dear?
They know not I knew thee,
Who knew thee too well –
Long, long shall I rue thee,
Too deeply to tell.

In secret we met –
In silence I grieve
That thy heart could forgot
Thy spirit deceive.
If I should meet thee
After long years,
How should I greet thee? –
In silence and tears.

Kinuyom na Diwa, ni Pablo Neruda

KINUYOM NA DIWA
ni Pablo Neruda
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kita’y nawala sa takipsilim
Ngayong gabi’y walang nakakita sa ating magkahawak-kamay
habang dumaratal sa mundo ang bughaw na magdamag.

Natanaw ko sa aking durungawan
ang pagdatal ng dilim sa kalapit lang na kabundukan.

Minsan ilang bahagi ng araw
ay sumusunog na tila barya sa aking kamay.

Dumadalaw ka sa gunita ng kuyom kong diwa
sa kalungkutan kong naaarok mo.

Nasaan ka ng mga panahong yaon?
Sino pa ang naroroon?
Anong ipinahahayag?
Bakit biglang dumatal sa akin ang kabuuan ng paggiliw
kung kailan ako malungkot at ramdam kong napakalayo mo?

Lumagpak ang aklat na laging pinid sa takipsilim
at ang bughaw na pangginaw ay nakatiklop tulad ng nasaktang aso sa aking paanan.

Lagi, lagi kang lumilisan sa mga gabi
patungo sa takipsilim ng napapawing bantayog.


CLENCHED SOUL
by Pablo Neruda

We have lost even this twilight
No one saw us this evening hand in hand
while the blue night dropped on the world.

I have seen from my window
the fiesta of sunset in the distant mountain tops.

Sometimes a piece of sun
burned like a coin in my hand.

I remembered you with my soul clenched
in that sadness of mine that you know.

Where were you then?
Who else was there?
Saying what?
Why will the whole of love come on me suddenly
when I am sad and feel you are far away?

The book fell that always closed at twilight
and my blue sweater rolled like a hurt dog at my feet.

Always, always you recede through the evenings
toward the twilight erasing statues.

Kapag May Takot Ako, ni John Keats

KAPAG MAY TAKOT AKONG AKO’Y MAWAWALA NA
ni John Keats
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kapag may takot akong ako’y mawawala na
Bago pa tipunin ng aking pluma ang mga laman ng isipan
Bago pa sa mga nakasalansang aklat, sa kaugalian
Tinatanganan tulad ng kamalig na puno ng gintong butil;
Hanggang mapagmasdan ko ang matalang gabi,
Maalapaap na simbolo ng romansang espesyal,
Habang nagugunitang di na ako mabubuhay para malaman
Ang kanilang mga anino, na may kaibang kamay ng pagkakataon;
At nang madamang isang panahon ding naging matinong nilalang
Na hindi na kita muling pagmamasdan,
At di na nasisiyahan sa kapangyarihang mutya
Ng di-matingkalang pagsinta, - doon man sa aplaya
Ng malawak na daigdig na aking kinatatayuan, at nagninilay
Hanggang lumubog sa kawalan ang pag-ibig at pagbubunyi.


WHEN I HAVE FEARS THAT I MAY CEASE TO BE
by John Keats

When I have fears that I may cease to be
Before my pen has glean’d my teeming brain,
Before high-piled books, in charactery,
Hold like rich garners the full ripen’d grain;
When I behold, upon the night’s starr’d face,
Huge cloudy symbols of a high romance,
And think that I may never live to trace
Their shadows, with the magic hand of chance;
And when I feel, fair creature of an hour,
That I shall never look upon thee more,
Never have relish in the faery power
Of unreflecting love; - then on the shore
Of the wide world I stand alone, and think
Till love and fame to nothingness do sink.

May Isang Dilag na Malambing at Mabait, ni Thomas Ford

MAY ISANG DILAG NA MALAMBING AT MABAIT
ni Thomas Ford
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

May isang dilag na malambing at mabait
Bagamat di kaakit-akit ang kanyang mukha
Napagmasdan ko lamang siyang dumaraan
Gayunma’y iniibig ko siya hanggang kamatayan.

Ang kanyang anyo, pgkilos, at ang kanyang ngiti
Ang kanyang talino, ang tinig, ay nakaaakit sa puso
Naakit ang puso ko, kung bakit ay di ko alam
Gayunma’y iniibig ko siya hanggang kamatayan.

May pakpak si Kupido at katamtaman lang ang naaabot
Ang kanyang bayan, gayunman, di nagbabago ang aking pag-ibig
Bagamat nagbabago ang kalupaan, pati na kalangitan.
Gayunma’y iibigin ko siya hanggang kamatayan.


THERE IS A LADY SWEET AND KIND

by Thomas Ford

There is a lady sweet and kind,
Was never a face so pleased my mind;
I did but see her passing by,
And yet I’ll love her till I die.

Her gesture, motion, and her smiles,
Her wit, her voice my heart beguiles,
Beguiles my heart, I know not why,
And yet I’ll love her till I die.

Cupid is winged and he doth range,
Her country, so, my love doth change:
But change she earth, or change she sky,
Yet, I will love her till I die.

Turan Mo Kung Ano ang Pag-ibig, ni John Clare

TURAN MO KUNG ANO ANG PAG-IBIG
ni John Clare (1793-1864)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Turan mo kung ano ang pag-ibig – upang mabuhay sa dusa
Upang mabuhay at mamatay at mabuhay muli

Turan mo kung ano ang pag-ibig – iyan nga ba
Ang nasa piitan ngunit malaya pa rin

O tila malaya – mag-isa at magpapatunay
Sa kawalang pag-asa ng pag-asa ng tunay na pag-ibig?

Umiiral nga ba ang tunay na pagsinta?
Tulad ng sikat ng araw sa hamog

Na unti-unting naglalaho at walang natira
At di na matatagpuan pang muli.

Turan mo kung ano ang pag-ibig – isang umuusbong na pangalan
Isang dahon ng rosas sa pahina ng katanyagan.


SAY WHAT IS LOVE
by John Clare (1793-1864)

Say what is love – to live in vain
To live and die and live again

Say what is love – is it to be
In prison still and still be free

Or seems as free – alone and prove
The hopeless hopes of real love?

Does real love on earth exist?
’Tis like a sunbeam on the mist

That fades and nowhere will remain
And nowhere is o’vertook again.

Say what is love – a blooming name
A rose leaf on the page of fame.

Maitutulad Ba Kita sa Isang Tag-araw, ni Shakespeare

MAITUTULAD BA KITA SA ISANG TAG-ARAW? (Soneto 18)
ni William Shakespeare (1564-1616)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Maitutulad ba kita sa isang tag-araw?
Ikaw na kaibig-ibig at katamtaman
Niyayanig ng habagat ang sintang usbong ng Mayo
At napakaikli ng tipanan natin sa hiram na tag-araw:

Minsa’y napakainit ng pagkinang ng mata ng langit
Kadalasa’y lumalamlam ang kanyang gintong silahis:
At paminsa’y bumababa ang bawat kapusyawan
Pagkakataon man o di-maayos na pagbabago sa kalikasan

Ngunit di magmamaliw ang iyong walang hanggang tag-araw
Mawala man ang tangan mo sa kaaya-ayang sarili
O maghambog man ang kamatayang nakalambong sa kanila
Umusbong ka sa walang hanggang panahon.

Hanggat ang mga tao’y humihinga, o mga mata’y nakakakita
Hanggat nabubuhay ito, at ito’y nagbibigay-buhay sa iyo.


SHALL I COMPARE THEE TO A SUMMER’S DAY? (Sonnet 18)
by William Shakespeare (1564-1616)

Shall I compare thee to a summer’s day?
Thou art more lovely and more temperate:
Rough winds do shake the darling buds of May,
And summers’ lease hath all too short a date:

Sometime too hot the eye of heaven shines,
And often is his gold complexion dimm’d:
And every fair from fair sometime declines,
By chance, or nature’s changing course untrimm’d;

But thy eternal summer shall not fade,
Nor lose possession of that fair thou ow’st
Nor shall death brag thou wander’st in his shade,
When in eternal lines to time thou grow’st;

So long as men can breathe, or eyes can see,
So long live this, and this gives life to thee.

Tulad ng Napakapulang Rosas, ni Robert Burns

O, ANG AKING PAG-IBIG AY TULAD NG NAPAKAPULANG ROSAS
ni Robert Burns (1759-1796)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

O, ang aking pag-ibig ay kapara ng napakapulang rosas
Na bagong sibol nitong Hunyo
O, ang aking pag-ibig ay tulad ng melodya
Na tumataginting ang himig.

Kaaya-ayang tulad mo, maganda kong binibini
Taos sa kaibuturan akong umiibig:
Sadyang iniirog kita, aking giliw
Hanggang maiga man ang karagatan.

Hanggang maiga man ang dagat, giliw ko
At malusaw ng araw ang mga bato
Pakamamahalin kita, aking irog
Habang nagpapatuloy ang agos ng buhay.

At ako’y magpapaalam, irog kong tangi
At ako’y magpapaalam sumandali
Isang yutang milya man ang malakbay
At ako’y muling babalik, aking giliw.


O, MY LUVE’S LIKE A RED, RED ROSE
by Robert Burns (1759-1796)

O, my luve’s like a red, red rose,
That’s newly sprung in June;
O, my luve’s like the melodie
That sweetly played in tune.

As fair art thou, my bonnie lass,
So deep in luve am I:
And I will luve thee still, my dear,
Till a’ the seas gang dry.

Till a’ the seas gang dry, my dear,
And the rocks melt wi’ the sun:
I will luve thee still, my dear,
While the sands o’ life shall run.

And fare thee weel, my only luve,
And fare thee weel awhile!
And I will come again, my luve,
Tho’ it were ten thousand mile.

Pag-ibig, ni Rupert Brooke

PAG-IBIG
ni Rupert Brooke (1887-1915)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Ang pagsinta’y pagkawasak ng pader, gibang tarangkahan
Kung saan iyon lumagos at di na babalik
Inilako ng pag-ibig sa kapalaran ng muog ng palalong puso
Talos nila ang kahihiyan na umibig sa di-iniibig.
Mula noon
Nauuhaw sa isa’t isa ang dalawang bibig, nababawasan
At nalilimutan ang dusa, at nagpatahan
Ng mapaniwalaing puso, kapara ng langit ay tinangay
Ang munting pangarap sa kanilang bisig, at nagkaila
Sa kanyang bawat gabing malamlam, na ginuguniguni
Ang iba’y nagsalo sa magdamag, ngunit talos nilang pag-ibig
Ay nanlalamig
Lumaking sala’t dungo, yao’y napakatamis na kasinungalingan
Wala na sa kamay o balikat ang pamamangha
Ngunit kumukulimlim, at namamatay sa bawat halik
Lahat ng ito’y pag-ibig, at lahat ng pag-ibig ay ito.


LOVE

by Rupert Brooke (1887-1915)

Love is a breach in the walls, a broken gate,
Where that comes in that shall not go again;
Love sells the proud heart’s citadel to Fate.
They have known shame, who love unloved.
Even then
When two mouths, thirsty each for each, find slacking,
Ang agony’s forgot, ang hushed the crying
Of credulous hearts, in heaven-such are but taking
Their own poor dreams within their arms, and lying
Each in his lonely night, each with a ghost.
Some share that night. But they know, love
grows colder,
Grows false and dull, that was sweet lies at most.
Astonishment is no more in hand or shoulder,
But darkens, and dies out from kiss to kiss.
All this is love; and all love is but this.

Di Mabigkas na Pag-ibig, ni William Blake

DI MABIGKAS NA PAG-IBIG
ni William Blake (1757-1827)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Huwag mong hanaping ipagsabi ang pag-ibig
Pag-ibig na di mabigkas ngunit nangyayari
Tulad ng pagtinag ng hanging amihan
Mapayapa’t di nakikita.

Binigkas ko ang aking pag-ibig, binigkas ko sa aking liyag
Taos-puso kong binigkas sa kanya;
Nanginginig, nilalamig, nang may pangamba’t takot
Ay, siya’y tuluyang lumisan!

Nang siya’y mawala na sa akin,
Dumating ang isang manlalakbay
Mapayapa’t di nakikita:
At siya’y kinuha niyon nang may hinagpis.

LOVE THAT NEVER TOLD CAN BE
by William Blake (1757-1827)

Never seek to tell thy love,
Love that never told can be;
For the gentle wind doth move
Silently, invisibly.

I told my love, I told my love,
I told her all my heart;
Trembling, cold, in ghastly fears.
Ah, she did depart!

Soon after she was gone from me,
A traveller came by,
Silently, invisibly:
He took her with a sigh.

Pilosopiya ng Pag-ibig, ni Percy Bysshe Shelley

PILOSOPIYA NG PAG-IBIG
ni Percy Bysshe Shelley (1792-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Nakipagniig ang mga bukal sa ilog
At ang mga ilog sa karagatan
Ang hangin ng kalangitan ay tuluyang humalo
Sa damdaming katamis-tamisan
Walang anuman sa mundo ang nag-iisa;
Lahat ng bagay sa batas ay banal
Sa isang diwa’y nagkaharap at nagniig
Bakit hindi ako sa iyo? –
Masdan ang paghalik ng bundok sa kalangitan
At nagyayapusan ang mga alon
Walang kapatid na bulaklak ang mapapatawad
Kapag pinagmataasan nito ang kanyang kapatid
At niyakap ng bukangliwayway ang kalupaan
At humalik sa karagatan ang sinag ng buwan:
Ano pang saysay ng lahat ng matatamis na gawang ito
Kung hahagkan mo’y hindi ako?


LOVE’S PHILOSOPHY
by Percy Bysshe Shelley (1792-1822)

The fountains mingle with the river
And the rivers with the ocean,
The winds of heaven mix for ever
With a sweet emotion
Nothing in the world is single;
All things by a law divine
In one spirit meet and mingle,
Why not I with thine? –
See thr mountains kiss high heaven
And the waves clasp one another;
No sister-flower would be forgiven
If it disdained its brother;
And the sunlight clasps the earth
And the moonbeams kiss the sea:
What is all this sweet work worth
If thou kiss not me?

Siya'y Naglakad sa Kariktan, ni Lord Byron

SIYA’Y NAGLALAKAD SA KARIKTAN
ni Lord Byron (1788-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

I

Siya’y naglalakad sa kariktan, tulad ng gabi
Ng magandang klima’t mabituing langit
At lahat ng pinakamagaling sa dilim at kinang
Na sumalubong sa kanyang kabuuan at paningin
At naglambing sa liwanag na magiliw
Na ikinaila ng langit sa marangyang umaga

II

Higit sa isang anino, kulang sa isang sinag
Na bahagyang nagpahina sa walang ngalang biyaya
Na nagwawagayway sa lugay na balahibo ng rabena
O kaya’y pagliwanag sa kanyang mukha
Kung saan ang diwang maaliwalas ay matamis na nagpapahayag
Sadyang wagas, sadyang ginigiliw ang kanilang pugad.

III

At sa leeg na yaon, at sa kilay ding iyon
Malambot, napakatiwasay ngunit mahusay manalita
Ang nakahahalinang ngiti, ang kulay na nagniningning
Ngunit nagsasabing bawat araw ay nagamit ng tama
Isang diwang matiwasay na lahat ay nasa ibaba,
Isang pusong ang pagmamahal ay walang malay.

SHE WALKS IN BEAUTY
by Lord Byron (1788-1822)

I

She walks in beauty, like the night
Of cloudless climes and starry skies
And all that’s best of dark and bright
Meet in her aspect and her eyes
Thus mellowed to that tender light
Which heaven to gaudy day denies.

II

One shade the more, one ray the less
Had half impaired the nameless grace
Which waves in every raven tress,
Or softly lightens o’er her face;
Where thoughts serenely sweet express
How pure, how dear their dwelling place.

III

And on that cheek, and o’er that brow,
So soft, so calm, yet eloquent
The smiles that win, the tints that glow,
But tell of days in goodmess spent,
A mind at peace with all below,
A heart whose love is innocent.