Sabado, Oktubre 11, 2008

Turan Mo Kung Ano ang Pag-ibig, ni John Clare

TURAN MO KUNG ANO ANG PAG-IBIG
ni John Clare (1793-1864)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Turan mo kung ano ang pag-ibig – upang mabuhay sa dusa
Upang mabuhay at mamatay at mabuhay muli

Turan mo kung ano ang pag-ibig – iyan nga ba
Ang nasa piitan ngunit malaya pa rin

O tila malaya – mag-isa at magpapatunay
Sa kawalang pag-asa ng pag-asa ng tunay na pag-ibig?

Umiiral nga ba ang tunay na pagsinta?
Tulad ng sikat ng araw sa hamog

Na unti-unting naglalaho at walang natira
At di na matatagpuan pang muli.

Turan mo kung ano ang pag-ibig – isang umuusbong na pangalan
Isang dahon ng rosas sa pahina ng katanyagan.


SAY WHAT IS LOVE
by John Clare (1793-1864)

Say what is love – to live in vain
To live and die and live again

Say what is love – is it to be
In prison still and still be free

Or seems as free – alone and prove
The hopeless hopes of real love?

Does real love on earth exist?
’Tis like a sunbeam on the mist

That fades and nowhere will remain
And nowhere is o’vertook again.

Say what is love – a blooming name
A rose leaf on the page of fame.

Walang komento: