KUNG TAYO’Y MAGKAKAWALAY
ni Lord Byron (1788-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kung tayo’y magkakawalay
Sa katahimikan at pagluha,
Duguan ang puso
Na dadamhin ng ilang taon
Namumutla na ang leeg ko’t nanlalamig
Mas malamig pa sa iyong halik
Tunay ngang nang mga panahong yaon
Ay kalungkutan sa akin.
Ang hamog sa umaga
nadudurog sa ginaw ang aking noo
Tila ito isang babala
Ng aking nadarama ngayon
Nabasag ang lahat nating sinumpaan
At ang liwanag ang iyong kasikatan;
Narinig kong tinawag ang ‘yong ngalan
At nadama ko rin ang kahihiyan.
Itinulad ka sa pangalan ko,
Na nakakakiliti sa’king pandinig
Pagkayanig ang dumaratal sa akin
Bakit ba mahal na mahal kita?
Di nila alam na kilala kita
Na kilala kita ng lubusan
Matagal-tagal pa bago ako malungkot
Napakalalim para aking turan.
Sa lihim tayo’y nagkikita –
Sa katahimikan ako’y lumuluha
Pagkat nakalimot ang puso mo
Mandaraya ang iyong diwa.
Kung magkikita pa tayong muli
Pagkalipas ng ilan pang mga taon
Paano kita babatiin? –
Sa katahimikan at pagluha.
WHEN WE TWO PARTED
by Lord Byron (1788-1822)
When we two parted
In silence and tears,
Half broken-hearted
To sever for years,
Pale grew thy cheek and cold,
Colder thy kiss;
Truly that hour foretold
Sorrow to this.
The dew of the morning
Sunk chill on my brow –
It felt like the warning
Of what I feel now.
Thy vows are all broken,
And light is thy fame;
I hear thy name spoken,
And share in its shame.
They name thee before me,
A knell to mine ear
A shudder comes o’er me –
Why wert you so dear?
They know not I knew thee,
Who knew thee too well –
Long, long shall I rue thee,
Too deeply to tell.
In secret we met –
In silence I grieve
That thy heart could forgot
Thy spirit deceive.
If I should meet thee
After long years,
How should I greet thee? –
In silence and tears.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento