DI MABIGKAS NA PAG-IBIG
ni William Blake (1757-1827)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Huwag mong hanaping ipagsabi ang pag-ibig
Pag-ibig na di mabigkas ngunit nangyayari
Tulad ng pagtinag ng hanging amihan
Mapayapa’t di nakikita.
Binigkas ko ang aking pag-ibig, binigkas ko sa aking liyag
Taos-puso kong binigkas sa kanya;
Nanginginig, nilalamig, nang may pangamba’t takot
Ay, siya’y tuluyang lumisan!
Nang siya’y mawala na sa akin,
Dumating ang isang manlalakbay
Mapayapa’t di nakikita:
At siya’y kinuha niyon nang may hinagpis.
LOVE THAT NEVER TOLD CAN BE
by William Blake (1757-1827)
Never seek to tell thy love,
Love that never told can be;
For the gentle wind doth move
Silently, invisibly.
I told my love, I told my love,
I told her all my heart;
Trembling, cold, in ghastly fears.
Ah, she did depart!
Soon after she was gone from me,
A traveller came by,
Silently, invisibly:
He took her with a sigh.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento