SIYA’Y NAGLALAKAD SA KARIKTAN
ni Lord Byron (1788-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
I
Siya’y naglalakad sa kariktan, tulad ng gabi
Ng magandang klima’t mabituing langit
At lahat ng pinakamagaling sa dilim at kinang
Na sumalubong sa kanyang kabuuan at paningin
At naglambing sa liwanag na magiliw
Na ikinaila ng langit sa marangyang umaga
II
Higit sa isang anino, kulang sa isang sinag
Na bahagyang nagpahina sa walang ngalang biyaya
Na nagwawagayway sa lugay na balahibo ng rabena
O kaya’y pagliwanag sa kanyang mukha
Kung saan ang diwang maaliwalas ay matamis na nagpapahayag
Sadyang wagas, sadyang ginigiliw ang kanilang pugad.
III
At sa leeg na yaon, at sa kilay ding iyon
Malambot, napakatiwasay ngunit mahusay manalita
Ang nakahahalinang ngiti, ang kulay na nagniningning
Ngunit nagsasabing bawat araw ay nagamit ng tama
Isang diwang matiwasay na lahat ay nasa ibaba,
Isang pusong ang pagmamahal ay walang malay.
SHE WALKS IN BEAUTY
by Lord Byron (1788-1822)
I
She walks in beauty, like the night
Of cloudless climes and starry skies
And all that’s best of dark and bright
Meet in her aspect and her eyes
Thus mellowed to that tender light
Which heaven to gaudy day denies.
II
One shade the more, one ray the less
Had half impaired the nameless grace
Which waves in every raven tress,
Or softly lightens o’er her face;
Where thoughts serenely sweet express
How pure, how dear their dwelling place.
III
And on that cheek, and o’er that brow,
So soft, so calm, yet eloquent
The smiles that win, the tints that glow,
But tell of days in goodmess spent,
A mind at peace with all below,
A heart whose love is innocent.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento