Sabado, Oktubre 11, 2008

Sa Libingan, tulang salin

SA LIBINGAN
ng Di-Nakilalang May-akda
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Huwag kang tumayo sa aking libingan at lumuha.
Wala ako roon.
Hindi ako natutulog.
Ako’y sanlibong hanging umiihip.
Ako ang dyamanteng kumikinang sa niyebe.
Ako ang sinag ng araw sa nahihinog na butil.
Ako ang ulan sa taglagas.
Kung magigising ka sa payapang umaga.
Ako ang matuling hibik ng damdamin
ng mga ibong nakapalibot sa ere.
Ako ang mga bituing nagniningning sa magdamag.
Huwag kang tumayo sa aking libingan at lumuha.
Wala ako roon.
Hindi ako natutulog.


THE GRAVE
Author Unknown

Do not stand at my grave and weep.
I am not there.
I do not sleep.
I am a thousand winds that blow.
I am the diamond glint on the snow.
I am the sunlight on ripened grain.
I am the autumn rain.
When you awake in the morning hush.
I am the swift uplifting rush.
of birds circling in flight
I am the stars that shine at night.
Do not stand on my grave and weep.
I am not there.
I do not sleep.

Walang komento: