Sabado, Oktubre 11, 2008

Kapag May Takot Ako, ni John Keats

KAPAG MAY TAKOT AKONG AKO’Y MAWAWALA NA
ni John Keats
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kapag may takot akong ako’y mawawala na
Bago pa tipunin ng aking pluma ang mga laman ng isipan
Bago pa sa mga nakasalansang aklat, sa kaugalian
Tinatanganan tulad ng kamalig na puno ng gintong butil;
Hanggang mapagmasdan ko ang matalang gabi,
Maalapaap na simbolo ng romansang espesyal,
Habang nagugunitang di na ako mabubuhay para malaman
Ang kanilang mga anino, na may kaibang kamay ng pagkakataon;
At nang madamang isang panahon ding naging matinong nilalang
Na hindi na kita muling pagmamasdan,
At di na nasisiyahan sa kapangyarihang mutya
Ng di-matingkalang pagsinta, - doon man sa aplaya
Ng malawak na daigdig na aking kinatatayuan, at nagninilay
Hanggang lumubog sa kawalan ang pag-ibig at pagbubunyi.


WHEN I HAVE FEARS THAT I MAY CEASE TO BE
by John Keats

When I have fears that I may cease to be
Before my pen has glean’d my teeming brain,
Before high-piled books, in charactery,
Hold like rich garners the full ripen’d grain;
When I behold, upon the night’s starr’d face,
Huge cloudy symbols of a high romance,
And think that I may never live to trace
Their shadows, with the magic hand of chance;
And when I feel, fair creature of an hour,
That I shall never look upon thee more,
Never have relish in the faery power
Of unreflecting love; - then on the shore
Of the wide world I stand alone, and think
Till love and fame to nothingness do sink.

Walang komento: