O, ANG AKING PAG-IBIG AY TULAD NG NAPAKAPULANG ROSAS
ni Robert Burns (1759-1796)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
O, ang aking pag-ibig ay kapara ng napakapulang rosas
Na bagong sibol nitong Hunyo
O, ang aking pag-ibig ay tulad ng melodya
Na tumataginting ang himig.
Kaaya-ayang tulad mo, maganda kong binibini
Taos sa kaibuturan akong umiibig:
Sadyang iniirog kita, aking giliw
Hanggang maiga man ang karagatan.
Hanggang maiga man ang dagat, giliw ko
At malusaw ng araw ang mga bato
Pakamamahalin kita, aking irog
Habang nagpapatuloy ang agos ng buhay.
At ako’y magpapaalam, irog kong tangi
At ako’y magpapaalam sumandali
Isang yutang milya man ang malakbay
At ako’y muling babalik, aking giliw.
O, MY LUVE’S LIKE A RED, RED ROSE
by Robert Burns (1759-1796)
O, my luve’s like a red, red rose,
That’s newly sprung in June;
O, my luve’s like the melodie
That sweetly played in tune.
As fair art thou, my bonnie lass,
So deep in luve am I:
And I will luve thee still, my dear,
Till a’ the seas gang dry.
Till a’ the seas gang dry, my dear,
And the rocks melt wi’ the sun:
I will luve thee still, my dear,
While the sands o’ life shall run.
And fare thee weel, my only luve,
And fare thee weel awhile!
And I will come again, my luve,
Tho’ it were ten thousand mile.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento