PAG-IBIG
ni Rupert Brooke (1887-1915)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ang pagsinta’y pagkawasak ng pader, gibang tarangkahan
Kung saan iyon lumagos at di na babalik
Inilako ng pag-ibig sa kapalaran ng muog ng palalong puso
Talos nila ang kahihiyan na umibig sa di-iniibig.
Mula noon
Nauuhaw sa isa’t isa ang dalawang bibig, nababawasan
At nalilimutan ang dusa, at nagpatahan
Ng mapaniwalaing puso, kapara ng langit ay tinangay
Ang munting pangarap sa kanilang bisig, at nagkaila
Sa kanyang bawat gabing malamlam, na ginuguniguni
Ang iba’y nagsalo sa magdamag, ngunit talos nilang pag-ibig
Ay nanlalamig
Lumaking sala’t dungo, yao’y napakatamis na kasinungalingan
Wala na sa kamay o balikat ang pamamangha
Ngunit kumukulimlim, at namamatay sa bawat halik
Lahat ng ito’y pag-ibig, at lahat ng pag-ibig ay ito.
LOVE
by Rupert Brooke (1887-1915)
Love is a breach in the walls, a broken gate,
Where that comes in that shall not go again;
Love sells the proud heart’s citadel to Fate.
They have known shame, who love unloved.
Even then
When two mouths, thirsty each for each, find slacking,
Ang agony’s forgot, ang hushed the crying
Of credulous hearts, in heaven-such are but taking
Their own poor dreams within their arms, and lying
Each in his lonely night, each with a ghost.
Some share that night. But they know, love
grows colder,
Grows false and dull, that was sweet lies at most.
Astonishment is no more in hand or shoulder,
But darkens, and dies out from kiss to kiss.
All this is love; and all love is but this.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento