Huwebes, Agosto 4, 2016

Ugat ng kahirapan

UGAT NG KAHIRAPAN

Ugat ng kahirapan ay pribadong pag-aari
Gutom na masa ang talagang pinapanatili
At kaya may mayama't mahirap, ito ang sanhi.
Tigpasin ang ugat na dahilan ng mga uri
Na dapat mawasak ang elitistang paghahari
Gising na, bayan, laban sa pag-aaring pribado
Kumilos na laban sa kaapihang dulot nito
Ang burgesya'y ito ang kanilang pribilehiyo
Hayo't pribadong pag-aari'y wasaking totoo
Ito'y dakilang pagkilos para sa tao't mundo
Rebolusyon ang tugon laban sa sistemang bugok
At dapat nang palitan ang kapitalismong bulok
Pribadong pag-aari'y dahilan ng pagkahayok
At kasakiman ng burgesyang dapat mailugmok
Nawa makataong lipunan ang ating maluklok

- gregbituinjr.