DADALHIN KITA SA PARAISO
"Dadalhin kita sa paraiso," anang makata
sa nililigawang dilag na animo'y diwata
na ang kagandahan sa iwing puso'y nagpapala
animo'y Eden ang paraisong pinapangarap
walang pang-aapi, pagkabigo o pagpapanggap
paraisong silang dalawa lang ang magkausap
dadalhin ka sa paraisong puno ng pag-ibig
pupupugin ka ng halik, kukulungin sa bisig
maglalapat ang ating katawan at magniniig
dalawang magnanakaw ang nakapako sa kalbaryo
isa'y taos-pusong nagsisi sa ginawa nito
sabi ni Hesus, "Dadalhin kita sa paraiso!"
- gregbituinjr.
(Biyernes Santo 2018)