Huwebes, Hunyo 16, 2016

salin ng tulang Fidel Castro

FIDEL CASTRO
tula ni Jan Oskar Hansen
salin ni Gregorio V. Bituin Jr.

Kaya kilala mo pala si Fidel Castro? Sa tingin ko'y gayon din
na iyon ang pangalan ng batang tagalinis, yaong
naglilinis ng maruruming pinggan at naglalampaso ng sahig
tinatawag siyang "Fy" na mas matanda kaysa akin at may
mas magandang edukasyon, at ako, na kanyang amo ay dama
ang kanyang pagsuway sa mga atas ng isang opisyal ng
uring manggagawa, ay nag-ugat. Subalit batid ko tulad
ng alam ng nakapagbabasa, ang malinggit na tao'y isang lingkod
ng mga mayayaman, kailangan nila ng sinumang nakapag-aral
kung anong kanilang gagawin; sa Venezuela, lumipat si Fidel
sa bapor na kanyang nakita at kumuha kami ng isa pang
batang tagalinis na hindi marunong magbasa o magsulat
pagkat ang sahod na matatanggap niya'y makatutulong
sa kanyang pamilya. Isang kasagwilang wala akong
makatalong sinuman


FIDEL CASTRO
A poem by Jan Oskar Hansen

So you do know Fidel Castro? I think I do
that was the name of the mess boy, the one who
had to do the dirty dishes and clean floors
“Fy” as he was called was older than me and had
a much better education, and I, as his boss felt his
contempt being told what to do by an officer of
working class, roots. But I knew as everybody who
read knows, the little man is but a servant for
the rich, they need someone educated to tell them
what to do; In Venezuela, Fidel jumped ship he was
not missed and we got another mess-boy
who could not read or write because the wage he got
could support his family. The downside was I had
no one to argue with

Ang kahalagahan ng guro

ANG KAHALAGAHAN NG GURO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod

napakahalaga ng tungkulin ng mga guro
sa wika, sa lipunan, sa madla, sa katutubo
sa kamangmangan ay kanila tayong hinahango
sa problema’y hinanda, tagumpay at pagkabigo

inuukit nila'y bukas ng bagong salinlahi
itinanim, diniligan ang mga bagong binhi
nang kamtin ng mga bata ang pangarap at mithi
para sa kinabukasang may mabubuting gawi

ang mga guro'y tulad ng kandila sa karimlan
bagong kamumukadkad pa lang ang tinatanglawan
upang di mahulog sa kumunoy at kadawagan
hanggang matanaw ang liwanag sa dulo ng parang

salamat sa kanilang sa atin nagpahalaga
sa anumang digmaan, tayo'y inihanda nila
papalaot tayong mga aral nila ang dala
salamat sa gurong dakila sa mata ng masa