Mga boteng walang laman
kayraming boteng wala nang laman, ito'y ipunin
pagkat di nabubulok, mabuting ibenta na rin
at mapaglagyan ng anumang produktong naisin
tulad ng sariling gawang toyo, patis, kakanin
di ito recycle kundi reuse, paggamit muli
gamitin din ang gamit na't di ka magkakamali
kalinisan ng paligid pa'y mapapanatili
baka magkapera pa't kumita ka rin sakali
- gregbituinjr.
Miyerkules, Abril 15, 2020
Itapon ng wasto ang basura mo!
Itapon ng wasto ang basura mo!
O, kaygandang masdan ng malinis na basurahan
lalo na kung kapaligiran ay ating tahanan
paano pa kung ang bansa ang ating dinumihan
para mo na ring dinumihan ang iyong tirahan
ituring natin ang buong bansa'y tahanan natin
pag bahay mo'y marumi, di ba't naiinis ka rin
kaya ang agad mong gagawin, ito'y lilinisin
lalo ang maruming paligid, nakakadiri din
kung bansa ay tahanan, di mo dudumihan ito
kung itatapon ko ang basura ko sa bahay mo
di ba't magagalit ka, dahil ito na'y insulto
kaya basura'y itapon sa basurahang wasto
huwag sa kalsada itapon ang busal ng mais
balat ng kendi'y ibulsa, huwag basta ihagis
pinagkainan mo'y dapat malinis na maimis
at huwag hayaan sa langaw ang mga napanis
ang nabubulok at di nabubulok na basura
ay dapat alam mong paghiwalayin sa tuwina
lalo na sa panahong tayo'y nasa kwarantina
may naghahakot ng basura, tulungan na sila

Pagmumuni sa paglalakbay
Pagmumuni sa paglalakbay
naglalakbay pa rin ang isip doon sa malayo
na ang pakiramdam sa tuwina'y pagkasiphayo
hinabol ang minumutyang diwata, hapong-hapo
subalit sa aking paningin ay biglang naglaho
madalas pa rin akong naglalakbay sa kawalan
laging dinaranas ang nagbabagang kalagayan
kumusta na ba ang nilalagnat na daigdigan
na sa panahong ito'y kaya pa bang malunasan
nais kong makarating sa pangarap na daigdig
kung saan walang pagsasamantala't pang-uusig
lipunang pantay na lahat ay nagkakapitbisig
imbes kumpetisyon ay kooperasyon ang tindig
madalas ding maglakbay ang diwa sa alapaap
magtatagumpay ba sa patuloy kong pagsisikap
lipunang pantay ba ang nasa kabila ng ulap
na pag nilakbay ko'y makakamit na ang pangarap

Bihira akong magkape, di rin nagyoyosi
Bihira akong magkape, di rin nagyoyosi
di ko sinanay ang sarili kong laging magkape
tulad ng di ko sinanay ang sariling magyosi
naisip ko na bilang tibak at lagi sa kalye
gastos lang ito, wala na ngang pera, aking sabi
imbes kape, mas nais kong mag-Milo o mag-Nido
nakalimbag sa pakete ang bitamina nito
pag may nagbigay lang, napapakape na rin ako
nakakahiyang tanggihan ang inalok sa iyo
lalong mahirap naman ang malipasan ng gutom
kaya bibili ng saba na maraming potasyum
kakain ng isda't gulay na may protina't kalsyum
minsan ay limang ensaymadang pang-alis ng gutom
ngunit huwag naman yosing ang bibilhin ko'y usok
sobra-sobra na ang polusyong nakasusulasok
dapat malusog sa pagbaka sa sistemang bulok
magpalakas din pag sa kilusang masa'y lumahok

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)