MULING PAGLALAKBAY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig bawat taludtod
maglalakbay muli pabalik ng Bangkok
at tulad ng dati, ang ulo ko'y subsob
sa mga aralin ay nagkukumahog
iniwang sandali yaong iniirog
nawa paglalakbay na ito'y payapa
at ang kalangitan ay huwag lumuha
bagamat kanina sa ulan ay basa
nawa himpapawid, manatiling tila
ako'y maglalakbay ngunit magbabalik
sa mahal na sinta't gagawad ng halik
marami pa akong naiwang tungkuling
marapat gampanang husay at taimtim
o, kapayapaan, ikaw ang dahilan
kung bakit ba ako'y lalakbay na naman
ikaw yaong hangad ng maraming bayan
nawa'y amin ka nang makamtang tuluyan
- Naia Terminal 2
Setyembre 15, 2012
* Ito ang ikalawang paglalakbay ng makata patungong Bangkok sa bansang Thailand. Ang nauna'y noong Setyembre 2009 sa walong araw nilang pagdalo sa aktibidad ng Jubilee South (JS) at ng ClimateXchange-Philippines sa pulong ng mga kinatawan ng iba't ibang bansa hinggil sa usaping climate change, climate debt and reparations, at climate justice. Sa kalaunan, napalitan ang pangalan ng ClimateXchange-Philippines sa Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ).