ANG UPUANG NAWAWALA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
sambuwan matapos ang botohan, narito kami
sa harap ng tanggapan ng halalan, naninisi
kung bakit ang ahensyang ito'y tila baga bingi
sa pagharap sa katotohanan ay napipipi
kinukuha lang naman namin yaring karapatan
yaong upuang sa halalan napagtagumpayan
ngunit may nagtago niyon, yaon kaya'y nasaan?
ibinenta na ba kaya di maupu-upuan?
aba'y di sadyang maiwasang tanong ng marami
ang ahensyang ito kaya'y kanino nagsisilbi?
palengke na ba ito’t upuan mo'y pinagbili
o upuan mo'y tuluyang tinangay ng buwitre?
nawawala ang upuan, sino kayang nagtago?
iyon bang ungas na sa pinagbentahan nalango?