ang hiyaw nitong mga obrero
si Digong ay muling nanloloko
sa mga naaaping obrero
pagkat sagad-sagaring bolero
sino bang mga nahihirapan
yaong kapitalistang gahaman
o ang mga manggagawa naman
na animo'y walang kapaguran
nang pamilya'y mapakain lamang
si Digong pala'y bahag ang buntot
at sungay niya'y bumabaluktot
sa kapitalista pala'y takot
gayong sa mga dukha'y dinulot
ay tokbang, kamatayan, hilakbot
huwag tayong patangay sa alon
ng pangulo nilang urong-sulong
manggagawa, tayo'y magsibangon
at ipaglaban ang naaayon:
wakasan ang kontraktwalisasyon!
- gregbituinjr.
(ang tulang ito'y nilikha at binasa sa konsyerto't vigil ng mga manggagawa sa tulay ng Mendiola bilang protesta laban sa kontraktwalisasyon at pakikipagkompromiso ng pangulo sa mga kapitalista)