MUYAG AT MULAY
dalawang salita na naman ang nakita
salitang di pamilyar, kahulugan - BARYA
ito'y nasa palaisipang magkaiba
na magkasunod kong sinagutang talaga
nang matapos, kahulugan ay tiningnan ko
nais kong makatiyak na sagot ko'y wasto
MUYAG at MULAY pala'y salitang totoo
nasa U.P. Diksiyonaryong Filipino
MUYAG at MULAY sa barya'y ibang salita
na lalawiganin pag inaral ang wika
na marahil magagamit ko sa pagtula
o sa kwento kung nauukol itong sadya
sapat ba ang kahulugan pag sinasambit
o dapat pang mabasa paano ginamit
sa pangungusap yaong salitang nabanggit
ah, salamat, MUYAG at MULAY ay nabatid
- gregoriovbituinjr.
09.24.2023
Palaisipan #16
11 Pahalang - Barya
Sagot: MUYAG
Palaisipan #19
26 Pababa - Barya
Sagot: MULAY
U.P. Diksiyonaryong Filipino
MUYAG - barya, p.804
MULAY - sa Batangas, barya, p.799