PANGDALAWAMPU'T SIYAM NA SA MUNDO SI ALEX EALA
taasnoong pagpupugay sa iyo
at abotkamay na ang pangarap mo
unti-unti, huwag agad itodo
ikaw ri'y magiging numero uno
karangalan ay iyong hinahakot
sa larangan ng tennis ay naabot
ang tagumpay, di gaya ng kurakot
sa bansâ, trapong walanghiya't buktot
sa bawat laban, tila iyong pasan
sa balikat ang ating buong bayan
nakaukit na ang iyong pangalan
sa aklat nitong ating kasaysayan
O, Alex, kayhusay mo at kaytalas
pangdalawampu't siyam na ang antas
sa pandaigdigang tennis, kaylakas
ng palo at karismang pinamalas
- gregoriovbituinjr.
03.18.2026
* ulat mulâ sa pahayagang Bulgar at Remate, Marso 17, 2026