SILI
nais ko ng sili sapagkat may anghang
sili'y ayaw niya dahil daw maanghang
ganyan nga ang búhay, tao'y may kaibhan
yaong aking gusto'y ayaw niya naman
ayaw ko ngang ako'y nakatanikala
kaysarap mabuhay kung tao'y malaya
habang yakap niya'y gintong tanikala
ng pagkaalipin basta't mariwasâ
nais kong maglakad kahit na malayo
pagkat daratal din saan man patungo
at siya'y sasakay sapagkat malayo
pagkat paglalakad ay nakahahapo
ganyan nga ang tao, at magkakaiba
anumang gusto mo'y ayaw naman niya
08.24.2026