Linggo, Agosto 23, 2026

Sikologo ba si Kologo?

SIKOLOGO BA SI KOLOGO?

ang Espanyol daw ng psychologist
ay psicologo, sa Filipino
ay sikologo, kung itatambis
parang sikologo si Kulogo

dito pa lamang ay matatanong
paanong paggamit ng salita
nang di ito magmukhang kurikong
kundi diwa'y manamnam na sadya

tamang salin daw ng psychologist
ay sikolohista, buti naman
kaysa yaong magpapabungisngis
parang sikologo'y niyurakan

ay, si Kologo'y sikolohista
sana tayo'y matulungan niya

- gregoriovbituinjr.
08.23.2026