Biyernes, Marso 8, 2019

Ang grupong Oriang

ANG GRUPONG ORIANG

itinayo ang grupong Oriang
na may dakilang simulain
samahan ng kababaihang
may puso't gintong adhikain

diwa'y gaya ni Gabriela
prinsipyado tulad ni Clara
ang puso'y gaya ni Lorena
sosyalista tulad ni Rosa

paglaya ng babae'y taos
kaya sila'y nagsisikilos
naglilingkod sa masang lubos
ang pangulo'y si Flora Santos

ipinaglalaban ang buhay
at karapatan nating taglay
taas-kamaong pagpupugay
sadyang dakila kayong tunay

- gregbituinjr.

* Gabriela Silang, Clara Zetkin, Lorena Barros, Rosa Luxemburg
* Ang tulang io'y nalathala sa Taliba ng Maralita, isyung Marso 16-31, 2019, p. 20