Linggo, Marso 22, 2009

Laban sa Hustisyang Pangmayaman

LABAN SA HUSTISYANG PANGMAYAMAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig


Ang awiting "Tatsulok" ay sadyang malamàn
Sa mensahe nitong napakalinaw naman:
"Hangga't marami ang lugmok sa kahirapan
At ang hustisya ay para lang sa mayaman."

Kung mayaman lang pala ang makakatanggap
Ng hustisyang sa maralita ay kay-ilap
O, kawawang sadya ang mga mahihirap
Sadyang ang gobyerno'y di sila nililingap.

Ang pagkatao nila'y mistulang alipin
Ng sistemang bulok na dapat nang baguhin
Kaya maralita'y dapat nang pangarapin
Ang isang sistemang di sila mamatahin.

Walang komento: