PAG NANGUSAP ANG SALAPI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig, soneto
Karaniwang natatalo ng imbi
Ang mga taong may mabuting sanhi
Kapag nangusap na yaong salapi
Bigla silang magtetengang-kawali
Nauumid na pati mga labi
Magbubulag-bulagan kahit hindi
At naglulumuhod pang dali-dali.
Nang dahil sa pera'y nananaghili
Sila'y pawang nagbabakasakali
Na mabiyayaan kahit kaunti.
Prinsipyong tangan nila'y napapawi
Agad nang isinasangla ang puri
Tulad nila'y sadyang kamuhi-muhi
Mga hunyango'y kanilang kawangki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento