KAPAYAPAAN AY GINAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
Ang salitang "kapayapaan"
Ay sadyang napakasimple lang
Kayganda kung ito'y pakinggan
Ngunit sadyang kay-ilap naman.
Nawa'y hindi hanggang salita
Itong kapayapaang pita
Nawa'y maisulong sa gawa
At hindi lamang winiwika.
- sa aming tinuluyan pansamantala sa Phase I, Ecoland Subdivision, Davao City
Nobyembre 30, 2008
(Bagamat natapos ang Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008, patuloy pa ring lumikha ang makata ng tulang pangkapayapaan habang kasama ang ilang lumahok sa Peace Caravan.)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento