Lunes, Disyembre 1, 2008

Ang Kahalagahan ng Bawat Isa

ANG KAHALAGAHAN NG BAWAT ISA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig

kapayapaan ay mahalaga
kung ang bawat tao'y nakilala
itong ugnayan sa isa't isa

naunawaan ang kaisahan
nila sa lahat ng mamamayan
sa mga bayan at katarungan

at kung nadama ng bawat isa
sa buod ng puso't kaluluwa
na mahalaga ang bawat kapwa

sila'y makikitungong tuluyan
ng may respeto sa katauhan
sa kakayahan at karangalan

- Midsayap, North Cotabato
Nobyembre 29, 2008
(Bagamat natapos ang Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008, patuloy pa ring lumikha ang makata ng tulang pangkapayapaan habang kasama ang ilang lumahok sa Peace Caravan.)

Walang komento: