Lunes, Disyembre 1, 2008

Kayraming Tsekpoint

KAYRAMING TSEKPOINT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig

Kayraming teskpoint itong nadaanan
Habang patungo sa paroroonan
Sa bawat sulok, bawat lansangan
Tila patuloy ang sagupaan
At di pa nagtitigil-putukan.

- habang dumaraan sa hiway, Lanao del Sur, Nobyembre 28, 2008
(ang tulang ito'y bahagi ng Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)

Walang komento: