Lunes, Disyembre 1, 2008

Paano Matutugunan?

PAANO MATUTUGUNAN?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
tulang siyampituhan

Paano ba matutugunan
Ng dalawang naglalabanan
Ang kanilang mga alitan
At di pagkakaunawaan.
Ah, dapat nilang pag-usapan
Ang problema nila't alitan
Nang ito'y agad matugunan.

- Matanog, Maguindanao, malapit sa Matanog National High School, Nobyembre 28, 2008
(ang tulang ito'y bahagi ng Peace Caravan ng Duyog Mindanao mula Baguio City hanggang Cotabato City, Nobyembre 21-28, 2008)

Walang komento: