Martes, Setyembre 18, 2012

Pagtatagpo

PAGTATAGPO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod

madaling araw pa lang ay gising na
sabik sa mangyayari sa umaga
ang sarili'y inasikaso muna
sa kakaharapin ay handa na ba?

nakikibaka ang mga anino
sa loob at labas nitong loob ko
anumang kahinatnan namin dito
ay dahil sa maalab na prinsipyo

kaya nagkatagpo ang mga tibak
dahil sa karapatang hinahamak
sa paglaban ma'y maaring bumagsak
prinsipyo'y di mababalot ng lusak

sa tanggapan ng partido'y nagtungo
nag-usap ng plano, saan dadako
saang samahan, sino ang susundo
ang handang loob ay di sumusuko

- sa tanggapan ng mga tibak

Walang komento: