AKSIDENTE SA PAGGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
isa siyang manggagawang migrante
na sa trabaho'y nagkaaksidente
paa'y nabagsakan, putol ang binti
tumaob na traktora yaong sanhi
ibinigay lang ay limangdaang baht
sa naaksidente'y di iyon sapat
tila pampalubag-loob, kaykunat
ng nagpatrabahong di nagsasalat
dahil ba Burmes ay pinabayaan
ng nagpatrabahong Thai na mayaman
hustisya sa manggagawa'y nasaan
ang naaksidente'y di tinulungan
sa ibang bayan, kayhirap ng buhay
lakas ng loob ang kanilang taglay
dahil sa trabahong kanilang pakay
sila'y nakipagsapalarang tunay
katotohanan ang nakita rito
bulok ang sistema, walang respeto
mali ang trato sa mga obrero
ang ganito'y marapat lang mabago
- Kinapanayam ang isang manggagawang nawalan ng trabaho at naputulan ng binti, sa bahay-tuluyan ng YCOWA, Setyembre 17, 2012
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
isa siyang manggagawang migrante
na sa trabaho'y nagkaaksidente
paa'y nabagsakan, putol ang binti
tumaob na traktora yaong sanhi
ibinigay lang ay limangdaang baht
sa naaksidente'y di iyon sapat
tila pampalubag-loob, kaykunat
ng nagpatrabahong di nagsasalat
dahil ba Burmes ay pinabayaan
ng nagpatrabahong Thai na mayaman
hustisya sa manggagawa'y nasaan
ang naaksidente'y di tinulungan
sa ibang bayan, kayhirap ng buhay
lakas ng loob ang kanilang taglay
dahil sa trabahong kanilang pakay
sila'y nakipagsapalarang tunay
katotohanan ang nakita rito
bulok ang sistema, walang respeto
mali ang trato sa mga obrero
ang ganito'y marapat lang mabago
- Kinapanayam ang isang manggagawang nawalan ng trabaho at naputulan ng binti, sa bahay-tuluyan ng YCOWA, Setyembre 17, 2012
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento