PALARO SA PAPEL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
paligsahan sa papel yaong laro
limang tao kada papel ang turo
nakaapak doon, sila'y tutungo
lakad sa papel, tatlong metro'y layo
unahan ang grupo't isa'y nabigo
nakakatuwa ang paglaro nila
isang ehersisyo sa disiplina
paano magtulungan bawat isa
sa harap ng panganib o sakuna
kalamidad o anumang problema
isang laro sa kanilang palihan
na pagkakaisa'y inilarawan
papel ay tila bangkang sinasagwan
bago lumubog ay magkatulungan
hanggang makarating sa kaligtasan
- nagisnang palihan ng mga manggagawang Burmes na natanggal sa trabaho, sa huling araw ng limang araw nilang pag-aaral hinggil sa mga karapatan ng migranteng obrero, Setyembre 17, 2012, sa tanggapan ng YCOWA
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento