Miyerkules, Marso 26, 2008

sa pagtitig ng matang apoy

SA PAGTITIG NG MATANG APOY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig

Pagbabagong mithi’y aking tinutukoy
Bilang adhikaing dapat magpatuloy
Prinsipyong matalas ang dapat isaboy
Sa lipunang bulok masangsang ang amoy
At nagpaparami ng mga palaboy
Panahon na ngayong tayo’y magpatuloy
Mga masasama’y tuluyang maluoy
Madurog sa pagtitig ng matang apoy

Walang komento: