SA IKA-17 DEATH MONTHSARY NI MISIS
di pa rin ako makapaniwala
na sa piling ko, ikaw na'y nawala
ngunit kailangan kong maniwala
upang nobelang pangako'y magawa
tinitingala ka sa panginorin
kung bituin kang lalambi-lambitin
madalas, litrato mo'y tatanawin
at ilalabas ko ang saloobin
búhay ko mang ito'y masalimuot
nalulutas naman anumang gusot
sa pusò ko'y doon ka napasuot
animo ako'y iyong ginagamot
salamat sa paggabay, O, sinta ko
tunay kang bituin ng pusong ito
- gregoriovbituinjr.
11.11.2026

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento