BAYANIHAN SA DYIP
sa dyip din naman
may bayanihan
pag-aabutan
ng taumbayan
ng sukli't bayad
ay ilalahad
kanilang palad
ay ilalantad
aabutin mo
ang ilang piso
sa pasahero
at tsuper nito
na namasada
upang kumita
yaong papara
ay bababa na
salamat naman
sa bayanihan
nagtutulungan
ang taumbayan
- gregoriovbituinjr.
* litratong kuha habang sakay ng dyip
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento