TIYAGA ANG WIKA NAMING MGA TIBAK
ni Greg Bituin Jr.
matiyaga kami dahil sa pagyakap
sa prinsipyo upang wakasan ang hirap
nitong sambayanang di man lang malingap
ng pamahalaan, ang aming hagilap
ay lipunang patas na pinapangarap
matiyaga kami sa pakikibaka
nang kamtin ng masa'y asam na hustisya
nang mabago iyang bulok na sistema
nang nahihirapan ay bigyang pag-asa
masa'y mapalaya sa hirap at dusa
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento