Miyerkules, Oktubre 15, 2008

Adhika ng Obrero

ADHIKA NG OBRERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod

Kung nais mo ng pagbabago
Sa kalagayan nitong mundo
Durugin ang kapitalismo
Na pahirap sa kapwa tao.
Isulong na ang sosyalismo
Na adhika nitong obrero
Nang makamtan ang pagbabago.

Walang komento: