SA IKA-16 NA DEATH MONTHSARY NI MISIS
Lagi kitang nasa alaala,
O, aking sinta't tanging asawa!
Itinutula ko'y pagmamahal.
Tila ba tula'y pangungumpisal.
Batid mo ang plano kong gagawin
Sa kasalukuya'y dapat tupdin.
Isang nobela't aklat ng tulâ
Ang alay ko sa iyo't sa madlâ.
Bagamat mag-isa sa pangarap,
Maaalpasan anumang hirap.
Naririyan kang diwatang gabay
Na sa bawat araw ko'y kasabay
Tutupdin ko ang sa'yo'y pangako.
Tiyaking ito'y di mapapako.
- gregoriovbituinjr.
10.11.2026

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento