HINGGIL SA AWITING "THANK YOU, WORLD!"
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
di lamang salita ang salitang "Salamat"
na matapos bigkasin ay wala na't sukat
ito ay salitang sa puso nagbubuhat
salitang magaan ngunit sadyang mabigat
lalo't buhay at danas yaong kaakibat
katulad ng ginto sa putikang maalat
bibigkasing pilit kahit na minamalat:
"Maraming salamat po sa tulong nyong lahat!"
* Ang awiting "Thank you, world!" ay isinulat ng batikang mang-aawit at kompositor na si Jim Paredes, na isa rin sa kasapi ng grupong Apo Hiking Society. Ang awit ay pasasalamat sa pagtulong ng iba't ibang bansa sa mga biktima ng bagyong Yolanda, na sinasabing pinakamatinding bagyo sa kasaysayan ng daigdig.
* Ang balita ay mula sa https://ph.news.yahoo.com/video/thank-world-song-haiyan-relief-070608397.html
* Ang balita ay mula sa https://ph.news.yahoo.com/video/thank-world-song-haiyan-relief-070608397.html
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento