GINAHASANG LARAWAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig bawat taludtod
nakatambad sa pahayagan
ang isang hubad na larawan
ng isang tila walang muwang
na dalaga sa panagimpan
at sadyang pinaglalawayan
ng alipin ng kalibugan
silang mga pinagtubuan
ng kapitalistang gahaman
mga dalagang walang muwang
na biktima ng kahirapan
at kinalakal ang katawan
upang may panggastos man lamang
ginahasa ng taumbayan
ang nakahubad na larawan
ng dilag na tila may muwang
na alam na pinagpipyestahan
ang kanilang mga larawan
ng hubad nilang kabuuan
bakit mga kababaihan
ay di magrali sa lansangan
upang iprotestang tuluyan
ang ginagawang kabastusan
ng pag-aaring pahayagan
ng kapitalistang gahaman
pati na yata taumbayan
ay nararapat makialam
upang ganitong kalaswaan
ay tuluyan nang mapigilan
at di mababoy ang isipan
ng ating mga kabataan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig bawat taludtod
nakatambad sa pahayagan
ang isang hubad na larawan
ng isang tila walang muwang
na dalaga sa panagimpan
at sadyang pinaglalawayan
ng alipin ng kalibugan
silang mga pinagtubuan
ng kapitalistang gahaman
mga dalagang walang muwang
na biktima ng kahirapan
at kinalakal ang katawan
upang may panggastos man lamang
ginahasa ng taumbayan
ang nakahubad na larawan
ng dilag na tila may muwang
na alam na pinagpipyestahan
ang kanilang mga larawan
ng hubad nilang kabuuan
bakit mga kababaihan
ay di magrali sa lansangan
upang iprotestang tuluyan
ang ginagawang kabastusan
ng pag-aaring pahayagan
ng kapitalistang gahaman
pati na yata taumbayan
ay nararapat makialam
upang ganitong kalaswaan
ay tuluyan nang mapigilan
at di mababoy ang isipan
ng ating mga kabataan
1 komento:
kilal ko sya pare yung di pa sya artista sub-teacher sya sa mother goose pre-school learning center sa provident village kung saan sya nakatira.
simpleng babae lang yan crush ko sya noon yung di pa sya artista, subrang simple nya pre nakaka in love.
pero ng maging artista na sya, nakakasawang pangkaraniwang babae na lang sya.
ang akala ko mas lalo syang gaganda pag naging artista sya mas maganda pa sa ate nya.
sayang lang ang mga naibato ko sa kanyang mga pagtingin noon.
Mag-post ng isang Komento