SONETO SA PRINSIPYO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Itong prinsipyo daw ay di nakakain
Ang sabi ng isang kaibigang turing
May mapapala ba ang bayan sa akin
Kung may mga krisis na agad dumating.
Dapat daw unahin ang aking sarili
Kaya aktibismo'y akin daw iwanan
May mapapala ba ang masa sa rali?
Makabubusog ba prinsipyo kong tangan?
Paano daw naman ang aking pamilya
Kung walang makain, magutom, lumuha?
May mapapala ba kung manindigan pa?
Mga tanong itong gumulo sa diwa.
Tanging ito lamang ang naging tugon ko:
Mahirap kumain kung walang prinsipyo.
Sampaloc, Maynila
Abril 4, 2008
Biyernes, Abril 4, 2008
Huwebes, Abril 3, 2008
Minsan, sa isang pabrika
MINSAN, SA ISANG PABRIKA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
KAPITALISTA:
Hoy, manggagawa, bilisan mo diyan
Produktong ginagawa'y iyong paspasan
Huwag tatamad-tamad, baka maapektuhan
Ang aking tutubuin na kinakailangan.
MANGGAGAWA:
Kinukuba nga nga ako sa katatrabaho
Ay di pa nakasasapat itong aking sweldo
Nang dahil sa minimithi mong tubo
Sa pagtatrabaho'y papatayin mo ako.
KAPITALISTA:
Hoy, ibig mo bang sisantehin kita
Hindi ka pa regular dito sa pabrika
Baka mamatay kang dilat ang mga mata
Kapag umangal ka sa'king ipinagagawa.
MANGGAGAWA:
Salapi'y kailangan kaya nagtatrabaho
Kinabukasan ng pamilya ang nasa isip ko
Hindi ako narito para lang alipinin mo
At kasangkapanin para ka tumubo.
KAPITALISTA:
Alalahanin mong akin itong pabrika
Lahat ng nais ko'y dapat na magawa
Paano na kung ang tubo ko'y mawawala
E, di, hindi na ako makapangingibang-bansa.
MANGGAGAWA:
Alam namin sa iyo nga itong pabrika
Pero sa amin naman ang lakas-paggawa
Kaya't mag-ingat ka sa pananalita
Dahil nga sa amin kaya yumaman ka.
KAPITALISTA:
Plano kong tumnungo sa iba't ibang bansa
magliwaliw doon sa Europa't Amerika
parelaks-relaks lang at pakanta-kanta
Tiyak na ang mundo kong ito ay sasaya.
Kaya't kung kahilingan mo'y pagbibigyan ko
Tyak na mababawasan itong aking tubo
Paano na kaya kung magkakaganito
Masisirang tiyak ang maganda kong plano.
MANGGAGAWA:
Aaah... kailangan na naming lumaya
Lumaya mula sa pagsasamantala
Pagsasamantalang itong dulot ng kapitalista
kapitalistang ito't dapat nang mawala.
Aaah... dapat na kaming makibaka
para itayo ang lipunang sosyalista
Dito'y lalaya ang uring manggagawa
Mula sa tanikala ng pagsasamantala.
ANG MAY-AKDA:
Kaya kung ganito ang nangyayari sa mga pabrika
Sadyang nakapanlulumo ang kahirapa't pagsasamantala
Kaya ang panawagan ko sa buong uring manggagawa
Makiisa't atin nang itayo ang lipunang sosyalista.
- nalathala sa The Featinean folio, opisyal na publikasyong pampanitikan ng mga mag-aaral ng FEATI University, Summer 1997,at sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Oktubre-Disyembre 2001, p. 8.

Kailangan Nati'y Paskong Mapagpalaya
KAILANGAN NATI'Y PASKONG MAPAGPALAYA
ni Greg Bituin Jr.
Kung totoong ang Pasko ay pagmamahalan
Bakit ang diwa nito'y para lang sa mayayaman
Hanggang ngayon ay laganap pa rin ang kahirapan
May Pasko nga ba para sa mga nahihirapan?
Mayayama'y nagpapalitan ng mamahaling mga regalo
Noche Buena nila'y hamon at masasarap na luto
Mga mahihirap nama'y salat, walang anumang luho
Walang mamahaling regalo at Pasko nila'y tuyo.
Ibang iba nga angPasko ng mga mahihirap
Sila na sa lipunan, sa iba'y di katanggap-tanggap
Niloloko pa nga sila nitong mga mapagpanggap
Pag malapit na ang eleksyon saka lang sila nililingap.
Ah, taun-taon na lang ay ipinagdiriwang
Itong kapaskuhang sadyang para lang sa mayayaman
Taun-taon laganap pa rin ang kahirapan
Ano nga ba ang diwa nitong kapaskuhan?
Ang Pasko'y hindi lang para sa mayayaman
Kundi ito'y para rin sa mga nahihirapan
Kung ang diwa ng Pasko ay totoong pagmamahalan
Tayo'y magrebolusyon, wasakin ang sistemang gahaman.
Ah, simulan nang baguhin ang mandarayang Pasko
Dahil pagkakapantay-pantay ang totoong layunin nito
Mahirap man o mayaman, magkakapatid tayo
Bulok na sistema'y baguhin na, alang-alang sa Pasko.
Kung atin nang maibabagsak ang mga kapitalista
Dahil nagkaisa na ang buong uring manggagawa
At tuluyang mawawasak ang mapang-aping sistema
Ito ang totoong Pasko, ang Paskong mapagpalaya.
- nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Oktubre-Disyembre 2001, p. 8.

Ang Sakripisyo ng Dalawang Bata
ANG SAKRIPISYO NG DALAWANG BATA
ni Greg Bituin Jr.
(alay kina Jennifer Rebamontan, walong buwan, at Manuel Dorotan, Jr., isang buwan, na namatay matapos ang marahas na demolisyong nangyari sa kanilang tahanan sa C3 North Bay Boulevard South, Navotas, Oktubre 9, 2001, Martes)
O, kay-aga nitong inyong kamatayan
Itong mundo'y hindi n'yo na nasilayan
Dahil lang sa mga buwayang gahaman
Inilit na agad ang inyong tahanan.
Magulang n'yo'y pilit nilang ginigipit
Mawasak lamang ang tahanang kayliit
Sa kagustuhan na bahay n'yo'y mailit
Pati inyong buhay maagang inumit
Ni hindi dumaan sa tamang proseso
Itong demolisyong ginawa sa inyo
Sa batang gaya n'yo'y dapat isiguro
Ang kinabukasang dapat makatao.
O, sadyang kaylagim ng inyong sinapit
Sa magulang ninyo ay napakasakit
Hustisya ay dapat na inyong makamit
Dapat parusahan silang nagmalupit.
- nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Oktubre-Disyembre 2001, p. 8.
Double-Talk (?)
DOUBLE-TALK (?)
TOTOO BA ANG IPINANGAKONG PABAHAY O DROWING LANG?
ni Greg Bituin Jr.
12 pantig
(Ipinangako niya'y 150,000 bahay noong SONA, pero bakit ginigiba ang mga bahay ng mga maralita kung kinakailangan palang magtayo ng bahay para sa mga maralita?)
Si Pangulong Gloria'y ating napakinggan
Sa una n'yang SONA'y kanya nang tinuran
Sandaan limampung libong kabahayan
Ang ipinangako ng pamahalaan
Upang mahihirap nating kababayan
Magkaroon nitong sariling tahanan.
Tanong nami'y bakit itong demolisyon
Ay patuloy pa rin, ano ba ang layon?
Pangako mong bahay, nasaan na ngayon?
Sa aming hinaing, nais nami'y tugon
Dapat nang itigil mga demolisyon
O baka nais mo'y isang rebolusyon?
Masa'y sadyang galit na sa kahirapan
Itaga sa bato ang aming tinuran!
Kung sadyang lingkod ka nitong sambayanan,
Pangako mo, Gloria'y iyong patunayan!
Hinaing ng masa'y agad mong pakinggan,
Kundi'y babagsak ka sa kinalalagyan!

Soneto sa Bigas

SONETO SA BIGAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Bigas ay pagkain nating pangunahin
Ngunit presyo nito ngayon ay sumirit
Daming tila di na kakain ng kanin
Presyo’y di na abot nitong maliliit.
Itong bigas nga ba sa merkado’y kulang
Gayong bansa natin ay agrikultural?
O dahil maraming mga mapanlamang
Tinago ang bigas nang ito’y magmahal?
Kapos sa panggastos, mata'y nanlalabo
Mababa ang sweldo ng mga obrero
Sabi ng negosyo, “Mahalaga’y tubo
Kung mahal ang bigas, ay, magutom kayo!”
Kung pagtaas nito’y gawang balasubas
Huwag tumunganga’t halinang mag-aklas!
Sampaloc, Maynila
Abril 3, 2008
Miyerkules, Abril 2, 2008
Doon po sa amin
DOON PO SA AMIN
ni Greg Bituin Jr.
Doon po sa aming
Bayan ng Mapeke
Mga tao dine
Ay parang pulubi
Laganap ang hirap
Dusa’y nalalasap
Kaya aming hanap
Ay ginhawa’t lingap
Wala ditong tubig
Wala ring kuryente
Wala ring pagkain
Itong anak namin
Doon po sa aming
Bayan ng Mapeke
Palaka’t bubuli
Aming hinuhuli
Upang maibsan lang
Ang gutom na ramdam
Kaya aming sigaw
Tayo’y makialam.
Hindi na naumid
Kami na’y magmasid
At sa’ming paligid
Nakita ay ganid.
Mayaman ang bayan
Sa lupa’t taniman
Ngunit ari lamang
Ng ilang kawatan.
Pinag-aagawan
Upang pagtubuan
Sadyang sa’ming bayan
Maraming gahaman.
Mangingibang-bayan
Papasyal kung saan
Pera’y galing naman
Kurakot sa kaban.
Lider tanungin mo
Kung bakit ganito
Isasagot sa’yo
“Bahala na kayo!”
Kapitan ay bulag
Konsehal ay bingi
Ang tanod ay pilay
Ang meyor ay pipi.
Suhula’y marami
Gobernador hingi
At ang mas matindi
Pangulo ay peke.
Doon po sa aming
Bayan ng Mapeke
Dapat nang baguhin
Ang sistema dine
Kaya sigaw namin
Bulok ay tanggalin
Si Gloria’y sipain
Lipuna’y baguhin.
KPML ofc., Enero 11, 2008
ni Greg Bituin Jr.
Doon po sa aming
Bayan ng Mapeke
Mga tao dine
Ay parang pulubi
Laganap ang hirap
Dusa’y nalalasap
Kaya aming hanap
Ay ginhawa’t lingap
Wala ditong tubig
Wala ring kuryente
Wala ring pagkain
Itong anak namin
Doon po sa aming
Bayan ng Mapeke
Palaka’t bubuli
Aming hinuhuli
Upang maibsan lang
Ang gutom na ramdam
Kaya aming sigaw
Tayo’y makialam.
Hindi na naumid
Kami na’y magmasid
At sa’ming paligid
Nakita ay ganid.
Mayaman ang bayan
Sa lupa’t taniman
Ngunit ari lamang
Ng ilang kawatan.
Pinag-aagawan
Upang pagtubuan
Sadyang sa’ming bayan
Maraming gahaman.
Mangingibang-bayan
Papasyal kung saan
Pera’y galing naman
Kurakot sa kaban.
Lider tanungin mo
Kung bakit ganito
Isasagot sa’yo
“Bahala na kayo!”
Kapitan ay bulag
Konsehal ay bingi
Ang tanod ay pilay
Ang meyor ay pipi.
Suhula’y marami
Gobernador hingi
At ang mas matindi
Pangulo ay peke.
Doon po sa aming
Bayan ng Mapeke
Dapat nang baguhin
Ang sistema dine
Kaya sigaw namin
Bulok ay tanggalin
Si Gloria’y sipain
Lipuna’y baguhin.
KPML ofc., Enero 11, 2008
Sa Iyo, Kasama
SA IYO, KASAMA
Tandaan mo
Kasama ko
Laban ko rin
Ang laban mo!
- nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Oktubre-Disyembre 2002, p.8.
Sa isang dilag
ONE-WOMAN MAN
ni Greg Bituin Jr.
(12 pantig bawat taludtod)
Sa puso ko’y isa lang ang paraluman
Na aking mamahali’t aalagaan
Pag nalasap ko’y matinding kabiguan
Mabuti pang pasagpang kay Kamatayan.
Taglagas (ukit sa lapida)
TAGLAGAS
ni Greg Bituin Jr.
Kung sakali’t ako’y lumutang
sa sariling dugo’t tuluyang
inangkin ng lupa, hiling kong
sa lapida’y maukit itong
soneto ko ng luha’t tuwa:
“Dito’y himbing na nahihimlay
ang makata ng rebolusyon,
at abalang iginagala
sa daigdig ng talinghaga
ang mapaglaro niyang diwa’t
masalimuot na haraya,
habang humahabi ng saknong
at mapagpalayang taludtod
para sa uring manggagawa
at sa masa ng sambayanan.
At sa pagdatal ng taglagas
siya’y babangon sa pag-idlip
upang ituloy ang paglikha
sa iba namang katauhan.
nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo IX, Blg. 1, Taon 2004, p.8.

Kasaysayan ng Isang Duguang Plakard
KASAYSAYAN NG ISANG DUGUANG PLAKARD
ni Gregorio V. Bituin Jr.
i.
nadadamitan ka
ng pinturang pula
at naglilitanya
nitong adhikain
pati na layunin
ng may simulain
na nananawagan
sa mga gahamang
linta ng lipunan:
“dapat baguhin na
mga polisiyang
pahirap sa masa!”
ii.
habang nagmamartsa
patungong Mendiola
ay nabitawan ka
nang magkabiglaan
maraming nasaktan
ikaw’y naapakan
saksi ka sa pagdugo
ng kanilang katawan
saksi ka sa pagputok
ng mukha nila’t likod
pati na pagkalamog
ng kanilang kalamnan
iii.
pagkalipas naman
ng madugong hapon
napasama ka na
sa ibang basura
saka sinindihan
ng mga nagwalis
naging abo ka man
ay nakapag-ambag
ng makatarungan
at di malimutang
mensahe sa bayan
pati sa gahaman
- nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo VIII, Blg. 1, Taon 2003, p.8.
Sandekadang Pighati
SANDEKADANG PIGHATI
ni Greg Bituin Jr.
Mula sa probinsya, ako’y ipinadpad
Dito sa Maynilang aking pinangarap
Konting ginhawa lang ang tangi kong hangad
Di ko akalaing lalong maghihirap.
- nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Hulyo-Setyembre 2001, p.8.

Ilang Haiku
Ilang Haiku
ni Greg Bituin Jr
(Ang haiku ay anyo ng tula
ng mga Hapones na may
pantigang 5-7-5 sa 3 taludtod)
i.
Globalisasyon
Kawalang katarungan
Ang dulot nito.
ii.
Tuta ng kano’y
Matindi raw ang rabis
Dapat iwasan.
iii
Anong gagawin
Sa bulok na lipunan?
Baguhin ito!
iv.
Ang kahirapa’y
Pribadong pag-aari
Ang siyang ugat.
v.
Ating isigaw
Sosyalismo ang lunas
Sa kahirapan.
vi.
Asawang hanap
Ng magandang dalaga’y
Isang makata.
vii.
Kapag pumula
Ang araw sa silangan,
Rebolusyon na!
viii.
Karapatan kong
Magpahayag ng nais
Sa mga rali.
Midwife
MIDWIFE
Kami sa iyo ay humahanga
Buntis ay iyong inaaruga
Lalabas sa mundo itong bata
Dahil sa kamay mong mapagpala
At maayos na pangangalaga.
O, ikaw itong umaalalay
Sa ina’t sanggol ay gumagabay
Tiniyak pagkadugtong ng buhay
Dangal mo sa kariktan ay lantay
Kaya’t kami rito’y nagpupugay.
Sabado, Marso 29, 2008
Tula.45
TULA . 45
ni Greg Bituin Jr.
Ang tula’y parang kalibre .45
Ang taludtod ang siyang puluhan
Ang saknong ang siyang kaluban
Ang tayutay ang siyang gatilyo
Ang talinghaga ang siyang punglo
At ang makata ang siyang birador
Na maaaring pumaslang
Sa baluktot na utak
Ng mga kaaway ng masa.
Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo IX, Blg. 2, Taon 2004, p.8.

Maghanda Ka, Aktibista
MAGHANDA KA, AKTIBISTA
ni Greg Bituin Jr.
maghanda ka, aktibista
pagkat naririyan lamang silang
handang dumurog sa iyong katatagan
maghanda ka, aktibista
at huwag mong payagang
pigilan ka nila sa pagsisiwalat
ng katotohanan at paglilingkod
sa inaping sambayanan

Ang Manggagawa at ang Baboy
ANG MANGGAGAWA AT ANG BABOY
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Sa kainitan ng araw
Isang manggagawang pagod
Ang naghihimutok
Pagkatanggap niya ng sahod.
“Buti pa iyang baboy
Bawat kilo niya’y mahal
Di tulad nitong lakas-paggawa
Per ora ko ay napakamura.”
Ang manggagawa ay nabigla
Nang ang baboy ay nagsalita,
“Huwag mong iparis
Ang aking taba at laman
Sa halaga ng iyong
Matipunong katawan.
Mas mabuti ka pa pagkat
Lakas-paggawa ay bayad.
Per ora nga, ngunit buhay ka.
Samantalang akong baboy
Bago mapakinabangan
Ay pinapatay muna.”
Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo IX, Blg. 3, Taon 2004, p.8.

Pagbangon
PAGBANGON
ni Greg Bituin Jr.
(tig-aanim na pantig)
Marami nang beses
Na ako’y bumagsak
Ngunit ako nama’y
Tumatayo agad.
Ang paniwala ko’y
May solusyon naman
Ang bawat problemang
Aking nahaharap.

Ako'y Anak ni Magdalena
AKO’Y ANAK NI MAGDALENA
ni Greg Bituin Jr.
Inay, Inay, ikaw po ay nasaan
Bakit tanging anak mo’y iyong iniwan
Nasa ospital ka raw, anang kapitbahay
Dahil raw sa AIDS kaya ka nakaratay.
O, aking ina, bakit ka riyan nasadlak
Bakit sa sakit pang iyan ka napahamak
Isipan ko’y nagtatanong, mahal kong ina
Karamdaman mong iyan ay saan mo nakuha?
Pinipilit kong balikan ang pinagdaanan
Ng ating pamilyang sadlak sa kahirapan
Ako’y putok sa buho, walang amang kinagisnan
Nabuhay tayo, Inay, kahit tayong dalawa lamang.
Sa beerhouse ka raw nagtrabaho
Bilang weytres sa mga babaero’t lasenggo
Kayod araw at gabi ang siyang ginawa mo
Upang tiyakin lamang ang kinabukasan ko.
Pagmamahal mo’y kinasasabikan ko na
Matagal na panahong hinahanap-hanap kita!
Mahal kong Inay, ako ba’y lilisanin mo na?
Kaya kapitbahay ang sa akin ay nag-aaruga?
Kung tunay ngang AIDS iyang sakit mo
Tayo’y pinaghiwalay ng sakit na ito
Ang hiling ko lamang ay magkita pa rin tayo
Pagkat anumang mangyari, anak mo pa rin ako.
Di pa panahon, Inay, na ako sa inyo’y mawalay
Sa pagkakasakit ninyo, nais kong ako ang aalalay.

Kwento ni Mang Pedro
KWENTO NI MANG PEDRO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Tahimik na ginugunita
Ni Pedrong Manggagawa
Ang mahal niyang asawa
At mga anak na malalaki na.
Dahil sa kanyang pagsisikap
Naitayo ang tahanang pangarap.
Mula sa pabrika, siya’y umibis
Sa dyip na sadya ngang kaybilis
Pag-uwi, pamilya niya’y tumatangis
Pagkat bahay nila ay dinemolis.
Nawalan agad sila ng tahanan
Dahil ba sila’y pobre lamang?
Biglang sulak ng kanyang dugo
Ipinundar niya’y agad naglaho
Dinemolis ng walang abiso
Ng mga walang-awang berdugo.
Sadyang terorismo ang demolisyon
Pagkat wala itong magandang layon!
Naisip niyang maralita’y magkaisa
Kaya agad siyang nag-organisa
Kasama ang iba pang maralita
Na pawa ring naging biktima
Ang kanilang hangad ay idepensa
At muling itatayo ang pinaghirapan nila
Pagkakaisa nila, sana’y magbunga
Ng tagumpay na mapayapa
Ngunit kung dugo ay babaha
Sila’y sadyang naging handa
Pagkat bahay ay isang karapatan
Ipaglalaban ito para sa kinabukasan.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Tahimik na ginugunita
Ni Pedrong Manggagawa
Ang mahal niyang asawa
At mga anak na malalaki na.
Dahil sa kanyang pagsisikap
Naitayo ang tahanang pangarap.
Mula sa pabrika, siya’y umibis
Sa dyip na sadya ngang kaybilis
Pag-uwi, pamilya niya’y tumatangis
Pagkat bahay nila ay dinemolis.
Nawalan agad sila ng tahanan
Dahil ba sila’y pobre lamang?
Biglang sulak ng kanyang dugo
Ipinundar niya’y agad naglaho
Dinemolis ng walang abiso
Ng mga walang-awang berdugo.
Sadyang terorismo ang demolisyon
Pagkat wala itong magandang layon!
Naisip niyang maralita’y magkaisa
Kaya agad siyang nag-organisa
Kasama ang iba pang maralita
Na pawa ring naging biktima
Ang kanilang hangad ay idepensa
At muling itatayo ang pinaghirapan nila
Pagkakaisa nila, sana’y magbunga
Ng tagumpay na mapayapa
Ngunit kung dugo ay babaha
Sila’y sadyang naging handa
Pagkat bahay ay isang karapatan
Ipaglalaban ito para sa kinabukasan.
Huwag Magpapaniwala sa mga Pamahiin
HUWAG MAGPAPANIWALA SA MGA PAMAHIINni Gregorio V. Bituin Jr.
Huwag magpapaniwala sa mga pamahiin
Wala itong idudulot na mabuti sa atin
Ito’y paniniwala lamang ng mga matatakutin
Pananaw nila’t isip ay sadyang baluktutin.
Pamahii’y nagmula noon pang unang panahon
Upang maipaliwanag ang di masagot na kwestyon
Mga matatanda’y pilit nag-imbento ng mga tugon
Upang bagay-bagay ay di mabigyang eksplanasyon.
Ngunit paliwanag nila’y pawang baluktot naman
Sapagkat di ito nagmula sa pagsusuring malaliman
Nag-imbento ng mga pamahiing walang katuturan
Tinamad analisahin ang mga di maarok ng isipan.
Malas daw ang pusa’t paruparong itim
Anong kasalanan ng mga ito’t malas ang turing
Anila pa’y bwal ding magwalis sa gabi
Dahil daw sa bahay, baka mawala ang swerte.
Ang swerte ba’y nagmula sa kalat at dumi?
O tamad lamang sila kaya’t tinatakot ang sarili
Ah, punung-puno sadya ang kanilang guniguni
Ng mga pamahiing totoo namang walang silbi.
Nag-imbento ng pamahii’y takot sa pagbabago
Tamad magsuri ng mga bagay-bagay sa mundo
Panahon nang magbago na siyang panawagan ko
Paniniwala sa pamahii’y kalimutan na ninyo.
Ang kailangan ngayon ay mahusay na pagsusuri
Sa mga bagay-bagay na sa lipuna’y nangyayari
Huwag magpadala sa siphayo, lalo na sa guniguni
Ang dapat nating gawin ay magsuri tayong maigi.
Ang pamahiin ay imbensyon ng mga mangmang
Mga di nag-iisip at sa takot ay nagpapalamang
Panahon nang tanggalin ang pagiging utak-alamang
Sabi nga ng ASIN, “Ang takot ay nasa isip lamang.”
- nalathala sa aklat na "Ningas-Bao" at sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo VIII, Blg. 2, Taon 2003, p.8.

Pulitikong Laway
PULITIKONG LAWAY
ni Greg Bituin Jr.
O, lingkod ng bayan, ikaw ba’y inutil?
Dali raw lapitan ay di mahagilap
Ang mga gaya mo’y pawa nga bang taksil?
Pagkat niloloko itong mahihirap.
Nang ikaw’y tuluyang maupo sa pwesto
Agad mong nalimot ang iyong pangako
Di mo na kilala itong mga tao
Mga panata mo’y agad ding naglaho.
Napakarami mong pangako sa madla
Pinaniwala mo itong mga masa
Ikaw pala’y tamad at isang pabaya
Nilulustay mo lang ang sa baya’y kwarta.
Ang tulad mo pala’y isang manlilinlang
Baba riyan pagkat hanggang laway ka lang!
Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo VIII, Blg. 3, Taon 2003, p.8.

Huwebes, Marso 27, 2008
Aklat at Rosas
AKLAT AT ROSAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
“Ano iyang iyong tangan?” anang dalaga
Sa sumisinta sa kanyang binatang aktibista.
Sagot naman ng binata’y “Isang aklat
Itong aking halukipkip para makapagmulat.”
Dalaga’y nagkainteres. “Mamulat saan?”
Tugon ng binata’y “Dapat nating malaman
Kung ano ang ugat nitong ating kahirapan
Na siyang suliranin din nitong sambayanan.
Kailangan nating pag-aralan ang lipunan
Upang mahanap ang lunas sa kahirapan.”
Nag-isip ng malalim itong magandang dalaga
Na napatitig na sa makisig na binata.
“Ang aklat mong iyan ay nais kong mabasa
At baka maiahon sa hirap sina ama’t ina.”
“Ikinagagalak kong maipahiram sa iyo
Itong aklat na makakatulong din sa inyo.
Maraming pagsusuri ang mababasa rito
Pati na kasaysayan ng lipunan at ng tao.
Kung may tanong ka’t anumang nakukuro
Agad akong tutugon sa isang patawag mo.
Narito ang aklat, sana’y iyong ingatan.”
Sabay abot din ng rosas na kanyang tangan.
Ang dalaga’y agad namang nagulumihanan.
“Bakit may rosas ay aklat lang ang hinihiram?”
Ang binata’y agad namang nagpaliwanag
“Natutuwa ako sa paghiram mo ng aklat
Ngunit hindi lamang ito ang aking hangad
Kundi tanggapin mo rin ang aking pagliyag.
Nais kong makasama ka sa pagbabago
Ng sistema ng lipunan sa ibabaw ng mundo.
Nais kitang makasama sa pag-ugit ng kasaysayan
Sa pagtatatag ng pangmanggagawang lipunan
Sa pagtatayo ng bago’t di bulok sa kaibuturan
May pagkakapantay-pantay at walang kabuktutan.
Magagamit ang aklat sa pagbabago ng sistema
At ang rosas nama’y tanda ng aking pagsinta.
Ang dalaga’y hindi na agad nakaimik
Ang binata pala’y simbilis ng lintik.
Gayunpama’y nag-usap silang mabuti
Hinggil sa aklat at sila’y nagmuni-muni
Pagkaraa’y nagpaalam na rin ang binata
Na tila lihim na itinatangi ng magandang dalaga.
“Babalikan kita, ako muna’y mag-oorganisa
Pupunta ng pulong sa kalapit na pabrika
Upang kausapin ang mga manggagawa.”
Tumugon ang dalaga, “Mag-iingat ka.”
Ang binata’y umalis, tumungo sa paruroonan
Ang dalaga nama’y umuwi sa kanilang tahanan.
Ilang araw ang lumipas, linggo ay nagdaan
Naiisip nila ang isa’t isa, “Siya kaya’y nasaan?”
Ang dalaga’y nakatingin sa rosas na iniingatan
Hinihintay ang pangakong sa kanya’y iniwan.
Binalak ng binatang dalawin ang dalaga
Naiisip na sana’y hindi pa ito nag-aasawa
Ngunit siya’y nayakag sa isang kampanya
Sa isang rali doon sa tulay ng Mendiola.
Nagkagulo sa rali nang sila’y mapaghampas
Ng mga batuta ng mga pulis na mararahas.
Nagtilamsik ang dugo, plakard ay pumula
Ang mukha’t likod ng binata’y nagkapasa.
Hanggang sa dumating ang hanap na dalaga
Na sa kanya’y sumaklolo na kanyang ikinabigla.
“Bakit narito ka?” ang sabi ng nagitlang binata
“Pagkat nauunawaan ko na,” anang dalaga
Atin nang baguhin ang mundong nilapastangan
Ng mga kapitalistang gahaman at elitistang iilan
At iyon ay kung kikilos tayo sa pagbago ng lipunan
At maitayo ng manggagawa sariling pamahalaan.
Salamat nga pala sa aklat mong pinahiram
At sa rosas na aking tinago’t pinakaingatan.”
Ang binata’y napangiti sa kanyang napakinggan
Ang dalagang sinisinta’y kanyang naging katipan.
Naramdaman nilang isa’t isa’y kanilang inspirasyon
At sila’y nagkatuluyan makalipas ng ilang panahon
Sila’y nagtulungang harapin ang panibagong hamon
Tungo sa pagbabago ng sistema’t pagrerebolusyon.
Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, Tomo XII, Blg 1, p.8.
Ang Taliba ng Maralita ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML)

Miyerkules, Marso 26, 2008
Tagayan ang Makata
TAGAYAN ANG MAKATA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Sari-sari ang tinotoma ng abang makata
Umaasang makalilikha ng obra-maestra.
Sa Red Horse, ang makata’y naninipa
Sa Gold Eagle, lumilipad ang diwa
Sa Tanduay ESQ, mata’y natutulala
Sa Emperador, siya ang hari ng toma
Sa Fundador, ang pundasyon ay paglikha
Sa Gran Matador, lumalabas ang talinghaga
Sa Colt .45, lumalakas ang makata
Sa San Miguel, ang makata’y pinagpapala
Sa Hinyebra, parang umiinom ng bitamina
Sa lambanog, bawat tingnan niya’y gumaganda
Nangangarap siya sa lasa ng matamis na tuba
Hoy, pare, halika rine’t tumagay muna
“Hik, ako’y tutula, ako’y natutulala”
Ang makata’y nakagawa ng magandang tula.

Dyeproks
DYEPROKS
ni Greg Bituin Jr.
maaga siyang gumising
para magdyaging
pero tinatanghali
pag oras ng trabaho
napakahilig maglagi sa gym
pero ayaw magbanat ng buto
mahilig magpalaki ng katawan
at magbuhat ng mabibigat na barbel
pero simpleng baso ng tubig
na halos abot-kamay
ay iuutos pa sa katulong
ay ayaw magkusa
siya ba'y hanggang porma lang
ang hirap talagang
maging dyeproks
baligtad ang utak
- nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Hulyo-Setyembre 2002, p.8.

Mabuti na lang, may aktibista
MABUTI NA LANG, MAY AKTIBISTA
Tula ni Gregorio V. Bituin Jr.
Narinig ko minsan ang isang malapit na kakilala
Huwag raw akong paniwalaan dahil isang aktibista
Sinabi pa niyang wala siyang mapapala
Mga gaya kong aktibista ay wala raw kwenta.
Kung anu-ano raw ang isinisigaw namin sa kalsada
Pag-aaral nami’y pinababayaan, ang sabi pa
Ni hindi na raw kami pumapasok sa eskwela
At pati kapwa mag-aaral ay aming ginugulo na.
Pinapasok daw namin ang mga pabrika
Kung saan hindi naman kami manggagawa
Mga obrero raw ay aming inoorganisa
Upang awayin itong mga kapitalista.
Siya’y nilapitan ko at aking tinanong
Bakit niya sinabing aktibista’y mga gunggong?
Siya’y napatda’t nagtangkang umurong
Sa mga isyu kong inilatag wala siyang maitugon.
Ang nasabi lang niya’y dapat kaming magsikap
Upang aming pamilya’y makaahon sa hirap
Huwag daw akong sumali sa mga mapagpanggap
Dahil pag nasakta’y di tatapunan ng lingap.
Sabi niya’y sarili daw namin ang pakaisipin
At kami’y magsumikap upang sarili’y paunlarin
Pinaniniwalaan daw ay huwag didibdibin
At baka raw sa kangkungan kami ay pulutin.
Mga isyu ng bayan ay dapat daw ipaubaya
Sa pamahalaang para sa kanya’y mapagkalinga
Huwag na raw kaming makialam at makibaka
At huwag guluhin itong pamahalaan ni Gloria.
Kaming aktibista’y magugulo’t walang kwenta?
Dito daw sa mundo’y dapat kaming mawala
Ay, anong sakit naman ng mga paratang niya
Para niya akong pinukpok ng maso sa mukha.
Siya ba’y walang muwang sa mundo’t bata pa?
Ngunit may isip na siya’y may edad na
Akin bang sasabihing dapat na patawarin siya
Dahil di niya alam ang kanyang ginagawa?
Kaibigan, may dahilan kung bakit may aktibista
Ipaliliwanag ko sa ‘yo ang kanilang mga simula
Sila’y mga aktibista dahil may dapat ipagbaka
Baguhin ang mga maling patakaran at panukala.
Sa kasaysayan ng bansa’y napakaraming aktibista
Gaya nina Rizal, Bonifacio, Ninoy Aquino’y Hen. Luna
Isama pa sina Ka Popoy Lagman, Edjop at Lorena
Sila’y nakibaka pagkakapantay-pantay ang adhika.
Ang diktaduryang Marcos pati pamahalaang Estrada
Mga administrasyon itong sa bayan ay kumawawa
Hindi ba’t sila’y ibinagsak sa tulong ng mga aktbista
Kung walang aktibista’y walang rebolusyong Edsa.
Tingnan mo pag langis ay biglang taas ng presyo
Di ba’t tataas ang mga bilihin, lahat tayo’y apektado?
Tiyak na maghihigpit ng sinturon itong mga obrero
Pati ulo ng karaniwang mamamaya’y tiyak na tuliro.
Hindi ba natin pupunahin kapalpakan ng gobyerno
Na nangakong maglilingkod sa sambayanang Pilipino
Lagi na lang bang sa kanila’y tango tayo ng tango
Ibinabaon na tayo sa hirap, di pa ba tayo kikibo.
Kaibigan, kaya may aktibista’y upang may makibaka
Mabago’t maitama mga baluktot na batas at panukala
Lalo na hinggil sa mga isyung sambayanan ang kawawa
Dapat lang kumilos, tayong lahat, ikaw, ako, sila.
Pagbabago sa lipunan ang siyang hibik ng mga aktibista
Tanggalin ang mga bulok, singili’t ikulong ang may-sala
Sigaw nila’y dapat nang baguhin ang bulok na sistema
Upang di lalong mahulog sa balon ang kawawang masa.
Di ba’t dapat lang punahin ang pamahalaang mabagal
Mga tila pagong, mga buwaya’t mga baboy sa kural
Karamihan sa kanila’y dapat lang na magpagal
At huwag magpatulog-tulog sapagkat ating hinalal.
Mga korap sa gobyerno’y isang dahilan ng pagdarahop
Ng mga mamamayang hindi talaga nila kinukupkop
Mga pasibo, halina’t huwag punuin ang salop
Sa aming aktibista, baka tuhod nyo ay tumiklop.
Ang nagsasabing magugulo ang mga aktibista
Ay mga taong walang pakialam sa paligid nila
Makasarili’t naiisip ay paano tutubo’y magkakapera
Silang nais magpasasa sa pinaghirapan ng iba.
Kaibigan, mabuti pang maging isang aktibista
Kaysa maging pasibo’t walang pakiramdam
Huwag tayong makibahagi sa bulok na sistema
Huwag maging manhid at tayo’y makialam.
Di ba’t pag nanalo pinaglalaban ng mga aktibista
Pati pasibo’y makikinabang at makikipagsaya
Makikipagsaya sila sa pinagpaguran ng iba
Ang panalong di sila bahagi’y aangkinin pa nila.
Mabuti na lang, kaibigan, at may aktibista
Sa mga gagong lider ay merong pumupuna
Kaysa ipaubaya ang lipunan sa mga lider na sira
Tama lang na pamahalaa’y yanigin ng aktibista.
Aktibista’y nanggigising ng mga utak-kalabasa
Na karamiha’y sa buwis ng tao nagpapasasa
Tama lamang na tao’y pumalag at makibaka
Lalo na’t mali ang patakaran at mga panukala.
Mabuti na lang at may aktibista, aking kaibigan
Silang ang nasa isipa’y kinabukasan ng sambayanan
Halina’t pag-aralan natin itong takbo ng lipunan
Tayo nang kumilos at sistemang bulok ay palitan.
(Nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, isyu ng Abril-Hunyo 2001, p. 8)

Natuturete
NATUTURETE
ni Greg Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
Shabu pala ang dinale
Kaya para silang tae
Ang dami ng sinasabi
Maputla pa’t nabibingi.
Lakas-tama sa kukote
Sa shabu’y natuturete
Hawak pa nila’y panali
Ay, baka sila’y magbigti.
Pag parak ang nakadale
Sila ay mapuputakte
Parak ay ngingisi-ngisi
Habang hawak itong yosi.
ni Greg Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
Shabu pala ang dinale
Kaya para silang tae
Ang dami ng sinasabi
Maputla pa’t nabibingi.
Lakas-tama sa kukote
Sa shabu’y natuturete
Hawak pa nila’y panali
Ay, baka sila’y magbigti.
Pag parak ang nakadale
Sila ay mapuputakte
Parak ay ngingisi-ngisi
Habang hawak itong yosi.
Mga Teargas ni Hudas
MGA TEARGAS NI HUDAS
tula ni Greg
Sa bawat pagbagsak ng teargas sa lupa
Napapaluha’t nasasaktan ang maraming masa
Sila’y itinataboy ng mga unipormadong buwaya
Tini-teargas ng mga doble-kara’t mukhang pera.
Hinihilam nitong teargas yaong mga mata
Ng mamamayang taas-noong nagpo-protesta
Mga masang ito’y ang layunin ay makibaka
Upang makamit ang panlipunang hustisya.
Katarunga’t kabutihan ang kanilang minimithi
Makukuha kaya nila ito sa mga maiitim ang budhi?
Pagsasamantala’t kasakiman, ayaw na nilang manatili
Lalo na ang pagkaganid ng iilan sa ginto’t salapi.
Teargas ay hinahagis sa mga nagpo-protesta
Ng mga walang budhing tuta’t alipin ng kapitalista
Pag nasabihan ng “That’s an order!”, tatalima agad sila
Kaya nga’t nakakahiya itong mga unipormado
Na nanumpa pa manding ipagtatanggol ang tao
Dahil sa tatlumpung pirasong pilak, puso’y naging bato
Tumalima agad sa utos ng mga payaso sa gobyerno.
Paano kung ang masa’y bumawi’t gamitan din ng teargas
Ang mga unipormadong “maginoo” pero balat-ahas?
Ah, tiyak na uusok ang ilong nitong angkan ni Hudas
Manggagalaiti sa poot ang mga unipormadong ungas.
Subukan din nating teargasin ang mga ito!
Baka sakaling pumuti ang maiitim nilang buto!!!
Tiyak manggigigil din sila’t masasaktan din ng todo
Saan kaya ang imbakan nitong mga teargas
Upang ating madurog ang kanilang mga armas?
- nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Abril-Hunyo 2001, p.8.
Ang Binhing Itinanim sa Matabang Lupa ng Rebolusyon
ANG BINHING ITINANIM SA MATABANG LUPA NG REBOLUSYON
tula ni Greg Bituin Jr.
ang buto ng mangga pag itinanim ay nagbubunga ng masarap na mangga
kapag binhi ng palay ay inihasik ng magsasaka sa lupa, nagbubunga ito ng palay, na nagiging bigas at kaning pantawid-gutom sa masang maralita
ang binhi ng rosas kapag itinanim at inalagaan ay nagbubunga ng magandang bulaklak na maiaalay sa magagandang dalaga
ang binhing itinanim sa matabang lupa ng rebolusyon ay magbubunga ng tunay na pagbabago sa lipunan
ang binhing itinanim ni Ka Popoy sa puso’t isipan ng uring manggagawa, na mula sa bunga ng diwa’t karanasan nina Marx, Engels, Lenin, Crisanto Evangelista, Asedillo, at iba pang lider-manggagawa, ay kailangang tuluy-tuloy na alagaan, diligan at pagyamanin ng mapagpalang kamay ng manggagawa nang sa gayo’y magbunga ng kalayaan ng uri mula sa sistemang mapagsamantala
ang binhing iyon ay nagmula sa pagiging matatag niyang puno ng kilusang paggawa
nagsimula siyang kasapi ng Samahang Demokratiko ng Kabataan nuong panahong umiiral ang kamay na bakal
matyaga niyang pinag-aralan ang mga akda nina Marx, Engels at Lenin, kasabay ng pagtatanong at pagmamasid kung bakit ganito ang lipunan, kung bakit napakaraming naghihirap habang ang iilan lang ang yumayaman, kung bakit may inaaliping manggagawa at may kapitalistang gahaman
at mula sa pangarap na baguhin ang lipunan ay kanyang itinatag ang sosyalistang Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP), Sanlakas, Kapatiran ng mga Pangulo ng Unyon sa Pilipinas (KPUP), at ang Partido ng Manggagawa (PM) ang huli niyang proyekto
naging gulugod siya ng Lawin 35, Kilusang Rollback, Congress for Labor Unity at panawagang Resign All
naging balikat sa laban ng Freedom Island, Temic, Philippines Air Lines, at marami pang iba
naging kasangga sa laban ng mga maralita para sa laban sa katiyakan sa paninirahan
at sabi ng iba’y naging kalihim pa siya ng Partido ng Manggagawang Pilipino
at patuloy pang lumalago ang kanyang mga itinanim, nagkasanga, at naging matatag na puno
hanggang sa pinitas ng punglo ang taglay niyang buhay
ah, nakapanginginig ng laman at nakapagngangalit ng bagang ang pagkapaslang sa kanya
at tulad ng binhi’y itinanim ang kanyang katawan sa tigang na lupa
mga kasama, tulad ng iba pang martir na lider-manggagawa, ang binhing itinanim sa matabang lupa ng rebolusyon, ay patuloy nating pagyamanin, diligan at alagaan
hanggang sa ito’y magbunga ng ganap na paglaya
Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, Tomo X, Blg 1, Taon 2005, p.8.
Ang Taliba ng Maralita ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML).

Ang Dyarista at ang Sanggano
ANG DYARISTA AT ANG SANGGANO
Tula ni Greg Bituin Jr.
DYARISTA:
Sa bawat pag-usad nitong hawak na pluma
Katotohana’t katarungan ang nasa aking diwa
Kahayupa’t pagsasamantala’y nangaglipana
Sa gamit kong pluma’y dapat ibulgar sila.
SANGGANO:
Ano bang magagawa niyang pluma mo
Sa malakas na kalibre nitong baril ko?
Kung pagpapakabayani, ‘yan ang nais mo
Ngayon pa lang, magsubukan na tayo!
DYARISTA:
Hindi pulbura’t bala ang gamit kong sandata
Kundi papel, kamera, kompyuter at pluma
Pagdating sa panulat, haharapin kita
Kahit magtago ka pa sa ilalim ng kama.
SANGGANO:
Hoy, ikaw na dyarista, ano bang akala mo
Sa pluma mo’y mababahag ang buntot ko?
Itong sumusulak kong poot, pakaiwasan mo
Baka isang tinggang bala ang isubo ko sa iyo!
DYARISTA:
Mga talipandas na tulad mo’y dapat mabura
Dito sa mundong ang hari’y mga kapitalista
Hindi mo matatakot ang tulad kong dyarista
Tinatawanan ko lang ang isang tinggang bala.
SANGGANO:
Ang lakas naman ng dating mo, pare
Samantalang wala ka namang sinabi
Kung gusto mo’y manu-mano tayo dine
Para masukat mo, tapang ko’t laki!
DYARISTA:
Lalabanan kita, sabayan kung sabayan
Sa iyo’y baril, sa aki’y pluma naman
Tingnan natin kung sinong huhusgahan
Ng mga tao sa ugali nating kainaman.
SANGGANO:
Huwag mo akong hamunin, torpeng barako
Isang bala ka lang, iya’y tandaan mo!
Huwag mong pag-initin itong aking ulo
Baka hawak na gatilyo’y makalabit ko!
DYARISTA:
Ang tagal naman, bakit hindi mo subukan
Tulad ka rin ng amo mong kapitalistang gahaman
Pero gaya n’yong hangal ay dapat lang tuluyan
Dapat lang kayong kalusin, salot kayo sa lipunan!
ANG MAY-AKDA:
Kaya ang payo ko sa inyo, mga mambabasa
Pagsasamantala sa maliliit ay pakaiwasan sana
Dahil tinitiyak kong pag kayo’y nambiktima
Sa gamit kong pluma, KAYO’Y AKING ITUTUMBA!
Unang nalathala sa publikasyong The Featinean, 1994. Muling nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo IX, Blg. 2, Taon 2004, p.8.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)