KAPAG MAY TAKOT AKONG AKO’Y MAWAWALA NA
ni John Keats
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kapag may takot akong ako’y mawawala na
Bago pa tipunin ng aking pluma ang mga laman ng isipan
Bago pa sa mga nakasalansang aklat, sa kaugalian
Tinatanganan tulad ng kamalig na puno ng gintong butil;
Hanggang mapagmasdan ko ang matalang gabi,
Maalapaap na simbolo ng romansang espesyal,
Habang nagugunitang di na ako mabubuhay para malaman
Ang kanilang mga anino, na may kaibang kamay ng pagkakataon;
At nang madamang isang panahon ding naging matinong nilalang
Na hindi na kita muling pagmamasdan,
At di na nasisiyahan sa kapangyarihang mutya
Ng di-matingkalang pagsinta, - doon man sa aplaya
Ng malawak na daigdig na aking kinatatayuan, at nagninilay
Hanggang lumubog sa kawalan ang pag-ibig at pagbubunyi.
WHEN I HAVE FEARS THAT I MAY CEASE TO BE
by John Keats
When I have fears that I may cease to be
Before my pen has glean’d my teeming brain,
Before high-piled books, in charactery,
Hold like rich garners the full ripen’d grain;
When I behold, upon the night’s starr’d face,
Huge cloudy symbols of a high romance,
And think that I may never live to trace
Their shadows, with the magic hand of chance;
And when I feel, fair creature of an hour,
That I shall never look upon thee more,
Never have relish in the faery power
Of unreflecting love; - then on the shore
Of the wide world I stand alone, and think
Till love and fame to nothingness do sink.
Sabado, Oktubre 11, 2008
May Isang Dilag na Malambing at Mabait, ni Thomas Ford
MAY ISANG DILAG NA MALAMBING AT MABAIT
ni Thomas Ford
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
May isang dilag na malambing at mabait
Bagamat di kaakit-akit ang kanyang mukha
Napagmasdan ko lamang siyang dumaraan
Gayunma’y iniibig ko siya hanggang kamatayan.
Ang kanyang anyo, pgkilos, at ang kanyang ngiti
Ang kanyang talino, ang tinig, ay nakaaakit sa puso
Naakit ang puso ko, kung bakit ay di ko alam
Gayunma’y iniibig ko siya hanggang kamatayan.
May pakpak si Kupido at katamtaman lang ang naaabot
Ang kanyang bayan, gayunman, di nagbabago ang aking pag-ibig
Bagamat nagbabago ang kalupaan, pati na kalangitan.
Gayunma’y iibigin ko siya hanggang kamatayan.
THERE IS A LADY SWEET AND KIND
by Thomas Ford
There is a lady sweet and kind,
Was never a face so pleased my mind;
I did but see her passing by,
And yet I’ll love her till I die.
Her gesture, motion, and her smiles,
Her wit, her voice my heart beguiles,
Beguiles my heart, I know not why,
And yet I’ll love her till I die.
Cupid is winged and he doth range,
Her country, so, my love doth change:
But change she earth, or change she sky,
Yet, I will love her till I die.

Turan Mo Kung Ano ang Pag-ibig, ni John Clare
TURAN MO KUNG ANO ANG PAG-IBIG
ni John Clare (1793-1864)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Turan mo kung ano ang pag-ibig – upang mabuhay sa dusa
Upang mabuhay at mamatay at mabuhay muli
Turan mo kung ano ang pag-ibig – iyan nga ba
Ang nasa piitan ngunit malaya pa rin
O tila malaya – mag-isa at magpapatunay
Sa kawalang pag-asa ng pag-asa ng tunay na pag-ibig?
Umiiral nga ba ang tunay na pagsinta?
Tulad ng sikat ng araw sa hamog
Na unti-unting naglalaho at walang natira
At di na matatagpuan pang muli.
Turan mo kung ano ang pag-ibig – isang umuusbong na pangalan
Isang dahon ng rosas sa pahina ng katanyagan.
SAY WHAT IS LOVE
by John Clare (1793-1864)
Say what is love – to live in vain
To live and die and live again
Say what is love – is it to be
In prison still and still be free
Or seems as free – alone and prove
The hopeless hopes of real love?
Does real love on earth exist?
’Tis like a sunbeam on the mist
That fades and nowhere will remain
And nowhere is o’vertook again.
Say what is love – a blooming name
A rose leaf on the page of fame.

Maitutulad Ba Kita sa Isang Tag-araw, ni Shakespeare
MAITUTULAD BA KITA SA ISANG TAG-ARAW? (Soneto 18)
ni William Shakespeare (1564-1616)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Maitutulad ba kita sa isang tag-araw?
Ikaw na kaibig-ibig at katamtaman
Niyayanig ng habagat ang sintang usbong ng Mayo
At napakaikli ng tipanan natin sa hiram na tag-araw:
Minsa’y napakainit ng pagkinang ng mata ng langit
Kadalasa’y lumalamlam ang kanyang gintong silahis:
At paminsa’y bumababa ang bawat kapusyawan
Pagkakataon man o di-maayos na pagbabago sa kalikasan
Ngunit di magmamaliw ang iyong walang hanggang tag-araw
Mawala man ang tangan mo sa kaaya-ayang sarili
O maghambog man ang kamatayang nakalambong sa kanila
Umusbong ka sa walang hanggang panahon.
Hanggat ang mga tao’y humihinga, o mga mata’y nakakakita
Hanggat nabubuhay ito, at ito’y nagbibigay-buhay sa iyo.
SHALL I COMPARE THEE TO A SUMMER’S DAY? (Sonnet 18)
by William Shakespeare (1564-1616)
Shall I compare thee to a summer’s day?
Thou art more lovely and more temperate:
Rough winds do shake the darling buds of May,
And summers’ lease hath all too short a date:
Sometime too hot the eye of heaven shines,
And often is his gold complexion dimm’d:
And every fair from fair sometime declines,
By chance, or nature’s changing course untrimm’d;
But thy eternal summer shall not fade,
Nor lose possession of that fair thou ow’st
Nor shall death brag thou wander’st in his shade,
When in eternal lines to time thou grow’st;
So long as men can breathe, or eyes can see,
So long live this, and this gives life to thee.

Tulad ng Napakapulang Rosas, ni Robert Burns
O, ANG AKING PAG-IBIG AY TULAD NG NAPAKAPULANG ROSAS
ni Robert Burns (1759-1796)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
O, ang aking pag-ibig ay kapara ng napakapulang rosas
Na bagong sibol nitong Hunyo
O, ang aking pag-ibig ay tulad ng melodya
Na tumataginting ang himig.
Kaaya-ayang tulad mo, maganda kong binibini
Taos sa kaibuturan akong umiibig:
Sadyang iniirog kita, aking giliw
Hanggang maiga man ang karagatan.
Hanggang maiga man ang dagat, giliw ko
At malusaw ng araw ang mga bato
Pakamamahalin kita, aking irog
Habang nagpapatuloy ang agos ng buhay.
At ako’y magpapaalam, irog kong tangi
At ako’y magpapaalam sumandali
Isang yutang milya man ang malakbay
At ako’y muling babalik, aking giliw.
O, MY LUVE’S LIKE A RED, RED ROSE
by Robert Burns (1759-1796)
O, my luve’s like a red, red rose,
That’s newly sprung in June;
O, my luve’s like the melodie
That sweetly played in tune.
As fair art thou, my bonnie lass,
So deep in luve am I:
And I will luve thee still, my dear,
Till a’ the seas gang dry.
Till a’ the seas gang dry, my dear,
And the rocks melt wi’ the sun:
I will luve thee still, my dear,
While the sands o’ life shall run.
And fare thee weel, my only luve,
And fare thee weel awhile!
And I will come again, my luve,
Tho’ it were ten thousand mile.

Pag-ibig, ni Rupert Brooke
PAG-IBIG
ni Rupert Brooke (1887-1915)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Ang pagsinta’y pagkawasak ng pader, gibang tarangkahan
Kung saan iyon lumagos at di na babalik
Inilako ng pag-ibig sa kapalaran ng muog ng palalong puso
Talos nila ang kahihiyan na umibig sa di-iniibig.
Mula noon
Nauuhaw sa isa’t isa ang dalawang bibig, nababawasan
At nalilimutan ang dusa, at nagpatahan
Ng mapaniwalaing puso, kapara ng langit ay tinangay
Ang munting pangarap sa kanilang bisig, at nagkaila
Sa kanyang bawat gabing malamlam, na ginuguniguni
Ang iba’y nagsalo sa magdamag, ngunit talos nilang pag-ibig
Ay nanlalamig
Lumaking sala’t dungo, yao’y napakatamis na kasinungalingan
Wala na sa kamay o balikat ang pamamangha
Ngunit kumukulimlim, at namamatay sa bawat halik
Lahat ng ito’y pag-ibig, at lahat ng pag-ibig ay ito.
LOVE
by Rupert Brooke (1887-1915)
Love is a breach in the walls, a broken gate,
Where that comes in that shall not go again;
Love sells the proud heart’s citadel to Fate.
They have known shame, who love unloved.
Even then
When two mouths, thirsty each for each, find slacking,
Ang agony’s forgot, ang hushed the crying
Of credulous hearts, in heaven-such are but taking
Their own poor dreams within their arms, and lying
Each in his lonely night, each with a ghost.
Some share that night. But they know, love
grows colder,
Grows false and dull, that was sweet lies at most.
Astonishment is no more in hand or shoulder,
But darkens, and dies out from kiss to kiss.
All this is love; and all love is but this.

Di Mabigkas na Pag-ibig, ni William Blake
DI MABIGKAS NA PAG-IBIG
ni William Blake (1757-1827)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Huwag mong hanaping ipagsabi ang pag-ibig
Pag-ibig na di mabigkas ngunit nangyayari
Tulad ng pagtinag ng hanging amihan
Mapayapa’t di nakikita.
Binigkas ko ang aking pag-ibig, binigkas ko sa aking liyag
Taos-puso kong binigkas sa kanya;
Nanginginig, nilalamig, nang may pangamba’t takot
Ay, siya’y tuluyang lumisan!
Nang siya’y mawala na sa akin,
Dumating ang isang manlalakbay
Mapayapa’t di nakikita:
At siya’y kinuha niyon nang may hinagpis.
LOVE THAT NEVER TOLD CAN BE
by William Blake (1757-1827)
Never seek to tell thy love,
Love that never told can be;
For the gentle wind doth move
Silently, invisibly.
I told my love, I told my love,
I told her all my heart;
Trembling, cold, in ghastly fears.
Ah, she did depart!
Soon after she was gone from me,
A traveller came by,
Silently, invisibly:
He took her with a sigh.

Pilosopiya ng Pag-ibig, ni Percy Bysshe Shelley
PILOSOPIYA NG PAG-IBIG
ni Percy Bysshe Shelley (1792-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
Nakipagniig ang mga bukal sa ilog
At ang mga ilog sa karagatan
Ang hangin ng kalangitan ay tuluyang humalo
Sa damdaming katamis-tamisan
Walang anuman sa mundo ang nag-iisa;
Lahat ng bagay sa batas ay banal
Sa isang diwa’y nagkaharap at nagniig
Bakit hindi ako sa iyo? –
Masdan ang paghalik ng bundok sa kalangitan
At nagyayapusan ang mga alon
Walang kapatid na bulaklak ang mapapatawad
Kapag pinagmataasan nito ang kanyang kapatid
At niyakap ng bukangliwayway ang kalupaan
At humalik sa karagatan ang sinag ng buwan:
Ano pang saysay ng lahat ng matatamis na gawang ito
Kung hahagkan mo’y hindi ako?
LOVE’S PHILOSOPHY
by Percy Bysshe Shelley (1792-1822)
The fountains mingle with the river
And the rivers with the ocean,
The winds of heaven mix for ever
With a sweet emotion
Nothing in the world is single;
All things by a law divine
In one spirit meet and mingle,
Why not I with thine? –
See thr mountains kiss high heaven
And the waves clasp one another;
No sister-flower would be forgiven
If it disdained its brother;
And the sunlight clasps the earth
And the moonbeams kiss the sea:
What is all this sweet work worth
If thou kiss not me?

Siya'y Naglakad sa Kariktan, ni Lord Byron
SIYA’Y NAGLALAKAD SA KARIKTAN
ni Lord Byron (1788-1822)
tinagalog ni Gregorio V. Bituin Jr.
I
Siya’y naglalakad sa kariktan, tulad ng gabi
Ng magandang klima’t mabituing langit
At lahat ng pinakamagaling sa dilim at kinang
Na sumalubong sa kanyang kabuuan at paningin
At naglambing sa liwanag na magiliw
Na ikinaila ng langit sa marangyang umaga
II
Higit sa isang anino, kulang sa isang sinag
Na bahagyang nagpahina sa walang ngalang biyaya
Na nagwawagayway sa lugay na balahibo ng rabena
O kaya’y pagliwanag sa kanyang mukha
Kung saan ang diwang maaliwalas ay matamis na nagpapahayag
Sadyang wagas, sadyang ginigiliw ang kanilang pugad.
III
At sa leeg na yaon, at sa kilay ding iyon
Malambot, napakatiwasay ngunit mahusay manalita
Ang nakahahalinang ngiti, ang kulay na nagniningning
Ngunit nagsasabing bawat araw ay nagamit ng tama
Isang diwang matiwasay na lahat ay nasa ibaba,
Isang pusong ang pagmamahal ay walang malay.
SHE WALKS IN BEAUTY
by Lord Byron (1788-1822)
I
She walks in beauty, like the night
Of cloudless climes and starry skies
And all that’s best of dark and bright
Meet in her aspect and her eyes
Thus mellowed to that tender light
Which heaven to gaudy day denies.
II
One shade the more, one ray the less
Had half impaired the nameless grace
Which waves in every raven tress,
Or softly lightens o’er her face;
Where thoughts serenely sweet express
How pure, how dear their dwelling place.
III
And on that cheek, and o’er that brow,
So soft, so calm, yet eloquent
The smiles that win, the tints that glow,
But tell of days in goodmess spent,
A mind at peace with all below,
A heart whose love is innocent.

Biyernes, Oktubre 10, 2008
Oktubre 9, 1967
OKTUBRE 9, 1967
(sa kamatayan ni Comandante Che Guevara)
ni Greg Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
matapos ang inyong matinding sagupaan
ay nagapi na kayo ng inyong kalaban
nahuli ka na ng grupo ni Mario Teran
na isang sundalo nitong Hukbong Bolivian
at dinala ka sa tiyak na kamatayan
tinapos ka ni Teran kahit walang laban
para nga silang nakakuha ng tropeo
nang mapugto ng kaaway ang hininga mo
ngunit kaming narito sa iyo'y saludo
ang buhay at bukas mo'y isinakripisyo
upang maipalaganap ang sosyalismo
upang lipunang ito'y mabago't mawasto
nang ang rebolusyong Cubano'y magtagumpay
bagong pag-asa sa mundo'y inyong binigay
ang prinsipyong sosyalista nga'y sadyang lantay
pagkat hindi sakim, kundi buhay ang alay
ang halimbawa't nyo'y dapat tularang tunay
kahit sa huling laban, tinanghal kang bangkay
tatlumpung taon naman pagkaraan nito
saka hinukay sa Bolivia ang bangkay mo
dinala sa Cuba't pinarangalan ito
ikaw'y bayani ng rebolusyong Cubano
di namin malilimutan ang pamana mo
upang maipagtagumpay ang sosyalismo

Huwebes, Oktubre 9, 2008
Paano namin na-plat noon ang tansan
PAANO NAMIN NA-PLAT NOON ANG TANSAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
bata pa kami'y delikado ang ginawa namin
yaong magpasagasa ng tansan sa riles ng tren
sabi ni Ate, ang nakatatanda kong kapatid
sa sanaysay kong sa mga paliwanag ay tipid
nais kasi naming magkakababata ang lumikha
ng pampatunog upang sa Pasko kami'y matuwa
mangangaroling kaming yaong tansan ang pampatunog
na parang marakas pag umawit kami't tumugtog
noon kasi'y nangolekta kami ng mga tansan
pinipitpit iyon upang maging plat ngang tuluyan
ngunit baku-bako nang pinukpok namin ng martilyo
may naisip na paraan subalit delikado
ang mga tansang pinipitpit namin upang maging plat
sa riles ng tren ay agad pinagpapatong lahat
at inabangan namin ang tren sa kanyang pagdating
maya-maya'y humuhudyat na at dumating ang tren
nang ito'y makalampas ay isa-isang kinuha
ang mga tansang na-plat, at umuwi ang barkada
at binutasan namin ito ng pako sa gitna
tinuhog ng alambre, ang pampatugtog na'y handa
bagamat masayang may gamit na sa pangaroling
katutubong marakas na itong tumataginting
ginawa namin ay huwag tutularan ng bata
mag-ingat at baka madisgrasya, sila'y kawawa

Martes, Oktubre 7, 2008
Amabelle Ama
AMABELLE AMA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
isang dilag siyang may pitak sa puso
na lagi sa aking nakapagtuliro
kayganda ng mukhang aking pinintuho
tsinitang may ngiting ayaw kong maglaho
isang mutyang dilag itong si Amabelle
parang palibot mo'y isang libong anghel
ngiti pa lang niya'y tanggal ang hilahil
maganda pa siya kay Pilar Pilapil
papasok pa lamang siya sa pabrika
minamasdan ko na yaong kanyang ganda
sana, sana, sana'y siya na talaga
ang siyang tumanggap sa pusong suminta
ang departamento niya'y katabi lang
ng amin, kaya nga puso ko'y lumutang
tinatanaw lagi ng pusong pihikan
at sa bahay nila'y dinalaw kong minsan
hanggang ngayon siya'y nasa alaala
dilag itong minsa'y nagbigay pag-asa
kaya nakatatak ang Amabelle Ama
dito sa puso kong sa kanya'y suminta
Lunes, Oktubre 6, 2008
Luningning Cortez, ang Mutya ng Pabrika
LUNINGNING CORTEZ, ANG MUTYA NG PABRIKA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
parang Miss Universe siya sa aming pabrika
hinahangaan ng sinumang makakakita
akala ko noon, hanggang pangarap lang siya
at di ko makakausap ang mutyang diyosa
kaarawan ko noon nang ako'y magsalita
sa harap ng empleyado't kapwa manggagawa
pinaganda ko ang aking talumpati't katha
na tinamaan ang sa kantina'y nangasiwa
na sa gabi'y may peligro doon sa kantina
nagkasakit ang ilang katrabaho't kasama
mula noon, si Luningning ay nagpagawa na
sa akin ng sulating assignment sa eskwela
sino akong tatanggi sa mutyang kagandahan
kinausap akong talagang kinilig naman
nagpabola ako't ginawa ko rin ang ilan
masaya na rin ako kahit ganoon lamang
nag-aaral pala siya't nagkokolehiyo
isang pangarap na totoo't kanyang ginusto
pinagsikapan niyang tunay, at saksi ako
na nakatulong kahit munti sa kanyang kurso
hanggang pangarap ko lang naman siya inangkin
pagkat ang mutyang iyo'y sobrang ganda sa akin
di kami bagay, mas matangkad siya't mahinhin
gayunman, ang puso ko'y kanyang pinaglambitin
Linggo, Oktubre 5, 2008
Ehersisyo Muna Bago Magtrabaho
EHERSISYO BAGO MAGTRABAHO
ni Greg Bituin Jr.
14 pantig
(para sa mga nakasama ko ng tatlong taon sa pabrikang PECCO sa Alabang, Muntinlupa)
tandang tanda ko pa noon, bago magsimula
ang trabaho sa pabrika'y magpapatirapa
upang igewang-gewang ng pataas-pababa
ang aming katawan at bisig na pinagpala
bibilang muna kami, isa, dalawa, tatlo
saka ibabaluktot ang tuhod, pati siko
bilang uli, apat, lima, anim, pito, walo
at pabalik ang bilang sa aming ehersisyo
kami'y papalakpak sa paglundag ng mataas
upang aming resistensya'y talagang lumakas
nang mabanat ang buto't katawan ay matikas
pati na mga kalamnan ay maging matigas
bago magtrabaho, kami'y mage-ehersisyo
ipipilig-pilig muna itong aming ulo
gagalaw ang katawan, kamay, balikat, braso
nang maging masigla kami sa pagtatrabaho
sa oras ng trabaho'y dapat lang masigla ka
di magpatulog-tulog sa harap ng makina
mahirap nang maipit, baka mawalan ka pa
ng bahagi ng katawan, ng kamay o paa
kaya mag-ehersisyo muna bago trabaho
pampalakas ng katawan ng mga obrero
kaunting pagod lang, ito nama'y hindi bisyo
ngunit kung maging bisyo mo'y mabuting totoo
Sa Mga Dating Kamanggagawa
SA MGA DATING KAMANGGAGAWA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(para sa mga nakasama ko ng tatlong taon sa Metal Press Department sa pabrikang PECCO sa Alabang, Muntinlupa)
blagag-blagag-blagag
sunud-sunod ang bagsak ng makinang AIDA
tunog ng mga ito'y kabisado ko pa
pag nagsasalita nga tayo'y sigawan na
blagag-blagag-blagag
hoy, tama na kaya ang sukat nitong c-guide
basta't pasok sa tolerance ay tama iyan
laging maingay doon at laging sigawan
blagag-blagag-blagag
kaya paglabas sa pabrika't nakabihis
aba'y sigawan pa rin, kaytaas ng boses
araw-araw ba namang ingay ang tiniis
blagag-blagag-blagag
kumusta na kaya silang dating kasama
sana naman, maayos na ang buhay nila
sana'y magka-reyunyon na kami't magkita
blagag-blagag-blagag
dating kamanggagawa, kumusta na kayo?
sana'y makapagkwentuhan na muli tayo
kahit na may kaharap na tagayang baso
blagag-blagag-blagag
kung sakaling meron, ako'y pasabihan lang
dahil sadyang iba ang may pinagsamahan
baka masulat ko ang aral, karanasan
doon sa PECCOng ating pinagtrabahuhan
mabuhay kayo, mga kamanggagawa ko!

Sabado, Oktubre 4, 2008
Dimasupil - salin ng tulang Invictus
DIMASUPIL
ni William Ernest Henley
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Doon sa karimlang sa akin nakalukob
Na sing-itim ng hukay sa magkabilanin
Sa gawa ng bathala’y salamat ng taos
Sa hindi pasusupil na diwa kong angkin
Sa biglang lagapak niyaring kalagayan
Di ako kumislot o kaya’y nagngangawa
Sa ilalim nitong biglaang kapalaran
Di ako yumukod duguan man ang mukha
Higit sa pook na ito ng luha't poot
Ay nababanaag yaong lagim ng tabing
Gayunman anumang banta ng mga taon
Ay di nagpasagila ng takot sa akin.
Balewala makipot man ang tarangkahan
Sa kalatas man mga parusa’y natala
Ako ang maestro ng aking kapalaran
Ako ang kapitan ng aking buong diwa.
Sampaloc, Manila
Mayo 6, 2008
INVICTUS
William Ernest Henley
Out of the night that covers me
Black as the pit from pole to pole
I thank whatever gods may be
For my unconquerable soul.
In the fell clutch of circumstance
I have not winced nor cried aloud
Under the bludgeonings of chance
My head is bloody but unbowed.
Beyond this place of wrath and tears
Looms but the horror of the shade
And yet the menace of the years
Finds and shall find me unafraid.
It matters not how strait the gate
How charged with punishments the scroll
I am the master of my fate
I am the captain of my soul.
England, 1875
Huwebes, Oktubre 2, 2008
Minsan na akong naging makinista
MINSAN NA AKONG NAGING MAKINISTA
ni Greg Bituin Jr.
13 pantig
tatlong taong singkad akong naging obrero
sa kumpanyang pinasukan ko, ngala'y PECCO
doon sa Metal Press Department ang trabaho
ang AIDA Press Machine ang kasa-kasama ko
makinista akong di makinis ang tangan
kundi maruruming makina't magagaspang
dahil laging gamit ngayo't kinabukasan
upang moldehin ang maraming kasangkapan
sari-saring pyesa ng floppy disk ang gawa
may rotor, isteytor, plastik, c-guide, ang likha
pati plato ng telepono'y aming gawa
sa trabaho nga'y di na magkandaugaga
mula sa koyl, bubutasin ang isang korte
ililipat ng makina sa bagong molde
ililipat muli ng makina ang siste
dinaanan ng bawat produkto'y kayrami
ang kota ko lagi'y limanglibong produkto
ang gagawin sa walong oras na trabaho
salpak ang produkto't ang makina'y pindot ko
c-guide pa lang, pitong makina ang proseso
pero nakakatuwang maging makinista
natutunang magsuri ng plano't programa
pati na ang takbo sa loob ng pabrika
na nakatulong sa buhay ko sa tuwina
ilang taon na pala akong wala doon
ngunit kaysarap gunitain ng kahapon
minsan na akong naging makinista noon
na ipinagmamalaki ko hanggang ngayon
maraming salamat sa mga alaala
sa mga aral at karanasang pamana
pamilyar pa rin ako sa mga makina
di ko malilimutan saan man magpunta

Ang gamit kong apat na makina
ANG GAMIT KONG APAT NA MAKINA
ni Greg Bituin Jr.
13 pantig
noong ako'y trabahador pa sa kumpanya
sa nakalipas na mga ilang taon na
naranas kong hawaka'y apat na makina
ngunit may mayor akong tangan sa tuwina
ang una't palagi kong hawak ay ang molde
na babagsak, aangat, upang maikorte
ang nakarolyong materyales sa may tabi
sa tatlong taon, ito'y aking inintindi
sunod ang maliit na makinang salpakan
ng isang pyesa sa produktong nabutasan
ididikit iyon ng makina kong tangan
saka ipapasa sa obrerong kahanggan
ang sunod nama'y ang makinang may asido
tagatanggal ng langis sa mga produkto
ngunit kay-init pagkat kumukulo ito
kaya mahirap kung dito ka madestino
sunod na makina'y tagatanggal ng magnet
produkto'y dadaan sa makinang mainit
pag di dumaan dito'y di pwede ang gamit
dahil sa produkto'y may magneto pang pagkit
pahawakin akong muli nitong makina
tiyak apat na iya'y kabisado ko pa
tatlong taon ba namang gamit ko tuwina
kaya di ko limot at aking nakabisa

Miyerkules, Oktubre 1, 2008
Mga Aral Mula sa Gansa
MGA ARAL MULA SA GANSA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(ang tula'y nilikha mula sa powerpoint presentation ni kaibigang Paul Muego ng KKFI na pinamagatang "Mga Aral Mula sa Gansa" bilang bahagi ng pagsasanay ng mga kasapi ng KPML, Setyembre 28, 2008. Ang sumusunod na tula ay may 14 pantig bawat taludtod.)
kayganda pala ng aral na napulot natin
sa mga gansang lumilipad sa papawirin
sa pormang V ay nagkakaisa ng layunin
patungong katimugang kanilang adhikain.
sa paglipad sa pormang V sila'y nagkakaisa
upang mas malayo ang maabot na distansya
grupo silang lumilipad, di paisa-isa
ang pagtutulungan nila'y sadyang kakaiba.
mga gansa'y nagpakita ng magandang asal
halimbawa nila'y sadyang natatanging aral
na sa kaisipan nati'y kaygandang ikintal
dunong itong sa diwa natin ay iniluwal.
sila'y nagpakita ng magandang halimbawa
na sa kanilang pangkat ay may pagtitiwala,
pagtutulungan at pagkakaisa'y adhika
walang iwanan sa ere itong mga gansa.
kaytindi't kaylalim ng kanilang pagbubuklod
ang makakaalam nito'y sadyang malulugod
at tiyak na magpapatuloy sa paglilingkod
tungo sa bagong lipunang itinataguyod.
katulad ng gansang magkasamang "V" ang hugis
sa kanilang pormasyon ay di paalis-alis
yaong buong samahan pala'y dapat magbigkis
at sa tungkulin ay dapat walang magmalabis.
sa samahan may dangal tayong itinataya
kaya't unawain natin ang aral ng gansa
kaylaking tulong na nito sa sanlaksang dukha
at sa pagkakaisa ng uring manggagawa.
kaya kung kasamahan natin ay matutumba
namroblema, wala ng pera o nasakuna
o kaya sa pakikibaka'y nasawi siya
dapat siyang tulungan at ang kanyang pamilya.
tulad ng gansa’y di tayo dapat mag-iwanan
anumang hirap ang kaharapin ng samahan
tayo’y dapat mag-unawaan at magtulungan
magkaisang-diwa tayo sa dami ng laban.
tayong nagnanais ng panlipunang hustisya
ay dapat maging matatag sa pakikibaka
anumang sigwang harapin ay magsama-sama
hanggang maitayo ang isang bagong sistema.

Paghahandog
PAGHAHANDOG
ni Greg Bituin Jr.
12 pantig
handog ko ang nilikha kong mga tula
sa kapwa tao, lalo't higit sa madla
handog sa maralita at manggagawa
sa kababaihan, bata't matatanda
pati na rin doon sa mga kawawa
sa mga maligaya at lumuluha
gayunman bahala kayong umunawa
kung kaybabaw man o kaylalim ng tula
nawa'y mabasa rin ng sunod na lahi
ang inihandog ko nang may tuwa't ngiti
huwag lang sanang tula ko'y maaglahi
huwag madagdagan at huwag mapawi
kaya't pagnilayan ninyong husay na rin
kung ano yaong tula'y ibig sabihin
pait at tamis nito'y pakanamnamin
at matatalos mo, nais iparating
kung ako'y malasin o kaya'y palarin
marami pang tula akong lilikhain
ngunit pag naglugmok, nawala sa piling
tula'y maiiwan at di malilibing
handog na sa madla, sa lahat sa atin
sa mga buhay pa't bagong sisilangin
kaya mga tulang ito'y di na akin
dahil mundo na ang dito'y mag-aangkin
ni Greg Bituin Jr.
12 pantig
handog ko ang nilikha kong mga tula
sa kapwa tao, lalo't higit sa madla
handog sa maralita at manggagawa
sa kababaihan, bata't matatanda
pati na rin doon sa mga kawawa
sa mga maligaya at lumuluha
gayunman bahala kayong umunawa
kung kaybabaw man o kaylalim ng tula
nawa'y mabasa rin ng sunod na lahi
ang inihandog ko nang may tuwa't ngiti
huwag lang sanang tula ko'y maaglahi
huwag madagdagan at huwag mapawi
kaya't pagnilayan ninyong husay na rin
kung ano yaong tula'y ibig sabihin
pait at tamis nito'y pakanamnamin
at matatalos mo, nais iparating
kung ako'y malasin o kaya'y palarin
marami pang tula akong lilikhain
ngunit pag naglugmok, nawala sa piling
tula'y maiiwan at di malilibing
handog na sa madla, sa lahat sa atin
sa mga buhay pa't bagong sisilangin
kaya mga tulang ito'y di na akin
dahil mundo na ang dito'y mag-aangkin
Kasabihan sa Gusto't Ayaw
KASABIHAN SA GUSTO'T AYAW
ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
dapat nating pakatandaan
ang palasak na kasabihan
na hinggil sa mga ugnayan
natin sa kapwa tao't bayan
na ang ginawang patakaran
ay nagpapatotoo lamang
ng tunay nilang kalikasan:
pag gusto, maraming paraan
pag ayaw, maraming dahilan.
ni Greg Bituin Jr.
9 pantig
dapat nating pakatandaan
ang palasak na kasabihan
na hinggil sa mga ugnayan
natin sa kapwa tao't bayan
na ang ginawang patakaran
ay nagpapatotoo lamang
ng tunay nilang kalikasan:
pag gusto, maraming paraan
pag ayaw, maraming dahilan.
Kami ang mga Tagapagmulat
KAMI ANG MGA TAGAPAGMULAT
ni Greg Bituin Jr.
(Isinulat bilang bahagi ng pag-uulat ng ikatlo sa limang grupo hinggil sa gawaing edukasyon at pamamahayag sa KKFI, Setyembre 30, 2008. Ang gawaing edukasyon at pamamahayag ay binubuo ng edukador, dokumentor at propagandista.)
Edukador
Kami ang mga edukador ng maralita
Tagapagturo ng adhikaing tama
Tagapagmulat tungo sa lipunang dakila
At pinatataas ang kamalayan ng dukha
Dokumentor
Kami'y saksi sa mga pagluha
Nang dinemolis na mga maralita
Nadurog ang aming puso't diwa
Sa mga karahasang ginawa
Patunay itong mga litrato
Pati na yaong kuhang video
Na aming isinadokumento
Sa kalapastanganan sa inyo.
Propagandista
Tawag sa amin ay propagandista
Nagmumulat tungo sa tamang linya
At ginawa'y dyaryo para sa masa
Pati polyeto ng mga dyarista
Nanawagang baguhin ang sistema
At kung ang maralita'y sama-sama
Lalong titibay ang pakikibaka
Dahil sa lakas ng pagkakaisa
Dalit ng Makatang Gutom
DALIT NG MAKATANG GUTOM
ni Greg Bituin Jr.
ako'y wala mang salapi
may tulang mababahagi
sa ating mga kalahi
hinggil sa tuwa ko't sawi
at laban sa mga imbi
ni Greg Bituin Jr.
ako'y wala mang salapi
may tulang mababahagi
sa ating mga kalahi
hinggil sa tuwa ko't sawi
at laban sa mga imbi
Ang Organisador Bilang Lider
Ang Organisador Bilang Lider
(nalikha sa isang pagsasanay sa KKFI, Setyembre 29, 2008)
ni Greg Bituin Jr.
ang isang community organizer
ay dapat maging mabuting lider.
di siya dapat commanding officer
na kung umasta'y siya ang super.
siya'y tumutulong na maging organisado
yaong samahan ng maralitang totoo
alam niyang ang mga kagalingang ito
ay dapat mula sa tao at para sa tao.

Linggo, Setyembre 28, 2008
Ako'y Paruparong Lungsod
AKO'Y PARUPARONG LUNGSOD
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig
Ako'y paruparong lungsod
Na sa baya'y naglilingkod
Ngunit mababa ang sahod
Kahit panay itong kayod.
Ako'y paruparong lungsod
Matindi raw kung humagod
Na malakas pa ang tuhod
Kayang lumundag sa bakod.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig
Ako'y paruparong lungsod
Na sa baya'y naglilingkod
Ngunit mababa ang sahod
Kahit panay itong kayod.
Ako'y paruparong lungsod
Matindi raw kung humagod
Na malakas pa ang tuhod
Kayang lumundag sa bakod.
Pagninilay sa Isang Relokasyon
PAGNINILAY SA ISANG RELOKASYON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Sa relokasyon, problema pa rin
pagkat tadtad dito ng bayarin
yaong lupa'y di mo pa maangkin
kaya't para kang sising alipin.
Inilayo na sa hanapbuhay
at bibigyan daw ng bagong bahay
na di mo pa rin maangking tunay
kaya't di ka pa rin mapalagay.
Relokasyon nga ba itong lunas
sa pinapangarap nating bukas?
kaya ba ang bayaring kaytaas
o baka bigla pang mapalayas?
Tayo'y dinurog ng demolisyon
pati pa rin ba sa relokasyon?
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Sa relokasyon, problema pa rin
pagkat tadtad dito ng bayarin
yaong lupa'y di mo pa maangkin
kaya't para kang sising alipin.
Inilayo na sa hanapbuhay
at bibigyan daw ng bagong bahay
na di mo pa rin maangking tunay
kaya't di ka pa rin mapalagay.
Relokasyon nga ba itong lunas
sa pinapangarap nating bukas?
kaya ba ang bayaring kaytaas
o baka bigla pang mapalayas?
Tayo'y dinurog ng demolisyon
pati pa rin ba sa relokasyon?
Mga Pulitikong Pako
MGA PULITIKONG PAKO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Tayo ba'y makikihalubilo
Sa mga pulitikong hunyango
Na ang laging panata sa tao
Ay pangakong laging napapako.
Nais lamang nila'y ating boto
Silang pulitikong asal-tuko
Sila'y talagang mga bolero
Na kayhahaba ng mga nguso
Ganyang tao'y dapat lang matalo
Kaysa sa bayan ay maging sugo
Itong baya'y ginawang negosyo
Nais sa bayan ay pawang tubo.
Tandaang hindi dapat manalo
Itong mga pulitikong pako.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Tayo ba'y makikihalubilo
Sa mga pulitikong hunyango
Na ang laging panata sa tao
Ay pangakong laging napapako.
Nais lamang nila'y ating boto
Silang pulitikong asal-tuko
Sila'y talagang mga bolero
Na kayhahaba ng mga nguso
Ganyang tao'y dapat lang matalo
Kaysa sa bayan ay maging sugo
Itong baya'y ginawang negosyo
Nais sa bayan ay pawang tubo.
Tandaang hindi dapat manalo
Itong mga pulitikong pako.
Dalit sa Nawalan ng Trabaho
DALIT SA NAWALAN NG TRABAHO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Suot ko'y kayraming bulsa
wala namang lamang pera
pagkat ako'y natanggal na
sa pinasukang pabrika.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Suot ko'y kayraming bulsa
wala namang lamang pera
pagkat ako'y natanggal na
sa pinasukang pabrika.
Tanaga sa Pulubing Musmos
TANAGA SA PULUBING MUSMOS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kayrami nilang musmos
sasampa sa dyip at bus
Doon magpapalimos
Nang sila'y may panggastos.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
Kayrami nilang musmos
sasampa sa dyip at bus
Doon magpapalimos
Nang sila'y may panggastos.
Soneto Sa May Anghit
SONETO SA MAY ANGHIT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig
Pag ikaw'y may anghit
Walang lumalapit
Para kang kagalit
Ng maraming paslit.
Pag ikaw'y may anghit
Ikaw'y manliliit
Di makapangulit
Ngipi'y magngangalit.
Pag ikaw'y may anghit
Laging nilalait
Wala ka raw bait
Di makabunghalit.
Huwag nang humirit
Nang di mamilipit.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
6 pantig
Pag ikaw'y may anghit
Walang lumalapit
Para kang kagalit
Ng maraming paslit.
Pag ikaw'y may anghit
Ikaw'y manliliit
Di makapangulit
Ngipi'y magngangalit.
Pag ikaw'y may anghit
Laging nilalait
Wala ka raw bait
Di makabunghalit.
Huwag nang humirit
Nang di mamilipit.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)