TULA SA BASURA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
mga plastik na trapo
walang lamang botelya
mga basag na baso
nadurog na plorera
ang kalat ay kayrami
tinapon ang madumi
pagkat wala raw silbi
tulad ng pobreng api
kayraming mga kalat
bulok na prutas, balat
tila ba di masukat
kung ilang kilo lahat
sa lungsod na'y nauso
ang tadtad na basura
kalat doon at dito
ang ginawa ng masa
lugar nati'y linisin
sapagkat ito'y atin
upang di ka bumahin
sa kagagawan mo rin
2 komento:
Pwedi ko po pang gamitin ang tula niyo? Need ko lang po kasi for my fil. Subject.
Okay po. Pwedeng-pwede po.
Pasensya na sa late reply. Ngayon lang nakita.
Mag-post ng isang Komento