patakaran ko sa buhay, di ako mangungutang
sapagkat batid kong di ko ito mababayaran
aba'y mas mabuti pang ako'y mamatay na lamang
kaysa naman mangutang akong di mababayaran
di ako mangungutang, paraan ang gagawin ko
upang malutas ang mga problemang sangkot ako
huwag lang mangutang, aba'y ibabayad ko'y ano?
buti pang magsikhay at mag-ipon kahit magkano
di ako uutang, prinsipyo iyong dapat tupdin
wala akong pambayad, iyan ang iyong isipin
mamatay na 'ko sa gutom, mangutang ay di pa rin
baka buhay na'y ipambayad ko't maging alipin
sa harap ng pinagkakautangan, ako'y dungo
di ako mangungutang, prinsipyong tagos sa puso
sanay na akong magutom, magdusa't masiphayo
huwag lang sa mga utang ako'y mapapasubo
- gregbituinjr
Miyerkules, Agosto 21, 2019
Martes, Agosto 20, 2019
Tanaga sa Paglisan
TANAGA SA PAGLISAN
namatay ang katawan
subalit di ang diwa
ang pamana’y nariyan
naiiwan sa madla
umaalis ang tao
upang magtungo roon
sa iba pang mundo
upang doon umahon
maraming magigiting
ay nagiging bayani
marami naming praning
ay nagpasyang magbigti
anong dapat gawin
upang tupdin ang misyon
iyo munang suriin
kung wasto ba ang layon
lilisan din ang lahat
sa ibabaw ng lupa
aking pasasalamat
sa kapwa manggagawa
marami man ang gusot
ito’y mapaplantsa rin
huwag kang sumimangot
minsan, ngumiti ka rin
ang bilin ay asahan
at gawin nang maigi
ating kapaligiran
alagaang mabuti
salamat po sa inyo
tuloy ang paglilingkod
pagandahin ang mundo
at ating itaguyod
- gregbituinjr.
* Nalathala ang tulang ito sa pahayagang Diwang Lunti, isyu ng Agosto 2019, pahina 20
Pahimakas kay Ms. Gina Lopez
PAHIMAKAS KAY MS. GINA LOPEZ
Ms. Gina Lopez, marangal, palaban, maginoo
makakalikasan, aktibista para sa mundo
tagapagtaguyod din ng karapatang pantao
sa D.E.N.R. nga, pagsisilbi niya'y totoo
mga mamumutol ng puno ang sinagasaan
pati sumisira ng kagubata't karagatan
ang kapakanan ng katutubo'y ipinaglaban
nag-atas na ipasara ang maraming minahan
tulad ni Francisco ng Assisi'y kanya ring batid
araw, hangin, tubig, lupa'y kanyang mga kapatid
kinalaban ang mga mapagsamantala't ganid
kalabang pulos pera ang isip ay nauumid
siya ang malaking hipong sumalunga sa agos
siya ang dragong pumuntirya sa nambubusabos
siya ang agilang kalikasa'y pilit inayos
siya ang anghel sa mga kalupaang nilapnos
Ms. Gina, minero'y natuwa sa 'yong pagkawalay
ngunit kaming narito'y taas-noong nagpupugay
pamana mo'y mga halimbawa't prinsipyong taglay
sa buong bansa, ngalan mo'y nagniningning na tunay

Lunes, Agosto 19, 2019
Kubeta'y tiyaking malinis tulad ng kunsensya
KUBETA'Y TIYAKING MALINIS TULAD NG KUNSENSYA
alam na nila kung saan ako hahagilapin
pag ako'y nagtago, sa kubeta ako darakpin
habang libog na libog sa pinapantasyang birhen
habang nagtitikol, at tae'y lalambi-lambitin
ang kubeta ko sa barung-barong ay pahingahan
madalas, doon sinasalsal ang nasa isipin
doon ko rin nakakatha ang mga kasawian
mga hirap ko't danas, pati kritik sa lipunan
kubeta'y santuwaryo ko upang makapag-isip
doon tinatahi ang dinikta ng panaginip
minsan, sa kubeta, may pag-asa kang masisilip
may inspirasyong sa diwa mo'y kaysarap malirip
kubeta'y tiyaking malinis tulad ng kunsensya
nang maging payapa ang diwa't wasto ang pasiya
upang susunod na gagamit ay mahahalina
aalis sila roong may ginhawang nadarama

Ang kubeta ang aking santuwaryo
ANG KUBETA ANG AKING SANTUWARYO
ang kubeta ang aking santuwaryo, o kanlungan
mula sa karahasan ng buhay, silid-nilayan
kanlungan, aking taguan, siya ring pahingahan
doon ko rin kinakatha ang laman ng isipan
anong sarap pag kubeta ang iyong santuwaryo
doon ay para kang batang hubo't hubad sa mundo
anumang iyong gawin, ramdam mong normal kang tao
naliligo, tumatae, nagbabate ka rito
nagugustuhan ko nang santuwaryo ang kubeta
at sa paglabas mo, pulos dahas ang makikita
para bagang buhay ng isang tao'y barya-barya
parang tsuper, natatae'y busina ng busina
sa loob ng kubeta'y payapa ang puso't isip
pagiging totoong tao ba'y isang panaginip?
huwag lang may kumatok, akala ikaw'y umidlip
sunod na gagamit, may pangarap ding halukipkip

Linggo, Agosto 18, 2019
Adhika
ADHIKA
tutong sa ilalim, hilaw sa ibabaw, ganyan ba
ang nais nilang mangyari sa tadhana ng masa
dapat kapangyarihan ng bayan, di ng burgesya
kumilos upang baguhin ang bulok na sistema
at proletaryadong adhika'y tiyaking imarka
- gregbituinjr.
* Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, ang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 16-31, 2019, p. 20
Bakit kaytagal ko raw sa kubeta?
BAKIT KAYTAGAL KO RAW SA KUBETA?
tanong niya, bakit kaytagal ko raw sa kubeta
oo, kaytagal ko't higit isang oras na pala
doon kasi, ako'y tao kahit pansamantala
nagagawa ang maibigan, kahit magpantasya
mula sa kubeta, pag ikaw na'y agad lumabas
ang katotohanan na ng buhay ang mawawatas
maririnig mo na'y dahas at kayraming inutas
sa pamahalaan ay may tiwali't mandurugas
gayunpaman, sa kubeta'y kayrami kong nakatha
kahit walang tissue paper, naroong tumutula
habang gamit ang tabo, dumudumi'y may nalikha
mabaho man, kaysarap ilabas, O, aking mutya
bakit matagal sa kubeta'y huwag nang tanungin
itong mga katha ko na lang ang iyong basahin
tiyak nilikha ko'y anong bango pag sasamyuin
maging pinanghugas kong kamay ay iyong pisilin

Sabado, Agosto 17, 2019
Ipagtanggol ang Wikang Filipino
IPAGTANGGOL ANG WIKANG FILIPINO
tuwing buwan ng Agosto
inaalala ng tao
itong wikang Filipino
pagkat wika natin ito
mahalaga ang wika
lalo’t wika nating dukha
dito nagkakaunawa
magkababayan at madla
wikang ito'y ipagtanggol
laban sa maraming ulol
putik nilang kinulapol
sa ating wika'y di ukol
wikang ito raw ay bakya
pagkat salita ng dukha
tayo ba'y kinakawawa
ng gagong astang dakila
wika nati’y ipaglaban
laban sa gago’t haragan
ito ang wika ng bayan
na dapat nating ingatan
sinuman ang maninira
tatawagin itong bakya
sila’y talagang kuhila
taksil sa sariling wika
wikang Filipino’y atin
wikang sarili’y linangin
atin itong paunlarin
at lagi nating gamitin
manggagawa, maralita
pagpalain nyo ang wika
kayong kasangga ng madla
upang umunlad ang bansa
- gregbituinjr.
* nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, publikasyon ng KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod), isyu ng Agosto 16-31, 2019, p. 20

Bukas na Liham sa mga Pilipino sa sining - salin ng tula ni Eman Lacaba
MGA BUKAS NA LIHAM PARA SA MGA PILIPINO SA SINING
Emmanuel Lacaba
Malayang salin ni Gregorio V. Bituin Jr.
Dapat ding matutunan ng isang makata
kung paano pamunuan ang isang pagsalakay.
~ Ho Chi Minh
Hindi nakikita ng mga estranghero ang mga ruta ng bundok:
Para sa mga nagmamadaling daliri ng paa, isang pulgadang lapad na guhit sa mga malalaking bato
At para sa kamay na malaya, tatanganan ang isang maliit na sanga,
O kung hindi'y tuluyan tayong mahuhulog sa ilalim ng mga batuhan
At mga busay ng kamatayan nang napakabilis na
Sa malao't madali'y iyon ay pupula sa mga bungo ng kalabaw.
Ngunit ang mga matiyagang gabay at guro ang siyang taumbayan:
Ng apatnapung bundok at isangdaang ilog;
Ng pag-aararo, pagtatanim, pag-aalis ng damo, at pag-aani;
At ng isang dosenang diyalektong nagpapaliit
Sa wikang banyagang ating pinagsusulatang
Dapat lumampas sa ating burgis na pinagmulan.
Timog Cotabato
Mayo 1, 1975
II
Nais ninyong mabatid, mga kasama ng aking kabataan
Gaano kalaki ang ipinagbago ng ilahas subalit mahiyaing batang makata
Na laging kumakatha ng huling tula matapos ng huling tula;
Maririnig mo siyang maitim na parang lupa, nakayapak,
May tubaw sa kanyang ulo, isang gulok sa kanyang tagiliran,
Ang kanyang pluma'y pinasabog na parang isang mahabang baril:
Anong lalim pa ng nagpupumiglas na pagbabago sa loob.
Parang mga bao ng niyog na kanyang pinupunit
Ang bilyong patong ng kanyang pagkamakasarili.
O natututong ipiit ang kanyang pananabik na parang ibon
Ng alamat, apoy, at awit sa kanyang dibdib.
Na nagbunga ng kanyang anemya
Dahil sa kakulangan ng tulog: hindi na para sa Bohemia,
Ang mga kulturang lumpen, kundi para sa sambayanan, oo.
Naghahalo siya ng mga metapora ngunit mas pinahahalagahan
Ang holograpiko't heyometrikong gunita
Para sa mga kabundukan: hindi dahil naroon ang mga ito
Kundi dahil naroon ang sambayanan kung saan
Ang mga ruta ay mga palaisipang dapat niyang pagdugtungin.
Bagama't itinuring siyang kayumangging Rimbaud,
Hindi siya tulisan kundi mandirigma ng bayan.
South Cotabato at Davao del Norte
Nobyembre 1975
III
Wala tayong tribo at lahat ng tribo ay atin.
Wala tayong tirahan at lahat ng tahanan ay atin.
Wala tayong pangalan at lahat ng pangalan ay atin.
Para sa mga pasista, tayo ang walang mukhang kaaway
Na dumarating na parang magnanakaw sa gabi, mga anghel ng kamatayan:
Ang patuloy na gumagalaw, nagniningning, at lihim na mata ng unos.
Tinahak natin ang daang hindi gaanong dinaraanan-
At iyon ang lumikha ng lahat ng pagkakaiba:
Ang hukbong nakayapak sa ilang
Dapat tayong nasa tamang oras. Nagising, ang sambayanan ay Tagapagligtas.
Dito sa piling ng mga manggagawa at magsasaka, natagpuan natin ang ating nawawalang
Henerasyon ay natagpuan ang tunay, ang tanging tahanan nito.
Davao del Norte
Enero 1976
* waterfalls - busay sa Bisaya, upang pag-ibahin sa talon ng Tagalog, na dalawa ang kahulugan, waterfalls at jump
OPEN LETTERS TO THE FILIPINO ARTISTS
Emmanuel Lacaba
A poet must also learn
how to lead an attack.
~ Ho Chi Minh
I.
Invisible the mountain routes to strangers:
For rushing toes an inch-wide strip on boulders
And for the hand that's free a twig to grasp,
Or else we headlong fall below to rocks
And waterfalls of death so instant that
Too soon they're red with skulls of carabaos.
But patient guides and teachers are the masses:
Of forty mountains and a hundred rivers;
Of plowing, planting, weeding, and the harvest;
And of a dozen dialects that dwarf
This foreign tongue we write each other in
Who must transcend our bourgeois origins.
South Cotabato
May 1, 1975
II
You want to know, companions of my youth
How much has changed the wild but shy young poet
Forever writing last poem after last poem;
You hear he's dark as earth, barefoot,
A turban round his head, a bolo at his side,
His ballpen blown up to a long-barreled gun:
Deeper still the struggling change inside.
Like husks of coconut he tears away
The billion layers of his selfishness.
Or learns to cage his longing like the bird
Of legend, fire, and song within his chest.
Now of consequence is his anemia
From lack of sleep: no longer for Bohemia,
The lumpen culturati, but for the people, yes.
He mixes metaphors but values more
A holographic and geometric memory
For mountains: not because they are there
But because the masses are there where
Routes are jigsaw puzzles he must piece together.
Though he has been called a brown Rimbaud,
He is no bandit but a people's warrior.
South Cotabato and Davao del Norte
November 1975
III
We are tribeless and all tribes are ours.
We are homeless and all homes are ours.
We are nameless and all names are ours.
To the fascists we are the faceless enemy
Who come like thieves in the night, angels of death:
The ever moving, shining, secret eye of the storm.
The road less traveled by we've taken-
And that has made all the difference:
The barefoot army of the wilderness
We all should be in time. Awakened, the masses are Messiah.
Here among workers and peasants our lost
Generation has found its true, its only home.
Davao del Norte
January 1976
Sa ika-25 taon sa P
SA IKA-25 TAON SA P
(Agosto 17, 2019)
sang-ayon ako sa landas na bihirang tahakin
kaya sinuong iyon, may panganib mang harapin
niyakap ang pagpupultaym anuman ang lasapin
upang ipalaganap ang niyakap na layunin
mula publikasyon ng pinasukang pamantasan
ay nagsulat din sa pangmanggagawang pahayagan
dukha'y inorganisa, inaral din ang lipunan
patuloy na sumusuporta sa mga aklasan
sumumpang lalabanan ang kapitalistang ganid
dudurugin ang sistemang kabulukan ang hatid
ideyolohiya ng manggagawa'y ipabatid
ipagtatanggol ang mga sosyalistang kapatid
kaya sa ikadalawampu't limang taon dito
mula nang sa banderang pula'y sumumpang totoo
naririto pa rin kasama ang uring obrero
nagsasanay, kumikilos para sa sosyalismo

Biyernes, Agosto 16, 2019
Ang unlaping ika___ o ika-___
ANG UNLAPING IKA___ O IKA-___
di lahat ng "ika" ay may gitling kang ilalagay
lalo't numero'y pasalita, di simbolong taglay
tulad ng ikaapat o ng ikapitong tunay
mahirap ang "ika", "ika", di ka dapat sumablay
ikalima, ikaanim o kaya'y ikasampu
ikawalo, ikasiyam, o ikadalawampu
ngunit may gitling ang ika-4 at ika-10
may gitling ang ika-6 at ika-20
pagkat "ika" ay panlapi, dinurugtong sa bilang
karugtong ng salitang ugat sa bawat pangngalan
pag pulos titik walang gitling, pag numero'y lagyan
ito'y patakaran nang tayo'y magkaunawaan
- gregbituinjr.
* Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, ang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 16-31, 2019, p. 20
Huwebes, Agosto 15, 2019
Ang unlaping taga___ o taga-___
ANG UNLAPING TAGA___ O TAGA-___
di lahat ng "taga" ay dapat gamitan ng gitling
tulad ng tagalaba, tagaluto't tagasaing
unawain anong tama upang di ka maduling
sa pagsusulat man, isulat nang tama't may lambing
lagyan lamang ng gitling kung ang karugtong ay lunan
pag pangngalang pantangi, gitling ay laging tandaan
halimbawa'y taga-Baclaran o taga-Pandacan
subalit walang gitling ang pangngalang karaniwan
ikaw ba'y taga-Maynila o taga-Marinduque
ikaw ba'y taga-Iloilo o taga-Cavite
ikaw ba'y taga-Avenida o taga-Mabini
ikaw ba'y tagawalis, tagalinis, tagabili
tagahanga ba kita sa maaksyon kong palabas
taga-Mindanao ka ba o diyan lang sa Batangas
aba'y gitling ay gamitin natin ng wasto't wagas
upang di malito't yaong binabasa'y mawatas
- gregbituinjr.
* Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, ang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 16-31, 2019, p. 20
Miyerkules, Agosto 14, 2019
Nagrambulan dahil sa kulangot
kapansin-pansin ang balita sa Abante Tonite
nasa headline pa, lalo na't may dating ang pamagat
mga dayo'y nagrambulan nang dahil sa kulangot
ito nga ba'y nakakatawa o nakakatakot?
pinahiran ng kulangot ang Hapon sa comfort room
ng isa sa suspek na Taiwanes na nakainom
hanggang sa magkasagutan sa loob ng kubeta
at sa paglabas, aba, sila'y nagkarambulan na
nagkabatuhan ng bote dahil isa'y nambastos
tila ba sa disiplina sila'y wala sa ayos
ayon sa balita, ito'y naganap sa Maynila
sa isang bar sa Ermita, dayo'y nagkasagupa
parak ay dumating at agad na pinagdadampot
silang mga nagpang-abot nang dahil sa kulangot
- gregbituinjr.
* batay sa isang ulat sa Abante Tonite, Agosto 13, 2019

Tiyuhing ulupong
ulupong pala ang tiyuhin ng isang babae
na tumuklaw sa puri ng nasabing binibini
karumal-dumal ang balitang ito't insidente
niluray, pinaslang ang gagradweyt na estudyante
sa likod ng iskul, ang bangkay niya'y natagpuan
tiyuhin niya'y isa sa gumahasa't pumaslang
mabuti't nasumbong pa sa liham ang kaganapan
sa liham sa ina'y sumabog ang katotohanan
tiyuhin niya't apat pa nitong kasama'y suspek
mga walang budhing pwersahan siyang itinalik
pinagpasasaan ng mga walang awang lintik
ngunit sa huli, pati mata niya'y itinirik
salamat sa liham na nagbulgar sa krimen nila
na di napadala ng dilag sa mahal na ina
hustisya sa ginahasa't pinaslang na dalaga!
bulukin sa piitan ang nagmalupit sa kanya
- gregbituinjr.
* ang tula'y binatay sa headline sa pahayagang Bulgar, Agosto 13, 2019, na may pamagat na "Graduating student ni-rape ng 5, pinatay sa likod ng iskul" at may maliit na dugtong na "Nakagawa ng sulat, uncle itinuro"
Para sa mga inakay
patuloy ang lawin sa paglipad sa kalawakan
at nag-aabang ng madadagit sa kaparangan
bunsod ba iyon ng nadarama n'yang kagutuman?
o marahil iyon kasi ang kanyang kalikasan?
nakatingala yaong inahin sa kalangitan
magsungit kaya ang panahon, babagyo, uulan?
o baka kasi may lawing dapat silang iwasan?
upang kanyang mga inakay ay maprotektahan
pinaaalpas ng nag-aalaga ang inahin
upang ito'y makahanap naman ng makakain
para sa mga inakay nitong aalagain
nasa isip lagi'y anak nang ito'y di gutumin
tulad ng tao, may pamilya rin ang mga hayop
at sa pagbuo nito, bawat isa'y kinukupkop
ng ama o inang sa iba'y di nagpapasakop
titiyaking may sabaw nang anak ay makahigop

Martes, Agosto 13, 2019
Pagpupugay kay Ka Fidel Castro
PAGPUPUGAY KAY KA FIDEL CASTRO
(Agosto 13, 1926 - Nobyembre 25, 2016)
O, Ka Fidel, tagumpay n'yo'y tunay na inspirasyon
sa tulad naming naghahangad din ng rebolusyon
naipanalo n'yo'y kasaysayan na ng kahapon
na mapaghahalawan ng mabuting aral ngayon
nabigo man kayo sa pagsalakay sa Moncada
iyon na ang senyales upang mamulat ang masa
dinakip kayo't kinulong ng rehimeng Batista
lumaya dahil sa matagumpay mong pagdepensa
di nagtagumpay ang U.S. sa anumang blokeyo
kahit limang dekadang blokeyo'y nabuhay kayo!
Cuba'y di napayuko ng mga Amerikano
ang Cuba'y matatag sa harap ng kalaban nito!
di natibag ng Kano ang pamumuno ni Fidel
sa higit limang dekada, ang Cuba'y di napigil
sosyalistang sistema'y patuloy, di tumitigil
taas-kamaong pagpupugay kay kasamang Fidel
- gregbituinjr.
* kinatha ang tula sa panayam-talakayan na "Celebrating Moncada, Remembering Fidel" ng Philippines-Cuba Cultural and Friendship Association (PhilCuba), Agosto 13, 2019, na ginanap sa LEARN Workers House, Delgado St., Quezon City
Lunes, Agosto 12, 2019
Upos ng yosi'y gawing yosibrik
Kaya mo bang mag-ipon ng mga upos ng yosi?
Kahit di ka nagyoyosi, nais mo lang magsilbi.
Tapon dito, tapos doon kasi ang nangyayari
hanggang sa upos ay maglipana sa tabi-tabi.
Nagyoyosi'y dapat organisadong nagtatapon
ng hinitit nilang yosi upang ito'y matipon.
Upos ng yosi'y mga basurang dapat mabaon
sa lupa, marahil kalutasang ito ang tugon.
Ang upos ay di dapat palutang-lutang sa dagat.
Gawin itong yosibrik nang tao'y ating mamulat
kaysa naman basurang upos ay pakalat-kalat.
Tayo'y mag-yosibrik, gawain mang ito'y kaybigat.
Sa boteng plastik, mga upos ng yosi'y isiksik
hanggang sa tumigas na parang bato ang yosibrik!

Lamparaw
LAMPARAW
kung walang kuryente'y gamitin natin ang lamparaw
o solar lamp sa Ingles, lamparang gamit ay araw
dapat paghandaan anumang sakunang dumalaw
harapin natin kahit ang nagbabagong pananaw
sa Asya, pangalawa tayong mahal ang kuryente
mabuting magpalit na't mag-renewable energy
alagaan ang kalikasan, sa bayan magsilbi
murang kuryente na ang hangad ng nakararami
isa lang itong lamparaw sa ating magagamit
na malaking maitutulong sa panahong gipit
may ilawan ka na sa gabing madilim ang langit
saanman magpunta'y madali mo itong mabitbit
magkaroon ng lamparaw ay ating pag-ipunan
nang sa oras ng kagipitan ay may kahandaan

Linggo, Agosto 11, 2019
Ang payo ng matatandang tibak
halina't pag-aralan natin ang lipunan
payo ito ng maraming matandang tibak
aralin bakit may mahirap, may mayaman
bakit kayraming gumagapang sa lusak
halina't pag-aralan din ang kalikasan
bakit tumataas na ang sukat ng dagat
bakit nagbabagong klima'y di mamalayan
bakit sa nangyayaring ito'y di pa mulat
ang unang tungkulin ng tibak ay matuto
pag-aralan ang kapaligiran, magsuri
ang bawat tibak muna'y maging edukado
sapagkat sila ang magtatanim ng binhi
binhi ng pagbabago tungong sosyalismo
pati pagpawi ng pribadong pag-aari
na siyang sanhi ng paghihirap ng tao
halina't organisahin ang ating uri
organisahin na ang manggagawa't dukha
upang ang bawat isa'y nagkakapitbisig
uring manggagawa, hukbong mapagpalaya
magkaisa upang baguhin ang daigdig
- gregbituinjr.
payo ito ng maraming matandang tibak
aralin bakit may mahirap, may mayaman
bakit kayraming gumagapang sa lusak
halina't pag-aralan din ang kalikasan
bakit tumataas na ang sukat ng dagat
bakit nagbabagong klima'y di mamalayan
bakit sa nangyayaring ito'y di pa mulat
ang unang tungkulin ng tibak ay matuto
pag-aralan ang kapaligiran, magsuri
ang bawat tibak muna'y maging edukado
sapagkat sila ang magtatanim ng binhi
binhi ng pagbabago tungong sosyalismo
pati pagpawi ng pribadong pag-aari
na siyang sanhi ng paghihirap ng tao
halina't organisahin ang ating uri
organisahin na ang manggagawa't dukha
upang ang bawat isa'y nagkakapitbisig
uring manggagawa, hukbong mapagpalaya
magkaisa upang baguhin ang daigdig
- gregbituinjr.
Sabado, Agosto 10, 2019
Ang upos at kabulukan, ayon sa isang paham
ANG UPOS AT KABULUKAN, AYON SA ISANG PAHAM
paano ba tumira sa dagat ng upos?
tiyak ang pamumuhay mo'y kalunos-lunos
papatianod na lang ba tayo sa agos?
at mabubuhay sa mundong parang busabos?
pangatlo ang upos sa basura sa dagat
at sa upos, isda't balyena'y nabubundat
bakit basurang upos ay ikinakalat?
ng mga walang awang kung saan nagbuhat
minsan, dagat ng basura'y ating lingunin
kaya ba nating linisin ang dagat natin?
kung hindi'y paano ang wasto nating gawin?
upang isda, upos na ito'y di makain
noon, sa aplaya'y nakatitig ang paham
at kanyang nausal habang mata'y malamlam:
"Bulok ang mga taong walang pakialam.
Subalit mas bulok ang walang pakiramdam."

Biyernes, Agosto 9, 2019
Huwag itayo ang Kaliwa Dam!
HUWAG ITAYO ANG KALIWA DAM!
Daigdigang Araw ng mga Katutubo ngayon
at ang pamahalaa'y ating ngayong hinahamon:
kumilos na para sa susunod na henerasyon
itigil ang Kaliwa Dam, tuluyan nang ibaon!
ang paggawa ng dam ay planong pondohan ng Tsina
di naman gobyerno ang magbabayad kundi masa
sa katutubo't taas-kamaong nakikiisa
kaming narito'y kasama n'yo sa pakikibaka
aba'y papayag pa ba tayong mabaon sa utang
bansa'y baon na sa utang, mababaon na naman
bakit ba gigil na gigil silang itayo ang dam
damuho silang sa buhay ay walang pakialam
mga kapatid na katutubo'y nangangalaga
sa kanilang lupaing ninuno'y nag-aaruga
kalikasan ay buhay, di dapat mapariwara
huwag itayo ang dam, sa kanila ito'y sumpa
- gregbituinjr.
* Nilikha ang tula at binasa sa rali sa harap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa Visayas Ave., QC, umaga ng Agosto 9, 2019, kasabay ng paggunita sa International Day of the World's Indigenous People. Kasama sa pagkilos ang mga grupong Stop Kaliwa Dam Network, Save Sierra Madre Network Alliance, ALMA DAM, SUKATAN, SAGIBIN, PAKISAMA, Freedom from Debt Coalition (FDC), Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ), CEED, Alyansa Tigil Mina (ATM), LILAK, Piglas Kababaihan, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), Haribon Foundation, atbp.
Huwebes, Agosto 8, 2019
Kung ako'y malalayo sa kilusang masa
kung ako'y malalayo sa kilusang masa
ang mararamdaman ko'y di na ako tao
lalo na't ako'y magtatatlong dekada na
bilang aktibistang may dangal at prinsipyo
ang tulad ko'y sagad-sagaring aktibista
tinatanganan ang karapatang pantao
lumalaban sa tuso't mapagsamantala
kalaban ng mapang-api't mapang-abuso
sa mga manggagawa'y nakipagkaisa
upang mapalitan na ang kapitalismo
uring manggagawa'y ating mga kasangga
sa pangwawasak sa pag-aaring pribado
dapat mga manggagawa'y maorganisa
at matayo ang sarili nilang gobyerno
sa pagtindig nila'y sasamahan ko sila
upang itatag ang sistemang sosyalismo

Miyerkules, Agosto 7, 2019
Tibuyô
TIBUYÔ
Mayroong pagpapahalaga sa kinabukasan
Ito ang naiisip ng ama sa mga anak
Kaya binigyan ng tig-isang tibuyong kawayan
Upang samutsaring barya'y doon nila ilagak.
Iyon marahil ang lunas sa kakapusan nila
Habang pinapangarap ang buhay na maginhawa.
Dapat mag-ipon, magsikap sa kabila ng dusa
Upang sa hinaharap, tuwa'y papalit sa luha.
At malaking hamon ang pag-iipon sa tibuyô
Papiso-piso muna, limang piso, sampung piso.
At ang paniwala ng magkapatid ay nabuô
Maliit, lalago, tulad ng ambong naging bagyo.
Tibuyo'y pupunuin ng pagsuyo't pagsisikap
Upang balang araw, maabot nila ang pangarap.
- gregbituinjr.
*TIBUYÔ - tagalog (Batangas) sa salitang Kastilang 'alkansya'
* Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, ang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 1-15, 2019, p. 20

Halina't makibaka, huwag matakot sa ulan
umuulan na naman, habang sa rali'y papunta
mabuti na lang, may sumbrero't dyaket akong dala
dahil sa komitment at isyu'y kasama ng masa
kahit na umuulan, tuloy sa pakikibaka
sumuong man sa ulan, patuloy kami sa rali
upang dalhin sa kinauukulan ang mensahe
dapat pababain nila ang presyo ng kuryente
dapat maging polisiya'y renewable energy
may mahal na kuryente sa Asya'y pangalwa tayo
mula pa planta ng coal ang mga kuryenteng ito
napakaruming kuryente, kaytaas pa ng presyo
aba'y mag-renewable energy na dapat tayo
halina't makibaka, huwag matakot sa ulan
at patuloy nating paglingkuran ang sambayanan
- gregbituinjr.
* Nilikha ang tulang ito habang papunta ng rali sa Department of Energy (DOE) sa Bonifacio Global City (BGC), Agosto 7, 2019. Kasama sa pagkilos na ito ang mga grupong Power for People Coalition (P4P), Sanlakas, Metro Manila Vendors Alliance (MMVA), Center for Ecology, Environment and Development (CEED), Piglas-Kababaihan, Oriang, Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), at Philippine Movement for Climate Justice (PMCJ).
Kumilos ka, dukha
KUMILOS KA, DUKHA
dukha'y mahirap na nga
ay patunga-tunganga
kumilos ka na, dukha
bago mapariwara
halina't magsibangon
bansang ito'y iahon
ang tikatik na ambon
baka unos paglaon
ang dukha'y naging sawi
dahil sa hari, pari
at elitistang uri
silang kamuhi-muhi
ang pari pag nangusap
mapalad ang mahirap
huwag ka nang magsikap
may langit kang pangarap
kaya may hari dahil
diyus-diyusang sutil
sa lupa kunwa'y anghel
ngunit sa masa'y taksil
kunwa'y may dugong bughaw
silang mga bakulaw
na sa mundong ibabaw
ay naghaharing bangaw
may iba silang mundo
daigdig ng hunyango
pulos pera't maluho
at budhi'y mababaho
burgesyang talusaling
ang sa mundo'y umangkin
mga dukha'y alipin
sa sariling lupain
dahil may panginoon
kayraming panginoon
dapat ibagsak iyon
at bayan ay ibangon
dukha, mag-aklas ka na
ibagsak ang burgesya
tayo'y maghimagsik na
baguhin ang sistema
- gregbituinjr.
* nalathala sa pahayagang Taliba ng Maralita, publikasyon ng KPML (Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod), isyu ng Agosto 1-15, 2019, p. 20

Martes, Agosto 6, 2019
Soneto sa charger
SONETO SA CHARGER
"Bumili ka ng sarili mong charger," ang payo ko
sa isang kasamang pulos panghihiram ang bisyo
sabagay, wala ring pera ang pultaym na tulad ko
pakikisama na lang, huwag lang maaabuso
kaysa manghiram, mabuti nang may sariling gamit
dahil may charger kang sarili'y di na mangungulit
kung may sariling charger, di ka na mangangalabit
sa mga tawag at text, ulo'y di na mag-iinit
sadyang kayhirap naman kung malolobat ang selpon
baka maraming kumokontak sa umaga't hapon
pag walang lod, pag lobat, di ka agad makatugon
kaya sa pambili ng charger, dapat kang mag-ipon
kung kailangan mo ng charger, bumili ka naman
huwag kang umasang lagi kang may mahihiraman

Lunes, Agosto 5, 2019
Palaban ang aktibista
PALABAN ANG AKTIBISTA
“Kaysa isang katawang malaya na may kaluluwang alipin, ibig ko pa ng isang katawang busabos na may kaluluwang malaya.” – Lázaro Francisco (1898-1980)
palaban tulad ni Spartacus ang aktibista
nagsasakripisyo man, tuloy sa pakikibaka
kaysa obrerong di mulat sa loob ng pabrika
na para sa sweldo'y alipin ng kapitalista
may mukhang malaya ngunit diwa pala'y alipin
di maisip na nambubusabos ay palayasin
may kayod-kalabaw subalit nagsusuri na rin
kung paanong bayang sawi'y kanilang palayain
tinatahak ng aktibista'y bihirang daanan
pagkat pagbabagong mithi'y madawag na larangan
pagkat pakikibaka'y masalimuot na daan
pagkat ang tinatahak ay maputik na lansangan
di dapat maging alipin ang isip, puso't gawa
kundi makibaka tayo patungo sa paglaya

Linggo, Agosto 4, 2019
Huwag kang mandaya
“I would prefer even to fail with honor than win by cheating.” ~ Sophocles
parating muli ang pagsusulit sa paaralan
parating muli ang halalan at magbobotohan
upang makapasa'y mandadaya't magkokopyahan
upang manalo ang manok, mandaraya na naman
gagawa ng paraan upang sila'y makapasa
imbes na magsunog ng kilay o magrebyu sila
katabi'y kakalabitin upang makapangopya
o nakasulat na sa munting papel ang pormula
maliit lang ang sweldo'y nag-aagawan sa pwesto
kongresista, senador, pangulo'y magkanong sweldo
anong prinsipyo ito't sa pwesto'y nagkakagulo?
kapag ba nakapwesto, may proteksyon ang negosyo?
mabuti nang mabigong ang pagkatao'y may dangal
kaysa mandaya't manalong dangal mo'y nasa kanal
mabuting magsikap, magtagumpay sa pagpapagal
kaysa manalong sarili'y tinulad sa pusakal
- gregbituinjr.
* Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita, ang opisyal na pahayagan ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML), isyu ng Agosto 1-15, 2019, p. 20
Maralita raw ang nagdudumi sa mga ilog
maralita raw ang nagdudumi sa mga ilog
ilog raw ay sa mga basura pinalulubog
papayag ka bang maralita'y diyan mapabantog
pagkat walang disiplina't laging patulog-tulog
lagi nilang pinagbibintangan ang maralita
sanhi raw sila ng pagdumi ng ilog, pagbaha
mangmang daw kasi't walang pakialam itong dukha
silang madaling masisi, iba man ang maygawa
O, maralita, payag ka bang laging sinisisi?
ikaw lang kasi ang nakita nilang bulnerable
madaling sisihin pagkat buhay mo'y miserable
dukha'y mababa raw ang pagkatao't walang silbi
bumangon ka, maralita, tirisin ang gahaman
lumaban ka, dukha't inyong baguhin ang lipunan

Mga Lider-Maralita
MGA LIDER-MARALITA
mga lider-maralita'y dapat maging matatag
nang di makimi sa demolisyon, bagkus pumalag
mga pandarahas sa kanila'y dapat mabunyag
ang mawalan ng bahay ay isdang pupusag-pusag
kayhirap kung dukha'y isdang mawawalan ng hasang
dahil ba maralita'y basta na lang tinotokhang?
dahil ba sila'y dukha, ang tingin agad ay mangmang?
dahil ba mahirap, madali silang nalilinlang?
magkaisa, magtulungan laban sa demolisyon
walang mang-iiwan, magtatag ng organisasyon
bawat isa'y mag-usap at makipag-negosasyon
ipagtagumpay ang laban hanggang sa relokasyon
pampublikong pabahay, maralita'y nais ito
pabahay ay karapatan, huwag gawing negosyo
ang dapat mangasiwa ng pabahay ay gobyerno
dukha'y uupa lang ayon sa kakayahan nito
dapat matatag ang mga lider ng maralita
sila'y makipagkaisa sa uring manggagawa
kalunus-lunos man ang lagay, di dapat lumuha
sila'y tumindig nang sa lipunang ito'y lumaya
- gregbituinjr.
* Nilikha sa pulong ng Pambansang Konseho ng mga Lider (National Council of Leaders) ng Kongreso ng Pagkakaisa ng Maralitang Lungsod (KPML) na naganap noong Agosto 2-4, 2019
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)