ANG KASAMANG AKLAT
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig bawat taludtod
di ako nalulungkot, may kasama akong aklat
na sa mga suliranin ko'y aking kabalikat
ang pakikisama nga nito'y ano't di masukat
may nauunawa mo, may di mo nadadalumat
pagkat mga aklat ay kaibigang piping saksi
tagapayo, masasandalan, kasamang kaybuti
dama mo ang katapatan sa kanyang pagsisilbi
ang aklat ma'y pipi ngunit kayraming sinasabi
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento