Linggo, Oktubre 19, 2008

Matsing ang Kapara ng Mapamintas

MATSING ANG KAPARA NG MAPAMINTAS
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod

Ang matsing daw ay nagtatawa
Sa haba ng buntot ng baka
Ngunit sariling buntot niya
Ay hindi niya nakikita.
Kung palapintas ka sa kapwa
Tulad ka ng tsonggong palamara
Matsing sa iyo'y matatawa.

Walang komento: