Linggo, Oktubre 19, 2008

Batuhin Mo Ng Puto

BATUHIN MO NG PUTO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 taludtod, 9 pantig sa bawat taludtod

Pag may taong galit sa iyo
At binato sa iyo'y bato
Aba'y ilagan mo ng todo
Baka magkabukol sa ulo.
Iganti mo kaya ay puto
Baka tumino yaong tao't
Mawala ang galit sa iyo.

Walang komento: