Miyerkules, Nobyembre 17, 2021

Paalala sa upuan

PAALALA SA UPUAN

sa terminal ng bus ay may paalala sa silya:
"Do not sit here. Let's practice physical distancing pala
nakadisenyo sa sticker, agad mababasa
ng sinuman, puwera na lang kung aanga-anga

sapagkat mahalaga pa rin ang social distancing
o isa o dalawang metrong physical distancing
dahil sa salot na pandemyang nagaganap pa rin
na di dapat balewalain ninuman sa atin

habang kami'y naghihintay na makasakay ng bus
magkahalong tuwa't lungkot ang nadaramang lubos
kaytinding sadyâ ng pandemyang sa atin umulos
na madalas itanong ay kailan matatapos

paluwas na kami ni misis tungong kalunsuran
patuloy ang social distancing dahil kailangan
at panibagong hamon ang kinakaharap naman
sa pagdatal muli sa lungsod na pinanggalingan

- gregoriovbituinjr.
11.16.2021, gabi

Walang komento: