itinuring man akong baliw na makata
tirahin man ako ng matabil mong dila
harangan man ako ng rumagasang baha
ang pluma’t diwa ko'y di mo mapahuhupa
di man ako nabubuhay sa toreng garing
dukha man ang kausap at laging kapiling
naririto't patuloy sa piniling sining
kahit na wala man lang akong maisaing
baliw mang makata'y patuloy na titindig
di ako susuko sa mga manlulupig
taludtod at saknong ang sandata ko't kabig
nasa lungga ma'y patuloy na umiibig
kaliwa'y taas-kamao, sa kanan, pluma
tutula't tutula alang-alang sa masa
- gregbituinjr.
21 Marso 2017 (World Poetry Day)
* pasneya - sa salita ng mga sanggre ay hayop
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento