PANGARAP MAN AY LUMULUTANG SA MALAYO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig bawat taludtod
Pangarap man ay lumulutang sa malayo
Indayog ng guniguni'y di mapaglaho
Ang bawat ngiti ma'y di ngiwi ng pagsuyo
Makibaka pa rin tayo't magpapalakas
Obrero'y pagkaisahin sa tamang landas
Nang maitatag ang nasang sistemang patas
Tapusin na ang sistemang mapang-aglahi
At ibagsak ang mga tuso't naghahari
Lahat ng obrero'y buuin bilang uri
Buklurin nating tunay silang manggagawa
At itayo ang sistemang mapagpalaya
Nararapat lang ibagsak bawat kuhila
Biyernes, Hulyo 10, 2009
Huwebes, Hulyo 9, 2009
Ilang Laro sa Wika
ILANG LARO SA WIKA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
may tinda ang mga tindero
may bomba ang mga bumbero
may babae ang babaero
may pasahe ang pasahero
may mata ba ang matadero
may asin ba ang asindero
may alak ba ang alahero
may tore ba itong torero
nasa kusina'y kusinero
nasa bodega'y bodigero
nasa biyahe'y biyahero
nasa lakwatsa'y lakwatsero
nasa hardin ang hardinero
nasa kabin ba'y karpintero
nambobola itong bolero
namboboso itong bosero
namimintas ang pintasero
kumakaskas ang kaskasero
naglalasing ang lasenggero
tumatanggi ba ang tanggero
manganganta ba ang kantero
namamangka ba ang bangkero
may tubo na ba ang tubero
may mina na ba ang minero
palikpik ba'y sa palikero
at pating ba'y sa patintero
bara-bara ba ang barbero
paano naman ang kaldero
may abo ba ang abogado
may asin ba ang asintado
abono ba'y sa abonado
taranta ba ang tarantado
kung nagbobomba ang bumbera
ano ang gawa ng bandera
alam kong di kayo nalito
sa paglalaro nating ito
pinapatunayan lang dito
umuunlad ang wikang ito
wika nati'y umaasenso
nalilinang, napoproseso
kaya alagaang totoo
ang ating wikang Pilipino
ni Gregorio V. Bituin Jr.
9 pantig
may tinda ang mga tindero
may bomba ang mga bumbero
may babae ang babaero
may pasahe ang pasahero
may mata ba ang matadero
may asin ba ang asindero
may alak ba ang alahero
may tore ba itong torero
nasa kusina'y kusinero
nasa bodega'y bodigero
nasa biyahe'y biyahero
nasa lakwatsa'y lakwatsero
nasa hardin ang hardinero
nasa kabin ba'y karpintero
nambobola itong bolero
namboboso itong bosero
namimintas ang pintasero
kumakaskas ang kaskasero
naglalasing ang lasenggero
tumatanggi ba ang tanggero
manganganta ba ang kantero
namamangka ba ang bangkero
may tubo na ba ang tubero
may mina na ba ang minero
palikpik ba'y sa palikero
at pating ba'y sa patintero
bara-bara ba ang barbero
paano naman ang kaldero
may abo ba ang abogado
may asin ba ang asintado
abono ba'y sa abonado
taranta ba ang tarantado
kung nagbobomba ang bumbera
ano ang gawa ng bandera
alam kong di kayo nalito
sa paglalaro nating ito
pinapatunayan lang dito
umuunlad ang wikang ito
wika nati'y umaasenso
nalilinang, napoproseso
kaya alagaang totoo
ang ating wikang Pilipino
Putang Ina
PUTANG INA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
minsan ako sa puta'y nakatitig
habang hawak ang serbesang malamig
ano kaya ang pinahihiwatig
ng kanyang gumagaralgal na tinig
maya-maya'y kausap ko na siya
mayroon daw siyang anak na isa
naanakan ng isang may-asawa
at sa kanila'y di na nagpakita
wala siyang trabahong mapasukan
ang hanap kasi'y may pinag-aralan
may kursong tinapos sa paaralan
ngunit wala siyang diplomang tangan
dahil sa hirap, di nakapag-aral
dahil sa hirap, puri'y kinalakal
dahil sa hirap, nawalan ng dangal
dahil sa anak, di nagpatiwakal
putang ina'y gumapang na sa lusak
upang mapakain ang kanyang anak
sa harap ng marami'y umiindak
habang sa pisngi, luha'y pumapatak
putang ina'y pasan na ang daigdig
nagsakripisyo dahil sa pag-ibig
sa anak na laging nangangaligkig
sa gutom na sadyang nakakaantig
ang puta'y masama, ayon sa pari
ang puta'y aliwan, ayon sa hari
ang puta'y kalakal, ayon sa kiri
masama, aliwan, binenta'y puri
tanong ng puta'y kailan lalaya
sa kalagayang sila ang kawawa
sa kanyang tanong ako nga'y napatda
di agad ako nakapagsalita
dibdib niya'y ramdam kong nagngangalit
saan daw ba ibubunton ang galit
sa kapalaran bang sadyang kaylupit
o sa lipunang sadyang mapanlait
nang matauhan agad kong nasabi
habang lumalagok ako sa bote
na itong gobyerno'y bulag at bingi
sa hinaing nitong nakararami
pati lipunan ay dapat sisihin
dahil ang tingin sa dukha'y alipin
naghaharing uri'y dapat sambahin
dapat ang lipunang ito'y baguhin
may kasalanan ba ang putang ina
sa lipunang ito kaya nagputa
tila putang ina'y mas dakila pa
sa pulitikong bansa ang pinuta
kahit hilo pa ako'y nagpaalam
sa kanyang kung kumapit parang langgam
habang ang mata niya'y humihilam
lumuluha bagamat umaasam
nagputa ang ina dahil sa hirap
pinuta ng lipunang mapagpanggap
ina'y nagputa dahil nangangarap
na balang araw, ginhawa'y malasap
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig bawat taludtod
minsan ako sa puta'y nakatitig
habang hawak ang serbesang malamig
ano kaya ang pinahihiwatig
ng kanyang gumagaralgal na tinig
maya-maya'y kausap ko na siya
mayroon daw siyang anak na isa
naanakan ng isang may-asawa
at sa kanila'y di na nagpakita
wala siyang trabahong mapasukan
ang hanap kasi'y may pinag-aralan
may kursong tinapos sa paaralan
ngunit wala siyang diplomang tangan
dahil sa hirap, di nakapag-aral
dahil sa hirap, puri'y kinalakal
dahil sa hirap, nawalan ng dangal
dahil sa anak, di nagpatiwakal
putang ina'y gumapang na sa lusak
upang mapakain ang kanyang anak
sa harap ng marami'y umiindak
habang sa pisngi, luha'y pumapatak
putang ina'y pasan na ang daigdig
nagsakripisyo dahil sa pag-ibig
sa anak na laging nangangaligkig
sa gutom na sadyang nakakaantig
ang puta'y masama, ayon sa pari
ang puta'y aliwan, ayon sa hari
ang puta'y kalakal, ayon sa kiri
masama, aliwan, binenta'y puri
tanong ng puta'y kailan lalaya
sa kalagayang sila ang kawawa
sa kanyang tanong ako nga'y napatda
di agad ako nakapagsalita
dibdib niya'y ramdam kong nagngangalit
saan daw ba ibubunton ang galit
sa kapalaran bang sadyang kaylupit
o sa lipunang sadyang mapanlait
nang matauhan agad kong nasabi
habang lumalagok ako sa bote
na itong gobyerno'y bulag at bingi
sa hinaing nitong nakararami
pati lipunan ay dapat sisihin
dahil ang tingin sa dukha'y alipin
naghaharing uri'y dapat sambahin
dapat ang lipunang ito'y baguhin
may kasalanan ba ang putang ina
sa lipunang ito kaya nagputa
tila putang ina'y mas dakila pa
sa pulitikong bansa ang pinuta
kahit hilo pa ako'y nagpaalam
sa kanyang kung kumapit parang langgam
habang ang mata niya'y humihilam
lumuluha bagamat umaasam
nagputa ang ina dahil sa hirap
pinuta ng lipunang mapagpanggap
ina'y nagputa dahil nangangarap
na balang araw, ginhawa'y malasap
Puta
PUTA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
I.
Gusto ba ng puta na maging puta?
Pagpuputa ba'y inambisyon niya?
Hindi, walang babaeng nanaisin
Na maging putang lalait-laitin
Ngunit siya'y nasadlak sa putikan
Dahil itinulak ng kahirapan
Pagpuputa'y di niya pinangarap
Ngunit kanyang pamilya'y naghihirap
Kaya kumapit siya sa patalim
Pagpuputa ma'y karima-rimarim
Kahirapan ng buhay ang nagtulak
Upang sa pagpuputa na'y masadlak
Puri't karangalan ay pinagpalit
Nang pamilya'y mabuhay niyang pilit
II.
Noon, magandang dalaga't sariwa
Kaya iniirog sila ng madla
Ngayon, sila'y mga bayarang puta
Para mabuhay, ginamit ang ganda
Puta'y nabuhay sa mundong ibabaw
Pagkat buhay ng pamilya'y mapanglaw
Kaysa naman sila'y agad pumanaw
Puri'y kinalakal na parang lugaw
Ah, para na silang nagpatiwakal
Dito sa mundong ang hari'y kapital
Umaasa pa rin ang mga puta
Na magbabago itong buhay nila
Hangad makaraos sa kahirapan
Di pahirapang maging parausan.
III.
Ano bang kinabukasan ng puta
Sa ganitong lipunang api sila
Pagkat sa lipunang kapitalismo
Ang babae'y tinatratong produkto
Tingin sa babae'y bagay, di tao
Tingin sa puta'y aliwan lang dito
Kaya't dapat pangarapin ng puta
Na mabago ang bulok na sistema
Kung saan walang magpuputa dahil
Sa kahirapan at mga hilahil
Kaya isama ang puta sa laban
Upang lipunang ito'y mapalitan
At ating itayo'y isang lipunang
Di kakalakalin ang karangalan.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
I.
Gusto ba ng puta na maging puta?
Pagpuputa ba'y inambisyon niya?
Hindi, walang babaeng nanaisin
Na maging putang lalait-laitin
Ngunit siya'y nasadlak sa putikan
Dahil itinulak ng kahirapan
Pagpuputa'y di niya pinangarap
Ngunit kanyang pamilya'y naghihirap
Kaya kumapit siya sa patalim
Pagpuputa ma'y karima-rimarim
Kahirapan ng buhay ang nagtulak
Upang sa pagpuputa na'y masadlak
Puri't karangalan ay pinagpalit
Nang pamilya'y mabuhay niyang pilit
II.
Noon, magandang dalaga't sariwa
Kaya iniirog sila ng madla
Ngayon, sila'y mga bayarang puta
Para mabuhay, ginamit ang ganda
Puta'y nabuhay sa mundong ibabaw
Pagkat buhay ng pamilya'y mapanglaw
Kaysa naman sila'y agad pumanaw
Puri'y kinalakal na parang lugaw
Ah, para na silang nagpatiwakal
Dito sa mundong ang hari'y kapital
Umaasa pa rin ang mga puta
Na magbabago itong buhay nila
Hangad makaraos sa kahirapan
Di pahirapang maging parausan.
III.
Ano bang kinabukasan ng puta
Sa ganitong lipunang api sila
Pagkat sa lipunang kapitalismo
Ang babae'y tinatratong produkto
Tingin sa babae'y bagay, di tao
Tingin sa puta'y aliwan lang dito
Kaya't dapat pangarapin ng puta
Na mabago ang bulok na sistema
Kung saan walang magpuputa dahil
Sa kahirapan at mga hilahil
Kaya isama ang puta sa laban
Upang lipunang ito'y mapalitan
At ating itayo'y isang lipunang
Di kakalakalin ang karangalan.
Lipunan ang Dapat Mag-ari
LIPUNAN ANG DAPAT MAG-ARI
ni Matang Apoy
11 pantig
di dapat nag-aari ang iilan
ng ikinabubuhay ng lipunan
dapat lang ariin nitong lipunan
ang ikinabubuhay ng iilan
ni Matang Apoy
11 pantig
di dapat nag-aari ang iilan
ng ikinabubuhay ng lipunan
dapat lang ariin nitong lipunan
ang ikinabubuhay ng iilan
Miyerkules, Hulyo 8, 2009
Ilehitimong Utang, Kanselahin
ILEHITIMONG UTANG, KANSELAHIN
ni Greg Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
Mga utang na ilehitimo
Dapat kanselahin na ng todo
Upang hindi na maging tuliro
Itong sambayanang Pilipino
(Biglaang naisip at agad isinigaw ng makata bilang islogan sa naganap na pagkilos sa harap ng tanggapan ng World Bank sa Makati, Hulyo 8, 2009, kasama ang FDC, Sanlakas, BMP, Jubillee South, atbp.)
ni Greg Bituin Jr.
10 pantig bawat taludtod
Mga utang na ilehitimo
Dapat kanselahin na ng todo
Upang hindi na maging tuliro
Itong sambayanang Pilipino
(Biglaang naisip at agad isinigaw ng makata bilang islogan sa naganap na pagkilos sa harap ng tanggapan ng World Bank sa Makati, Hulyo 8, 2009, kasama ang FDC, Sanlakas, BMP, Jubillee South, atbp.)
Martes, Hulyo 7, 2009
Kapayapaan sa Mundo - tulawit :-)
Inspirasyon ko sa tulang ito ang "We are the world" na sinulat nina Michael Jackson at Lionel Richie. Ngunit habang isinusulat ko ito, ay kinakanta ko ito sa himig ng "I'll be there" ni Michael Jackson nuong bata pa siya. Kaya pwede ko itong tawaging tulawit (tula at awit).KAPAYAPAAN SA MUNDO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
I
Kapayapaan sa buong mundo
Ang hinihiling namin sa inyo
Iba-iba man ang kulay natin
Kapayapaang hiling ay dinggin
Payapang mundo'y ating regalo
Ito'y para sa lahat ng tao:
Tigilan na ang mga digmaan
Pati na ang mga pamamaslang
Tigilan na ang mga salpukan
At problema'y ating pag-usapan
Ayusin natin ang mga gulo
Lutasin natin ang puno't dulo
Ngunit dapat mahinahon tayo
Upang kapayapaa'y matamo
II
Maraming gutom dahil maraming ganid
Di nagbibigayan ang magkakapatid
Ang maraming problema't mga hilahil
Ay nais lutasin sa dulo ng baril
Ang iba'y nag-aari ng laksa-laksa
Ngunit barat sa sahod ng manggagawa
Ang iba nama'y maraming lupang angkin
Ekta-ektarya kasama pati bangin
Dahil sa angking pribadong pag-aari
Marami ang nawalan sa tao't lahi
Gayong maliit lang itong kailangan
Upang mapakain ang buong lipunan
III.
Lumaganap na itong kahirapan
At kagutuman sa maraming bayan
Nagpapatayan kahit sila-sila
Upang maibsan lang yaong problema
Habang ang ilan ay nagpapakabundat
Kahit maraming tao'y nagsasalat
Nagpapayabangan naman ang iba
Ng armas-nukleyar, mga panggera
Pera'y kung saan-saan ginagastos
Imbes sa pagkain, gamot, pantustos
Ang ginhawa ba'y para lang sa ilan
Di ba't ito'y dapat pangkalahatan
Matatamo lang ang kapayapaan
Kung mayroong hustisyang panlipunan
IV
Kayganda ng daigdig na payapa
Walang kaguluhan sa bawat bansa
Walang gutom ang tao, kahit bata,
Pagkat pag-ibig nasa puso't diwa
Kaya simulan nating iadhika
Ang pagsusulong ng mundong payapa
Upang maraming problema'y maibsan
At magkaroon ng kapayapaan
Ipalaganap natin ang pag-ibig
Sa bawat puso'y ito ang idilig
At sa hustisya tayo ay sumandig
Upang maging payapa ang daigdig
Ang Tunay na Hukbong Mapagpalaya
ANG TUNAY NA HUKBONG MAPAGPALAYA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
uring manggagawa, kayo pa ba'y tulog pa?
rebeldeng sundalo sa inyo'y papalit na
sila daw ang bagong hukbong mapagpalaya
payag ba kayo dito, mga manggagawa?
di na ba maaasahan itong obrero
kaya ipapalit ay rebeldeng sundalo
tila nagbago ang landas ng rebolusyon
rebeldeng sundalo'y pangunahin na ngayon
nagbago na ba ang inyong paniniwala
na uring manggagawa ang mapagpalaya?
hindi na ba ninyo pinaninindigan pa
na kayong obrero ang pag-asa ng masa
bakit tayo naghahanap ng ibang pwersa
kung sa manggagawa'y naniniwala ka pa
yayakapin ba nitong rebeldeng sundalo
ang sosyalismong nilalayon ng obrero
payag ba silang ang pag-aaring pribado
ay tanggalin sa kanila sa sosyalismo
natitiyak nyo bang magiging sosyalista
ang rebeldeng sundalo o sila'y pasista?
paano mo matitiyak na di pasismo
ang kanilang paiiralin pag nanalo
baka pag nangyaring sila ang nakapwesto
ay agad durugin ang kilusang obrero
nasaan na ba ang iyong sampalataya
sa rebeldeng sundalo ba o manggagawa?
alam mo bang magkaiba silang dalawa
sa kung paano palalayain ang masa?
mga rebeldeng sundalo'y nasyunalista
uring manggagawa'y internasyunalista
kalaban ng rebeldeng sundalo'y Arroyo
kalaban ng manggagawa'y kapitalismo
mga sundalo'y hanggang elektoralismo
pag napwesto'y baka mauwi sa pasismo
ang uring manggagawa'y hanggang sosyalismo
na kaganapan ng misyon nila sa mundo
iniisip ng rebeldeng sundalo'y bansa
at maglilingkod kahit buhay ay itaya
manggagawa'y walang kinikilalang bansa
pagkat lahat ng bansa'y dapat mapalaya
di misyon ng sundalo itong sosyalismo
pagkat ito'y dakilang misyon ng obrero
hinay-hinay lang, mga kasama't kapatid
baka iwing buhay nati'y agad mapatid
hindi ba't maraming aktibista'y pinaslang
ng mga ala-Palparang sundalong halang
kung di ka sang-ayon sa nangyayaring ito
aba'y organisahin ang kapwa obrero
maaasahan pa ba itong manggagawa
oo, pagkat sila'y hukbong mapagpalaya
gumising na manggagawa sa pagkaidlip
ating itatag ang lipunang nasa isip
huwag ipasa sa iba ang inyong misyon
palayain ang mundo ang sa inyo'y hamon
sintalim ng karit ang talas ng isipan
at sintigas ng maso ang paninindigan
ganyan dapat manggagawa'y mailarawan
pagkat sila ang magbabago ng lipunan
tanging ikaw lamang, o uring manggagawa
sa mundo'y tunay na hukbong mapagpalaya
kaya manggagawa, huwag mag-alinlangan
pagiging mapagpalaya'y pangatawanan
manggagawa sa buong mundo, magkaisa
halina't palitan ang bulok na sistema
walang mawawala kundi ang tanikala
ng pagkaalipin ng uring manggagawa
pasiklabin na ang rebolusyong obrero
at maghanda nang itatag ang sosyalismo
ni Gregorio V. Bituin Jr.
13 pantig
uring manggagawa, kayo pa ba'y tulog pa?
rebeldeng sundalo sa inyo'y papalit na
sila daw ang bagong hukbong mapagpalaya
payag ba kayo dito, mga manggagawa?
di na ba maaasahan itong obrero
kaya ipapalit ay rebeldeng sundalo
tila nagbago ang landas ng rebolusyon
rebeldeng sundalo'y pangunahin na ngayon
nagbago na ba ang inyong paniniwala
na uring manggagawa ang mapagpalaya?
hindi na ba ninyo pinaninindigan pa
na kayong obrero ang pag-asa ng masa
bakit tayo naghahanap ng ibang pwersa
kung sa manggagawa'y naniniwala ka pa
yayakapin ba nitong rebeldeng sundalo
ang sosyalismong nilalayon ng obrero
payag ba silang ang pag-aaring pribado
ay tanggalin sa kanila sa sosyalismo
natitiyak nyo bang magiging sosyalista
ang rebeldeng sundalo o sila'y pasista?
paano mo matitiyak na di pasismo
ang kanilang paiiralin pag nanalo
baka pag nangyaring sila ang nakapwesto
ay agad durugin ang kilusang obrero
nasaan na ba ang iyong sampalataya
sa rebeldeng sundalo ba o manggagawa?
alam mo bang magkaiba silang dalawa
sa kung paano palalayain ang masa?
mga rebeldeng sundalo'y nasyunalista
uring manggagawa'y internasyunalista
kalaban ng rebeldeng sundalo'y Arroyo
kalaban ng manggagawa'y kapitalismo
mga sundalo'y hanggang elektoralismo
pag napwesto'y baka mauwi sa pasismo
ang uring manggagawa'y hanggang sosyalismo
na kaganapan ng misyon nila sa mundo
iniisip ng rebeldeng sundalo'y bansa
at maglilingkod kahit buhay ay itaya
manggagawa'y walang kinikilalang bansa
pagkat lahat ng bansa'y dapat mapalaya
di misyon ng sundalo itong sosyalismo
pagkat ito'y dakilang misyon ng obrero
hinay-hinay lang, mga kasama't kapatid
baka iwing buhay nati'y agad mapatid
hindi ba't maraming aktibista'y pinaslang
ng mga ala-Palparang sundalong halang
kung di ka sang-ayon sa nangyayaring ito
aba'y organisahin ang kapwa obrero
maaasahan pa ba itong manggagawa
oo, pagkat sila'y hukbong mapagpalaya
gumising na manggagawa sa pagkaidlip
ating itatag ang lipunang nasa isip
huwag ipasa sa iba ang inyong misyon
palayain ang mundo ang sa inyo'y hamon
sintalim ng karit ang talas ng isipan
at sintigas ng maso ang paninindigan
ganyan dapat manggagawa'y mailarawan
pagkat sila ang magbabago ng lipunan
tanging ikaw lamang, o uring manggagawa
sa mundo'y tunay na hukbong mapagpalaya
kaya manggagawa, huwag mag-alinlangan
pagiging mapagpalaya'y pangatawanan
manggagawa sa buong mundo, magkaisa
halina't palitan ang bulok na sistema
walang mawawala kundi ang tanikala
ng pagkaalipin ng uring manggagawa
pasiklabin na ang rebolusyong obrero
at maghanda nang itatag ang sosyalismo
Linggo, Hulyo 5, 2009
Pamana ng Trapo’y Republikang Basahan
PAMANA NG TRAPO'Y REPUBLIKANG BASAHAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
Ang bansa nating ito'y tinulad sa basahan
Ng mga trapong ganid na sa kapangyarihan
Sa kanila ang saya, sa masa'y kahirapan
Trapo'y palaging bundat habang gutom ang bayan.
Maging sa pulitika o kaya'y ekonomya
Sila'y naririyan na, pawang pami-pamilya
Relyebo ng mag-anak ang laging nakikita
Kahit sa Malakanyang ay naroroon sila.
Ekonomya, Kongreso't Senado'y kontrolado
Ng mayamang iilan, pati na pulitiko
Republikang basahan ang pamana ng trapo
Halina't ating tingnan ang kanilang epekto.
Pinatakaran nila'y itong globalisasyon
Na sadyang nagpahamak sa manggagawa't unyon
Serbisyo'y ninegosyo nitong pribatisasyon
Merkado ang bahala dahil deregulasyon.
Kalikasa'y sinira, yumaman ang banyaga
Pagkat pinagminahan ang ating mga lupa
Puno'y pinagpuputol kaya lagi ang baha
Pati kapaligiran ay binabalahura.
Ang dukha'y tinanggalan ng kanilang tirahan
Ang manggagawa nama'y biktima ng tanggalan
Magsasaka'y nawalan ng lupang sasakahan
Nag-ari'y ang kumpanya't kinapital ang bayan.
Katutubong kultura'y pilit ding tinatanggal
Pati ang katutubo'y aalisan ng dangal
Nais pang palayasin ng mga trapong hangal
Upang lupang ninuno'y makuha ng kapital.
Ang babae'y produkto sa mga palatastas
Sila'y pinagigiling sa maraming palabas
Alak, babae, sugal ang pinausong batas
Ganito ang sistema sa bayang dinarahas.
Karapata'y binili, edukasyon ay mahal
At mahal na rin kahit ang pagpapaospital
Ang lahat na'y may presyo at ginawang kapital
Tatawanan ka nila pag ikaw ay umangal.
Pulitikang binaboy, pulitikong gahaman
Ekonomyang winaldas, kapitalistang ilan
Wasak na kalikasan, kahirapan ng bayan
Na ang naging resulta'y republikang basahan.
Paghahari ng trapo'y dapat nating wakasan
At huwag ipanalo sa sunod na halalan
Ilibing sa pahina ng ating kasaysayan
Yaong pamilyang trapong walang silbi sa bayan.
Maralita, obrero, babae, magsasaka
Lahat ng aping sektor, halina't magkaisa
Republikang basahan ay ating palitan na
Ng gobyerno ng masa't matinong republika.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
14 pantig bawat taludtod
Ang bansa nating ito'y tinulad sa basahan
Ng mga trapong ganid na sa kapangyarihan
Sa kanila ang saya, sa masa'y kahirapan
Trapo'y palaging bundat habang gutom ang bayan.
Maging sa pulitika o kaya'y ekonomya
Sila'y naririyan na, pawang pami-pamilya
Relyebo ng mag-anak ang laging nakikita
Kahit sa Malakanyang ay naroroon sila.
Ekonomya, Kongreso't Senado'y kontrolado
Ng mayamang iilan, pati na pulitiko
Republikang basahan ang pamana ng trapo
Halina't ating tingnan ang kanilang epekto.
Pinatakaran nila'y itong globalisasyon
Na sadyang nagpahamak sa manggagawa't unyon
Serbisyo'y ninegosyo nitong pribatisasyon
Merkado ang bahala dahil deregulasyon.
Kalikasa'y sinira, yumaman ang banyaga
Pagkat pinagminahan ang ating mga lupa
Puno'y pinagpuputol kaya lagi ang baha
Pati kapaligiran ay binabalahura.
Ang dukha'y tinanggalan ng kanilang tirahan
Ang manggagawa nama'y biktima ng tanggalan
Magsasaka'y nawalan ng lupang sasakahan
Nag-ari'y ang kumpanya't kinapital ang bayan.
Katutubong kultura'y pilit ding tinatanggal
Pati ang katutubo'y aalisan ng dangal
Nais pang palayasin ng mga trapong hangal
Upang lupang ninuno'y makuha ng kapital.
Ang babae'y produkto sa mga palatastas
Sila'y pinagigiling sa maraming palabas
Alak, babae, sugal ang pinausong batas
Ganito ang sistema sa bayang dinarahas.
Karapata'y binili, edukasyon ay mahal
At mahal na rin kahit ang pagpapaospital
Ang lahat na'y may presyo at ginawang kapital
Tatawanan ka nila pag ikaw ay umangal.
Pulitikang binaboy, pulitikong gahaman
Ekonomyang winaldas, kapitalistang ilan
Wasak na kalikasan, kahirapan ng bayan
Na ang naging resulta'y republikang basahan.
Paghahari ng trapo'y dapat nating wakasan
At huwag ipanalo sa sunod na halalan
Ilibing sa pahina ng ating kasaysayan
Yaong pamilyang trapong walang silbi sa bayan.
Maralita, obrero, babae, magsasaka
Lahat ng aping sektor, halina't magkaisa
Republikang basahan ay ating palitan na
Ng gobyerno ng masa't matinong republika.
Pagbabaka-sakali
PAGBABAKASAKALI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
I
Ako si Goriong Putik
Simple lang ngunit lintik
Kung bumili ng swipstik
Tila dito naadik
Kahit na tingi-tingi
Binili't hindi hingi
Nagbabaka-sakali
Upang di mapalungi
Pagkat aking pangarap
Buhay ko'y maging ganap
Ngayon ay nagsisikap
Swerte man ay kay-ilap
Umaasang tatama
Upang di na lumuha
Nakatulong ding pawa
Sa pagkakawanggawa
Paano naman kasi
Ang pinipintakasi
Nais nang maging kasi
Nang di ako magsisi
Dahil baka mawala
Ang sinisintang lubha
Siya'y aking diwata
Dito sa puso't diwa
At inaasahan ko
Sa swipstik ay manalo
At pag nangyari ito
Punta na sa kasal ko
II
Sa pamilya'y pangarap
Di na sila maghirap
Sana ako'y matanggap
Sa trabaho kong hanap
Ako'y bibili pa rin
Ng swipstik sa may amin
Lotto'y tatayaan din
Baka ako'y palarin
Nang makaahon naman
Sa dustang kalagayan
At pamilya'y umalwan
Sa aming kabuhayan
Dulot nito'y pag-asa
Sa marami ring masa
At sa kaunting pera
Pag tumama'y kaysaya
Kaya ako ma'y putik
Dangal ko'y walang batik
Ang lagi ko lang hibik
Mata'y huwag tumirik
Dahil sa kagutuman
At mga kahirapan
Kaya sana'y pagbigyan
Swipstik ko'y matamaan
Daan man ay matinik
Bibilhin ko ang swipstik
Nang buhay na tiwarik
Ay di na maging hindik.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig bawat taludtod
I
Ako si Goriong Putik
Simple lang ngunit lintik
Kung bumili ng swipstik
Tila dito naadik
Kahit na tingi-tingi
Binili't hindi hingi
Nagbabaka-sakali
Upang di mapalungi
Pagkat aking pangarap
Buhay ko'y maging ganap
Ngayon ay nagsisikap
Swerte man ay kay-ilap
Umaasang tatama
Upang di na lumuha
Nakatulong ding pawa
Sa pagkakawanggawa
Paano naman kasi
Ang pinipintakasi
Nais nang maging kasi
Nang di ako magsisi
Dahil baka mawala
Ang sinisintang lubha
Siya'y aking diwata
Dito sa puso't diwa
At inaasahan ko
Sa swipstik ay manalo
At pag nangyari ito
Punta na sa kasal ko
II
Sa pamilya'y pangarap
Di na sila maghirap
Sana ako'y matanggap
Sa trabaho kong hanap
Ako'y bibili pa rin
Ng swipstik sa may amin
Lotto'y tatayaan din
Baka ako'y palarin
Nang makaahon naman
Sa dustang kalagayan
At pamilya'y umalwan
Sa aming kabuhayan
Dulot nito'y pag-asa
Sa marami ring masa
At sa kaunting pera
Pag tumama'y kaysaya
Kaya ako ma'y putik
Dangal ko'y walang batik
Ang lagi ko lang hibik
Mata'y huwag tumirik
Dahil sa kagutuman
At mga kahirapan
Kaya sana'y pagbigyan
Swipstik ko'y matamaan
Daan man ay matinik
Bibilhin ko ang swipstik
Nang buhay na tiwarik
Ay di na maging hindik.
Sabado, Hulyo 4, 2009
Agosto 21, 1983
AGOSTO 21, 1983
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Pinabagsak ka, Ninoy, sa may tarmak
Doon ka nilugmok at napahamak
Sa nangyari, marami ang nasindak
Habang diktadurya'y humahalakhak.
Pagkamatay mo'y naging isang mitsa
Sa nagngangalit na poot ng masa
Tatlong taon lamang ay bumagsak na
Itong mapang-aglahing diktadurya.
Maraming salamat sa iyo, Ninoy
Ginising mo ang bayang nananaghoy
Tuluyang napalayas ang nang-unggoy
Sa bayan nating ginawang palaboy.
Di nasayang ang iyong sakripisyo
Di nasayang ang buhay na alay mo
Isa kang bayani sa bayang ito
Na hinahanggan ng buong mundo.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Pinabagsak ka, Ninoy, sa may tarmak
Doon ka nilugmok at napahamak
Sa nangyari, marami ang nasindak
Habang diktadurya'y humahalakhak.
Pagkamatay mo'y naging isang mitsa
Sa nagngangalit na poot ng masa
Tatlong taon lamang ay bumagsak na
Itong mapang-aglahing diktadurya.
Maraming salamat sa iyo, Ninoy
Ginising mo ang bayang nananaghoy
Tuluyang napalayas ang nang-unggoy
Sa bayan nating ginawang palaboy.
Di nasayang ang iyong sakripisyo
Di nasayang ang buhay na alay mo
Isa kang bayani sa bayang ito
Na hinahanggan ng buong mundo.
Mayo 10, 1897
MAYO 10, 1897
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Ilang buwan pagkamatay ni Rizal
Nang ikaw ay kanilang isinakdal
Upang agawin ang pamumuno mo
At maghari ang mga ilustrado.
Si Heneral Aguinaldo'y nag-atas
Na iwing buhay nyo'y agad mautas.
Kapatid mong si Procopio at ikaw
Sa Bundok Buntis ay agad pumanaw.
Binaril ni Lazaro Macapagal
Kasama'y mga pili niyang kawal.
Mga bayaning Andres at Procopio
Kami rito'y nagpupugay sa inyo
Sakripisyo ninyo'y di masasayang
Pagkat kayo'y pawang bayaning hirang
Ngalang Bonifacio'y tumataginting
Sa kasaysayan ng bayang magiting.
Ang laban ninyo'y itutuloy namin
Pagkat bayan pa ri'y inaalipin.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Ilang buwan pagkamatay ni Rizal
Nang ikaw ay kanilang isinakdal
Upang agawin ang pamumuno mo
At maghari ang mga ilustrado.
Si Heneral Aguinaldo'y nag-atas
Na iwing buhay nyo'y agad mautas.
Kapatid mong si Procopio at ikaw
Sa Bundok Buntis ay agad pumanaw.
Binaril ni Lazaro Macapagal
Kasama'y mga pili niyang kawal.
Mga bayaning Andres at Procopio
Kami rito'y nagpupugay sa inyo
Sakripisyo ninyo'y di masasayang
Pagkat kayo'y pawang bayaning hirang
Ngalang Bonifacio'y tumataginting
Sa kasaysayan ng bayang magiting.
Ang laban ninyo'y itutuloy namin
Pagkat bayan pa ri'y inaalipin.
Disyembre 30, 1896
DISYEMBRE 30, 1896
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Tanging ikaw lang yata ang nobelista
Sa buong mundo ang pinapatay nila
Dahil sa akda mong dalawang nobela
Ay iyong ginising ang diwa ng masa.
Maraming mamamahayag ang pinaslang
Dahil nagsiwalat ng katotohanan
Ngunit ikaw ay nobelista ng bayan
Na nagmulat laban sa mga gahaman.
Sadyang isa kang bayaning manunulat
Pagkat ginamit mo ang iyong panulat
Upang ang irog na bayan ay mamulat
At sala ng mananakop ay isumbat.
Aming bayani, pagpupugay sa iyo
O, Jose Rizal, dakila ka sa mundo.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
12 pantig
Tanging ikaw lang yata ang nobelista
Sa buong mundo ang pinapatay nila
Dahil sa akda mong dalawang nobela
Ay iyong ginising ang diwa ng masa.
Maraming mamamahayag ang pinaslang
Dahil nagsiwalat ng katotohanan
Ngunit ikaw ay nobelista ng bayan
Na nagmulat laban sa mga gahaman.
Sadyang isa kang bayaning manunulat
Pagkat ginamit mo ang iyong panulat
Upang ang irog na bayan ay mamulat
At sala ng mananakop ay isumbat.
Aming bayani, pagpupugay sa iyo
O, Jose Rizal, dakila ka sa mundo.
Atas ng Damdamin
ATAS NG DAMDAMIN
ni Matang Apoy
10 pantig
(ginawan ko ng sequel ang tula ng isang magaling na makatang babae sa multiply)
Maari ba kitang rahuyuin.
Ngunit hindi kita lalandiin
Nakikiusap ang aking tinig.
Maari bang ako'y iyong dinggin.
Ngunit ako'y parang ligaw-tingin
Ikaw ba'y maari kong hilahin?
Di mo ako pasanin sa dibdib
Lalapit ako sa iniibig
Maaari ba kitang lapitan
Sa iyo pa rin ang kalayaan
Huwag mo lang akong talikuran
Kahit hindi tayo mag-aminan
O, hindi kita nginingisihan
Ikaw lamang ay nginingitian
Sana ako'y huwag kagalitan
Ito lang ang aking naramdaman
ni Matang Apoy
10 pantig
(ginawan ko ng sequel ang tula ng isang magaling na makatang babae sa multiply)
Maari ba kitang rahuyuin.
Ngunit hindi kita lalandiin
Nakikiusap ang aking tinig.
Maari bang ako'y iyong dinggin.
Ngunit ako'y parang ligaw-tingin
Ikaw ba'y maari kong hilahin?
Di mo ako pasanin sa dibdib
Lalapit ako sa iniibig
Maaari ba kitang lapitan
Sa iyo pa rin ang kalayaan
Huwag mo lang akong talikuran
Kahit hindi tayo mag-aminan
O, hindi kita nginingisihan
Ikaw lamang ay nginingitian
Sana ako'y huwag kagalitan
Ito lang ang aking naramdaman
Biyernes, Hulyo 3, 2009
Walang Kamatayan si Michael Jackson
WALANG KAMATAYAN SI MICHAEL JACKSON
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig
namamatay din pala ang tulad ni Michael Jackson
namamatay din pala ang inidolo ko noon
We are the World, Heal the World, Earth song, at iba pang kanta
mga mensahe para sa daigdig at sa masa
kaya awit niya'y di kailanman mamamatay
tulad ng awiting Bayan Ko na ngayon pa'y buhay
mga awiting nanunuot sa kaibuturan
dahil dama nating ito'y para sa mamamayan
si Susan Fernandez na magaling na mang-aawit
ay namatay sa kanser na sadyang kaytinding sakit
namatay si Elvis Presley na idolo ni nanay
ngunit mga awit niya'y nananatiling buhay
si John Lennon ng Beatles ay walang awang pinaslang
ngunit awit nila hanggang ngayo'y umiilanglang
pinaslang din si Cesar "Saro" Bañares ng Asin
ngunit kinalulugdan pa ang kanilang awitin
ang "My Way" ni Frank Sinatra ay buhay na buhay pa
kahit dahil sa "My Way" marami nang namahinga
marami pa silang kasabayang pawang idolo
ng maraming Pinoy sa panig na ito ng mundo
sila nga'y hinangaan sa kapanahunan nila
nagbigay inspirasyon ang kanilang mga kanta
sa mga awitin nila'y nais nating makinig
dahil sa mensahe, porma nila't ganda ng tinig
sila pa'y nasa alaala kahit nawala man
dahil sa iniambag nila sa sangkatauhan
tulad din ni Michael Jackson ng ating henerasyon
buhay pa siya sa henerasyon noon at ngayon
I want you back, I'll be there, mga walang kamatayan
Thriller, Billie Jean, Beat it, atin siyang hinangaan
magbabalik pa si Michael Jackson, magbabalik pa
di ang katawan kundi yaong mga awit niya
oo, may namamatay nga upang muling mabuhay
at ang ambag nila sa mundo'y hindi mamamatay
ni Gregorio V. Bituin Jr.
15 pantig
namamatay din pala ang tulad ni Michael Jackson
namamatay din pala ang inidolo ko noon
We are the World, Heal the World, Earth song, at iba pang kanta
mga mensahe para sa daigdig at sa masa
kaya awit niya'y di kailanman mamamatay
tulad ng awiting Bayan Ko na ngayon pa'y buhay
mga awiting nanunuot sa kaibuturan
dahil dama nating ito'y para sa mamamayan
si Susan Fernandez na magaling na mang-aawit
ay namatay sa kanser na sadyang kaytinding sakit
namatay si Elvis Presley na idolo ni nanay
ngunit mga awit niya'y nananatiling buhay
si John Lennon ng Beatles ay walang awang pinaslang
ngunit awit nila hanggang ngayo'y umiilanglang
pinaslang din si Cesar "Saro" Bañares ng Asin
ngunit kinalulugdan pa ang kanilang awitin
ang "My Way" ni Frank Sinatra ay buhay na buhay pa
kahit dahil sa "My Way" marami nang namahinga
marami pa silang kasabayang pawang idolo
ng maraming Pinoy sa panig na ito ng mundo
sila nga'y hinangaan sa kapanahunan nila
nagbigay inspirasyon ang kanilang mga kanta
sa mga awitin nila'y nais nating makinig
dahil sa mensahe, porma nila't ganda ng tinig
sila pa'y nasa alaala kahit nawala man
dahil sa iniambag nila sa sangkatauhan
tulad din ni Michael Jackson ng ating henerasyon
buhay pa siya sa henerasyon noon at ngayon
I want you back, I'll be there, mga walang kamatayan
Thriller, Billie Jean, Beat it, atin siyang hinangaan
magbabalik pa si Michael Jackson, magbabalik pa
di ang katawan kundi yaong mga awit niya
oo, may namamatay nga upang muling mabuhay
at ang ambag nila sa mundo'y hindi mamamatay
Miyerkules, Hulyo 1, 2009
Pulitikong Aso, Trapong Kabayo
PULITIKONG ASO, TRAPONG KABAYO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
pulitikong aso, trapong kabayo
ganito ang sistema sa bayan ko
krisis ang nararanasan ng tao
dahil inutil yata ang pangulo
inaasikaso'y kapitalista
nais pa nilang sayawin ay ChaCha
sadya ngang pahirap sila sa masa
gobyerno pa bang ganito'y may kwenta?
krisis ng masa'y kanilang ginawa
nagsamantala rin sa manggagawa
con-ass ang kanilang inaadhika
buong bayan na ang kinakawawa
pulos sunud-sunuran sa pangulo
itong kayraming pulitikong aso
itinatahol na'y ang makapwesto
upang magkamal ng maraming buto
tatakbo ang mga trapong kabayo
makikipagkarera na sa Mayo
nagbabakasakaling mananalo
at tiyak maninipa pag natalo
ngunit bakit ang ganito ang sistema
wala muling pagpilian ang masa
pawang patakbo ng kapitalista
ang mga pulitikong pangarera
trapong kabayo, pulitikong aso
ang sistema sa bayan ko'y ganito
sa krisis makakaahon ba tayo
kung sila muli ang makakapwesto?
pulitikong aso, trapong kabayo
tiyak kawawa ka muli, bayan ko
pulitikong aso, trapong kabayo
di ako natatawa, hu hu hu hu!
- nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo XIV, Blg. 2, Taon 2009, p. 8.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
pulitikong aso, trapong kabayo
ganito ang sistema sa bayan ko
krisis ang nararanasan ng tao
dahil inutil yata ang pangulo
inaasikaso'y kapitalista
nais pa nilang sayawin ay ChaCha
sadya ngang pahirap sila sa masa
gobyerno pa bang ganito'y may kwenta?
krisis ng masa'y kanilang ginawa
nagsamantala rin sa manggagawa
con-ass ang kanilang inaadhika
buong bayan na ang kinakawawa
pulos sunud-sunuran sa pangulo
itong kayraming pulitikong aso
itinatahol na'y ang makapwesto
upang magkamal ng maraming buto
tatakbo ang mga trapong kabayo
makikipagkarera na sa Mayo
nagbabakasakaling mananalo
at tiyak maninipa pag natalo
ngunit bakit ang ganito ang sistema
wala muling pagpilian ang masa
pawang patakbo ng kapitalista
ang mga pulitikong pangarera
trapong kabayo, pulitikong aso
ang sistema sa bayan ko'y ganito
sa krisis makakaahon ba tayo
kung sila muli ang makakapwesto?
pulitikong aso, trapong kabayo
tiyak kawawa ka muli, bayan ko
pulitikong aso, trapong kabayo
di ako natatawa, hu hu hu hu!
- nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo XIV, Blg. 2, Taon 2009, p. 8.
Martes, Hunyo 30, 2009
Huwag Sambahin ang mga Inglesero
HUWAG SAMBAHIN ANG MGA INGLESERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig
sa Pilipinas, sinasamba ang mga Inglesero
dahil inaakalang mga ito'y matatalino
ngunit kung susuriin marami sa kanila'y bobo
upang di mahalata'y pala-Ingles ang mga ito
puro Ingles kahit kausap ay kapwa Pilipino
kaytagal na sa Pilipinas pero ayaw matuto
pag nagtatagalog ka, imperyor ang tingin sa iyo
tingin sa nagtatagalog, mababaw ang pagkatao
yaon daw mga Pilipinong di marunong magmahal
sa sariling wika, ayon sa dakilang Jose Rizal
ay kapara ng mabahong isda doon sa imburnal
nandidiring magtagalog itong Pilipinong hangal
mabuti pa ang totoong dayuhang nais matuto
ng katutubong wika kahit dayo lang sila rito
di gaya ng kapwa Pilipinong naging Inglesero
ingles ng ingles kaharap man ay kapwa Pilipino
e kasi dito, sinasamba ang mga Inglesero
paraan nila ito nang agad makilala rito
dahil kung magtatagalog baka malaman ng tao
na wala pala silang alam, kayhihina ng ulo
dinadaan sa paingles-ingles para makaisa
pagkat sa bansang ito, ang inglesero'y sinasamba
dahil magaling sa Ingles ay agad hahangaan na
aakalaing laki sa pangarap na Amerika
dapat nating salitain ang sarili nating wika
aralin natin ang tagalog, ilokano't bisaya
kapampangan, panggalatok, iba pang wika sa bansa
upang tayong lahat dito'y totoong makaunawa
ang Japan ay umunlad, di naman Ingles ang salita
ang Tsina'y bumabangon na gamit ay sariling wika
Latin Amerika'y nagkaisa sa wikang Kastila
marami pang umuunlad na di Ingleserong bansa
huwag na nating tingalain ang mga Inglesero
dahil yakap pa nila'y kaisipang kolonyalismo
superyor ang Ingles, imperyor ang wikang Pilipino
sa ganitong kaisipang pulpol, uunlad ba tayo?
ingles ay tamang gamitin doon sa mga dayuhan
sariling wika naman pag kausap ay kababayan
ito nga ang nararapat nating gawing panuntunan
kung nais pa nating sumulong at magkaunawaan
ni Gregorio V. Bituin Jr.
16 pantig
(Nang tinanggihan ng premyadong manunulat at nobelistang si Edgardo M. Reyes ang isang award na ipinagkaloob ng Komisyon ng Wikang Filipino noong Abril 2, 2009, kaarawan ni Balagtas, isa sa kanyang mga dahilan ay wala siyang nakikitang pag-unlad ng sariling wika. Ang sumusunod na tula ang pagninilay ko kung bakit di umuunlad ang sariling wika, at pati na ang bansa, kung saan naalala ko at taimtim na pinagnilayan ang isang saknong sa awiting 'Tayo'y mga Pinoy' ng Banyuhay ni Heber: "Mayroong isang aso, daig pa ang ulol, siya'y ngumingiyaw, hindi tumatahol, katulad ng iba, pa-ingles-ingles pa, na kung pakikinggan, mali-mali naman". Ah, hindi nga tayo dapat tumulad sa asong ngumingiyaw. Ambag ang tulang ito sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa darating na Agosto.)
sa Pilipinas, sinasamba ang mga Inglesero
dahil inaakalang mga ito'y matatalino
ngunit kung susuriin marami sa kanila'y bobo
upang di mahalata'y pala-Ingles ang mga ito
puro Ingles kahit kausap ay kapwa Pilipino
kaytagal na sa Pilipinas pero ayaw matuto
pag nagtatagalog ka, imperyor ang tingin sa iyo
tingin sa nagtatagalog, mababaw ang pagkatao
yaon daw mga Pilipinong di marunong magmahal
sa sariling wika, ayon sa dakilang Jose Rizal
ay kapara ng mabahong isda doon sa imburnal
nandidiring magtagalog itong Pilipinong hangal
mabuti pa ang totoong dayuhang nais matuto
ng katutubong wika kahit dayo lang sila rito
di gaya ng kapwa Pilipinong naging Inglesero
ingles ng ingles kaharap man ay kapwa Pilipino
e kasi dito, sinasamba ang mga Inglesero
paraan nila ito nang agad makilala rito
dahil kung magtatagalog baka malaman ng tao
na wala pala silang alam, kayhihina ng ulo
dinadaan sa paingles-ingles para makaisa
pagkat sa bansang ito, ang inglesero'y sinasamba
dahil magaling sa Ingles ay agad hahangaan na
aakalaing laki sa pangarap na Amerika
dapat nating salitain ang sarili nating wika
aralin natin ang tagalog, ilokano't bisaya
kapampangan, panggalatok, iba pang wika sa bansa
upang tayong lahat dito'y totoong makaunawa
ang Japan ay umunlad, di naman Ingles ang salita
ang Tsina'y bumabangon na gamit ay sariling wika
Latin Amerika'y nagkaisa sa wikang Kastila
marami pang umuunlad na di Ingleserong bansa
huwag na nating tingalain ang mga Inglesero
dahil yakap pa nila'y kaisipang kolonyalismo
superyor ang Ingles, imperyor ang wikang Pilipino
sa ganitong kaisipang pulpol, uunlad ba tayo?
ingles ay tamang gamitin doon sa mga dayuhan
sariling wika naman pag kausap ay kababayan
ito nga ang nararapat nating gawing panuntunan
kung nais pa nating sumulong at magkaunawaan
Kahungkagan
KAHUNGKAGAN
ni Gregorio V. Bituin Jr.
ano bang naambag
ng mga tiwaling pulitiko
upang mapanatag
ang bayan sa serbisyo publiko
wala kundi hungkag
na pamumuno't pagkatuliro
ang sinasagisag
nitong mga trapo sa gobyerno
lagi silang bulag
sa dustang kalagayan ng tao
at mistulang bangag
sa kapangyarihang natatamo
ang trapo'y kaylibag
ng pamamahala at serbisyo
di dapat pumayag
tayong mamamayan sa ganito
dapat nang malansag
ang sistemang bulok nitong trapo
bago pa malaspag
itong ating bansa't pagkatao
ni Gregorio V. Bituin Jr.
ano bang naambag
ng mga tiwaling pulitiko
upang mapanatag
ang bayan sa serbisyo publiko
wala kundi hungkag
na pamumuno't pagkatuliro
ang sinasagisag
nitong mga trapo sa gobyerno
lagi silang bulag
sa dustang kalagayan ng tao
at mistulang bangag
sa kapangyarihang natatamo
ang trapo'y kaylibag
ng pamamahala at serbisyo
di dapat pumayag
tayong mamamayan sa ganito
dapat nang malansag
ang sistemang bulok nitong trapo
bago pa malaspag
itong ating bansa't pagkatao
- nalathala sa Taliba ng Maralita, ang opisyal na publikasyon ng Kongreso ng Pagkakaisa ng mga Maralita ng Lungsod (KPML), Tomo XIV, Blg. 1, Taon 2009, p. 8.
Sa Isang Blangkong Papel
SA ISANG BLANGKONG PAPEL
ni Matang Apoy
8 pantig
(ayon sa isang taga-multiply, "wala akong magawa. kahit madaming gagawin", na sinagot ko ng tula)
ito ang magandang berso
na aking pinakagusto
na gagawan ko ng tula
upang ako'y may magawa
kahit maraming gawain
at dapat pakaisipin
maraming salamat dito
at may magagawa ako
at sa isang blangkong papel
ay nag-iisip ng anghel
na dadalaw sa haraya
ng naritong manunula
ni Matang Apoy
8 pantig
(ayon sa isang taga-multiply, "wala akong magawa. kahit madaming gagawin", na sinagot ko ng tula)
ito ang magandang berso
na aking pinakagusto
na gagawan ko ng tula
upang ako'y may magawa
kahit maraming gawain
at dapat pakaisipin
maraming salamat dito
at may magagawa ako
at sa isang blangkong papel
ay nag-iisip ng anghel
na dadalaw sa haraya
ng naritong manunula
Hindi Palulupig
HINDI PALULUPIG
ni Greg Bituin Jr.
tanaga
sa ating diwa't tindig
at sa puso'y pumintig
ang bayang iniibig
ay hindi palulupig
ni Greg Bituin Jr.
tanaga
sa ating diwa't tindig
at sa puso'y pumintig
ang bayang iniibig
ay hindi palulupig
Lunes, Hunyo 29, 2009
Galaw ng Trapo'y Estilong Basahan
GALAW NG TRAPO'Y ESTILONG BASAHAN
ni Gregorio V. Bituin jr.
11 pantig
galaw ng trapo'y estilong basahan
ang nililinis ay kaban ng bayan
ang mga trapo nga'y nagbubundatan
lalo na yaong kanilang lukbutan
pag kampanyahan laging bukambibig
maglilingkod sa bayang iniibig
pag nasa pwesto na'y di na marinig
pagkat iyon pala'y kabig ng kabig
paano'y dapat bawiing tuluyan
ang milyones na gastos sa halalan
pagkat ang sweldo'y maliit lang naman
kaya nagnanakaw sa kabang-yaman
imbis magserbisyo sa mga tao
ang serbisyo'y ginagawang negosyo
ganito bumawi ang mga trapo
utak-basahang di dapat manalo
kaya sa pagsapit nitong halalan
iyang mga trapo'y dapat bantayan
ngunit dapat silang pakaingatan
baka buhay mo ay gawing basahan
kabisado na ng bayan ang trapo
kaya Comelec bantayan ding todo
dahil dumarami ang madyikero
dagdag-bawas, kapalit milyong piso
galaw ng trapo'y estilong basahan
pagkat marami pang katiwalian
kaya bayan ay pulos kahirapan
kawawa lagi itong sambayanan
kailangan natin ng pagbabago
ngayon pa lang ay kumilos na tayo
sa basura nababagay ang trapo
at di sa gobyerno ng mga tao
ni Gregorio V. Bituin jr.
11 pantig
galaw ng trapo'y estilong basahan
ang nililinis ay kaban ng bayan
ang mga trapo nga'y nagbubundatan
lalo na yaong kanilang lukbutan
pag kampanyahan laging bukambibig
maglilingkod sa bayang iniibig
pag nasa pwesto na'y di na marinig
pagkat iyon pala'y kabig ng kabig
paano'y dapat bawiing tuluyan
ang milyones na gastos sa halalan
pagkat ang sweldo'y maliit lang naman
kaya nagnanakaw sa kabang-yaman
imbis magserbisyo sa mga tao
ang serbisyo'y ginagawang negosyo
ganito bumawi ang mga trapo
utak-basahang di dapat manalo
kaya sa pagsapit nitong halalan
iyang mga trapo'y dapat bantayan
ngunit dapat silang pakaingatan
baka buhay mo ay gawing basahan
kabisado na ng bayan ang trapo
kaya Comelec bantayan ding todo
dahil dumarami ang madyikero
dagdag-bawas, kapalit milyong piso
galaw ng trapo'y estilong basahan
pagkat marami pang katiwalian
kaya bayan ay pulos kahirapan
kawawa lagi itong sambayanan
kailangan natin ng pagbabago
ngayon pa lang ay kumilos na tayo
sa basura nababagay ang trapo
at di sa gobyerno ng mga tao
Sabado, Hunyo 27, 2009
Trapo'y Nakatunganga
TRAPO'Y NAKATUNGANGA
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig
trapo'y walang ginawa
sa uring manggagawa
at mga maralita
kundi ang tumunganga.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
7 pantig
trapo'y walang ginawa
sa uring manggagawa
at mga maralita
kundi ang tumunganga.
Trapong Bulok, Trapong Bugok
TRAPONG BULOK, TRAPONG BUGOK
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
itong bayan natin ay nalulugmok
dahil sa mga trapong nabubulok
o, bayan, sa ating pakikihamok
trapo'y dapat lang tigpasin ng gulok
pag halalan lang sila kumakatok
sa buhay ng masang walang naimpok
kundi galit sa namumunong bugok
at sa sistemang kaytindi ng dagok
trapo'y kapara ng ligaw na lamok
dugo ng masa'y lagi nilang tutok
maghilom man ang sugat ay balantok
ulo't sikmura'y laging binabagok
o, panahon nang itapon ang bulok
lalo na yaong mga trapong bugok!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
itong bayan natin ay nalulugmok
dahil sa mga trapong nabubulok
o, bayan, sa ating pakikihamok
trapo'y dapat lang tigpasin ng gulok
pag halalan lang sila kumakatok
sa buhay ng masang walang naimpok
kundi galit sa namumunong bugok
at sa sistemang kaytindi ng dagok
trapo'y kapara ng ligaw na lamok
dugo ng masa'y lagi nilang tutok
maghilom man ang sugat ay balantok
ulo't sikmura'y laging binabagok
o, panahon nang itapon ang bulok
lalo na yaong mga trapong bugok!
Mga Kwentong Trapo
MGA KWENTONG TRAPO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Namatay na raw ang kwentong kutsero
Ngunit buhay pa ang kwentong barbero
At may nadagdag na iba pang kwento
Tulad ng mga kwentong babaero
At meron pa rin daw kwentong sanggano.
Ngayon, ang uso'y itong kwentong trapo
Na usapan ng mga pulitiko
Doon sa Senado at sa Kongreso
Na Konstitusyon ay nais mabago
At gobyerno'y gawing parlyamentaryo.
At kung sakaling mangyayari ito
Titiyakin ng pangulong tatakbo
Mula Malakanyang tungong Kongreso
Na sa kanyang balwarte'y mananalo
Tatalunin ang karibal sa pwesto.
Ganap nang magiging punong ministro
Kung siya manalo sa parlyamento
Habang mga kakamping pulitiko
Ay may biyayang milyun-milyong piso
Kaytapang ng apog ng mga ito.
Ay, ganito ang mga kwentong trapo
Maaalibadbaran kahit sino
Kaya kung nais nati'y pagbabago
Aba, magkaisa't kumilos tayo
At baguhin ang lipuna't gobyerno.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
11 pantig
Namatay na raw ang kwentong kutsero
Ngunit buhay pa ang kwentong barbero
At may nadagdag na iba pang kwento
Tulad ng mga kwentong babaero
At meron pa rin daw kwentong sanggano.
Ngayon, ang uso'y itong kwentong trapo
Na usapan ng mga pulitiko
Doon sa Senado at sa Kongreso
Na Konstitusyon ay nais mabago
At gobyerno'y gawing parlyamentaryo.
At kung sakaling mangyayari ito
Titiyakin ng pangulong tatakbo
Mula Malakanyang tungong Kongreso
Na sa kanyang balwarte'y mananalo
Tatalunin ang karibal sa pwesto.
Ganap nang magiging punong ministro
Kung siya manalo sa parlyamento
Habang mga kakamping pulitiko
Ay may biyayang milyun-milyong piso
Kaytapang ng apog ng mga ito.
Ay, ganito ang mga kwentong trapo
Maaalibadbaran kahit sino
Kaya kung nais nati'y pagbabago
Aba, magkaisa't kumilos tayo
At baguhin ang lipuna't gobyerno.
Pagkamatay ng Kwentong Kutsero
PAGKAMATAY NG KWENTONG KUTSERO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Noon daw sa bayan nating ito
Ay palasak ang kwentong kutsero
Saluhan pa ng kwentong barbero
Aba'y buhay na buhay ang kwento
Tsismis o kaya'y balita ito.
Ngayon tumatanda na ang mundo
Bihira na ngayon ang kutsero
Pagkat karitela'y di na uso
Sasakyan na ang minamaneho
Kaya wala nang kwentong kutsero.
Ngunit meron pang kwentong barbero
Lalo na sa barberya sa kanto
Makipaghuntahan lang kay Pedro
Habang ginugupit ang buhok mo
Ay marami siyang ikukwento.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
Noon daw sa bayan nating ito
Ay palasak ang kwentong kutsero
Saluhan pa ng kwentong barbero
Aba'y buhay na buhay ang kwento
Tsismis o kaya'y balita ito.
Ngayon tumatanda na ang mundo
Bihira na ngayon ang kutsero
Pagkat karitela'y di na uso
Sasakyan na ang minamaneho
Kaya wala nang kwentong kutsero.
Ngunit meron pang kwentong barbero
Lalo na sa barberya sa kanto
Makipaghuntahan lang kay Pedro
Habang ginugupit ang buhok mo
Ay marami siyang ikukwento.
Kasaysayan ng Dalawang Kalapati
KASAYSAYAN NG DALAWANG KALAPATI
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
i.
Kalapating mataas ang lipad
Kalawakan ay ginagalugad
Naghahanap ng uod o higad
Para sa anak na nasa pugad.
ii.
Kalapating mababa ang lipad
Ang turing kay Magdang sawimpalad
Na lagi na lang kinakaladkad
Upang gumiling na at maghubad.
ni Gregorio V. Bituin Jr.
10 pantig
i.
Kalapating mataas ang lipad
Kalawakan ay ginagalugad
Naghahanap ng uod o higad
Para sa anak na nasa pugad.
ii.
Kalapating mababa ang lipad
Ang turing kay Magdang sawimpalad
Na lagi na lang kinakaladkad
Upang gumiling na at maghubad.
Ibagsak ang mga Trapo
IBAGSAK ANG MGA TRAPO
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig
Kawawa na naman tayo
Pag sila'y muling naboto
Kaya ang panawagan ko:
Ibagsak ang mga trapo!
Trapo'y mga pulitiko
Na ginagawa sa pwesto
Serbisyo'y ninenegosyo
Kaya't di nagseserbisyo.
Pag ang namumuno'y trapo
Kawawa ka, Pilipino
Sistema'y dapat mabago
Kaya magkaisa tayo!
Ibagsak ang mga trapo
Huwag paapi, bayan ko!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig
Kawawa na naman tayo
Pag sila'y muling naboto
Kaya ang panawagan ko:
Ibagsak ang mga trapo!
Trapo'y mga pulitiko
Na ginagawa sa pwesto
Serbisyo'y ninenegosyo
Kaya't di nagseserbisyo.
Pag ang namumuno'y trapo
Kawawa ka, Pilipino
Sistema'y dapat mabago
Kaya magkaisa tayo!
Ibagsak ang mga trapo
Huwag paapi, bayan ko!
Huwebes, Hunyo 25, 2009
Sa isang dilag na bagong gising
SA ISANG DILAG NA BAGONG GISING
(tugon sa isang ka-multiply)
11 pantig
buti't nakatulog ka ng mahimbing
kaya pala ngayon ay naglalambing
tiyak kong kaysarap ng iyong gising
pagkat nalikha pa'y akdang masining
(tugon sa isang ka-multiply)
11 pantig
buti't nakatulog ka ng mahimbing
kaya pala ngayon ay naglalambing
tiyak kong kaysarap ng iyong gising
pagkat nalikha pa'y akdang masining
Sa iyo, Pag-ibig
SA IYO, PAG-IBIG
(tugon sa tula ng isang taga-multiply)
10 pantig
ako ngayo'y tila nanginginig
minamahal din kita, pag-ibig
ikaw sana'y aking makaniig
at ikukulong sa aking bisig
o, pag-ibig, minahal na kita
ikaw'y laging nasa alaala
sa puso ko'y itinanim ka na
lagi kitang didiligan, sinta
hanggang tuluyan kang mamulaklak
sa puso kong ginawang busilak
at ang bango mo'y humahalimuyak
at kitang dalawa'y hahalakhak
o, pag-ibig, sa iyong paghakbang
sa ibang dako, maging sa ilang
sana'y huwag mo akong iiwan
pagkat yao'y aking kamatayan
kung ako ay iyong lilimutin
para akong tinulak sa bangin
tuluyang maglalaho sa hangin
kaya sana ako'y iyong dinggin
(tugon sa tula ng isang taga-multiply)
10 pantig
ako ngayo'y tila nanginginig
minamahal din kita, pag-ibig
ikaw sana'y aking makaniig
at ikukulong sa aking bisig
o, pag-ibig, minahal na kita
ikaw'y laging nasa alaala
sa puso ko'y itinanim ka na
lagi kitang didiligan, sinta
hanggang tuluyan kang mamulaklak
sa puso kong ginawang busilak
at ang bango mo'y humahalimuyak
at kitang dalawa'y hahalakhak
o, pag-ibig, sa iyong paghakbang
sa ibang dako, maging sa ilang
sana'y huwag mo akong iiwan
pagkat yao'y aking kamatayan
kung ako ay iyong lilimutin
para akong tinulak sa bangin
tuluyang maglalaho sa hangin
kaya sana ako'y iyong dinggin
Ang Ginarapal
ANG GINARAPAL
ni Gregorio V. Bituin Jr.
8 pantig bawat taludtod
i.
may isang dilag na basal
ang ninakawan ng dangal
natagpuang hinihingal
takot na takot at pagal
katawan ay nangangatal
at siya pa'y nagduduwal
ii.
buong bayan ay nagimbal
lahat ay napatigagal
yaon namang mag-aaral
na kasuyo niyang mahal
ay napoot sa karibal
sa gawang karumal-dumal
iii.
sa isip ng mag-aaral
di napagtanggol ang mahal
kung siya na'y nagpakasal
ay di sana ginarapal
ang kaylaon nang minahal
ngunit siya ay kaybagal
iv.
pasiya ng mag-aaral
ipaghiganti ang mahal
at ang may sala'y masakal
ay, hinasa na ang punyal
nasang buhay ay mapigtal
ng nanggahasang karibal
v.
sa gawa nilang garapal
at sa mga krimeng brutal
ay di sapat ang pagbuntal
o paglatigo sa hangal
dapat ibigay na aral
ay ipiit ang pusakal
vi.
ang balita'y parang ritwal
naulit ang gawang hangal
hustisya sana'y iluwal
at bigla'y aking nausal:
sana'y di magpatiwakal
ang dilag na minamahal
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)